"KAZUMI!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Tasuke. "Kazumi, dito!" tawag nito sa kanya. Kasama nito si Masu na nakaabang sa labas. Dagli niyang hinila si Yuki papunta sa mga ito. "Nasaan ang iba?" tanong niya. "Paalis na sila roon," sagot ni Masu. "Kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling panahon." "Paano ang bomba? Nahanap n'yo na ba?" tanong ni Tasuke. "Hindi pa. Dito kami napunta ni Tera kanina imbes na sa sala." "Paano kayo napunta rito? Magkaiba ang pinto ng sala at ng social hall," nagtatakang tanong ni Masu. "Iyon nga ang pinagtataka ko. Pagbukas namin ni Tera ng pinto, dito kami napasok." "May pinindot ba si Tera sa lock ng pinto?" "Ha?" "Magkaiba ang main door ng Social Hall at ng sala, pero may security lock ang main door ng sala kung saan pweden

