NAGTUNGO sina Kazumi sa isang malaking bahay na pag-aari ng kanyang ama. Isa diumano iyon sa mga properties na nabili nito noon. Medyo tago ang lugar na iyon kaya sigurado itong hindi sila masusundan ng mga tauhan ni Harushiko. Pinagtulungan nilang ayusin ang mommy niya sa master's bedroom. Maingat nila itong inihiga at inayos ang higaan nito upang maging komportable. "Sige na, ako na'ng bahala rito," marahang taboy ni Shinji sa kanila. "May tatlong guest room sa baba. Kayo nang bahalang maghati no'n. May isa ring katabi nito." "Kay Kazumi na lang po iyon. Sa baba na lang po kami lahat," magalang na sagot ni Hikari. "Maraming salamat po." Tumango lang ang kanyang ama. Halos magkakasabay na lumabas ng silid ang mga kaibigan niya. Nanatili siya roon. "Misuke, magpahinga ka na sa kwart

