MAG-ISANG tinatahak ni Mizuki ang makipot na daan patungo sa dating inuupahang apartment nina Risa, malapit sa Monshiro High na dati niyang pinapasukang eskwelahan. Malakas ang paniniwala niyang malaki ang maitutulong ng pagbabalik niya sa lugar na iyon upang bumalik ang kanyang memorya tungkol sa batang babae na kaibigan niya. Ito ang nagbigay sa kanya ng tracker at nagmo-monitor sa kanya gamit sa computer at CCTV cameras. Malay ba niya kung ano pa ang ginawa nito upang subaybayan siya. Pero ang gusto niyang malaman ay kung paano i-disarm ang transmitter na nasa katawan ni Kazumi na naka-connect sa timer ng bomba. Bumungad sa kanya ang isang matanda. "May kailangan po kayo, Miss?" Tinitigan niya ito. Nasa late 60's na ang hitsura nito. "Kayo po ba ang may-ari nito?" "Oo, ako nga. Bakit

