MATAMANG tinitigan ni Harushiko ang larawan nila ni Mizuki habang hinihintay ang resulta ng ginagawang pagde-decrypt sa microchip na nakuha ni Kenjo sa detective na kapatid ng kasamahan ni Mizuki sa Black Dragon Gang noon. "Eighteen years. Eighteen years akong naghahanap ng katotohanan tungkol sa pagkamatay mo. Hindi ko alam kung paano napunta kay Shinohara ang tracker na iyon, pero isa lang ang alam ko: Uubusin ang natitirang lahi ng sinumang sangkot sa pagkamatay mo. Nakawala man sila noon, hinding-hindi ko na sila papakawalan ngayon...kahit lumuhod pa sa harapan ko ang anak mo," puno ng galit na sumpa niya sa larawan nito. Nakalimutan na sana niya ang tungkol sa tracker na iyon nang isang araw ay may nagpadala sa kanya ng envelope package na naglalaman ng larawan ni Shinohara, ng hood

