Chapter 12

2550 Words

"BAKIT hindi ka pa naghahanda? Male-late ka na." Napahinto si Misuke sa paghakbang nang marinig ang boses ng ama. Napalingon siya. "I'm grounded, am I not?" tanong niya. "Kahapon iyon. Pumasok ka na. Hindi pwedeng hindi ka maka-graduate dahil lamang sa absences mo," sagot nito. Lihim siyang natawa. Seryoso pala talaga ito kagabi. Pinatulog siya nang maaga dahil may pasok siya kinabukasan. "Hey, Dad!" mahinang bati niya nang pagbaba niya'y maabutan niya ang kararating lang na ama. Humalik siya sa pisngi nito, na hindi naman niya normal na ginagawa. "Nasaan ang kapatid at ang mommy mo?" tanong nito sa normal na tono—mababa pero hindi galit. "Nagpapahinga na po sila sa mga kwarto nila," sagot niya rito. "Ganoon ba? Sige, magpapahinga na rin ako," anito bago siya nito nilagpasan."Dad!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD