Chapter 6

2268 Words
"LUMABAS ka na," wika niya. Mula sa isang sulok ay lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng kimono. "Pinahanga mo ako sa lakas ng pandama mo." "Sino ka?" "Ako si Yamaru. Tauhan ako ng Tito Harushiko mo," pakilala nito sa sarili. "Ikinagagalak kitang makilala, Binibining Kazumi." Yumuko ito sa harapan niya bilang tanda ng paggalang. "Bakit mo ako sinusundan? Ano'ng kailangan mo sa akin?" Lumapit ito sa kanya. Napaatras siya ng isang hakbang. "Ipinadala ako ni Master upang siguraduhing hindi na kayo makikipag-ugnayan kay Terajiko..." "Bakit, ano'ng mangyayari kapag nakipag-ugnayan ako sa kanya?" "Nakita n'yo po ang ginawa niya sa inyong magkapatid. Ayaw lang po ni Master na maulit iyon." "At paano mauulit iyon gayong nakakulong si Tera ngayon?" "Hindi po nag-iisa si Terajiko. May mga kasamahan po siyang pwedeng gumawa no'n." "You mean ang Terazumi group?" "Opo, Binibining Kazumi." "Nandito ba sila sa Shinjuku para hanapin ako? Paano sila nakalabas ng Kugayama? Itinakwil na ba sila ng ating angkan? Ano ang nangyari sa kanila sa loob ng sampung taong nawala ako?" Hindi nito sinagot ang tanong niya. Yumuko ito ulit. "Nakikiusap po ako sa inyo. Huwag n'yo na pong hintayin pang may mapahamak sa inyo." Huminga siya nang malalim bago sumagot, "Paano kung hindi ko kayang gawin ang hinihiling n'yo sa akin?" Tumingala na naman ito at tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Mapipilitan po akong kitilin ang buhay niya." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Ano'ng sabi mo?" "Iyon ang utos sa akin ni Master Harushiko. Alam n'yong hindi pwedeng suwayin ang utos ng pinuno." Tumalim ang kanyang mga mata kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamao. "Pakisabi sa tito ko, hindi na mauulit ang nangyari kanina. Kapag ginalaw mo ang kahit isa sa kanila, mapipilitan akong kitilin ang buhay mo," matigas at mariing banta niya rito. Umangat ang kanang bahagi ng labi nito. "Tama nga ang pinuno. May katigasan din ang ulo ninyo. Pwes, kayo ang bahala. Nakasalalay sa pasya ninyo ang buhay niya." Her mouth tightened, at pigil ang galit na bumaon ang kanyang mga kuko sa higpit ng pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamao. "Misuke!" Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses. "Kenji?" Yumuko si Yamaru sa kanya para magpaalam. "Misuke, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kenji sa kanya nang lumapit ito. Tiningnan lang niya ito. Pagkuwa'y luhaang napayakap siya sa binata. Niyakap din siya nito. "Ano'ng nangyari? Ano'ng ginawa ng taong iyon sa iyo?" Hindi siya sumagot. Hinayaan lang siya ni Kenji na umiyak hanggang sa mahimasmasan siya. Naupo sila sa bench sa isang sulok ng Central Park. Nagsimula siyang magkwento rito. "Pamangkin ako ng kasalukuyang pinuno ng isang angkan ng mga yakuza sa side ng nanay ko..." Saglit siyang huminto para tingnan ang reaksyon ni Kenji subalit walang pagbabago roon. Lihim siyang natuwa at nagpatuloy, "Ang tunay kong ama naman, ang daddy ni Yuki, ay anak ng kilalang pamilya ng mga pulis. Iniwan niya ang nanay ko habang nasa sinapupunan pa lang niya ako. Nang mamatay ang nanay ko, ang Tito ko na ang nag-alaga sa akin. Kasabay kong lumaki sina Terajiko. Matalik ko siyang kaibigan. Kaming dalawa ang bumuo ng Terazumi group. I was seven nang makilala ko si Yuki. Mula noon, naging magkaibigan kaming dalawa at unti-unti kong naramdaman na para ko na siyang nakababatang kapatid. Tutol ang ama niya sa pagkakaibigan namin subalit nang malaman nitong anak niya pala ako, nagpasya siyang kunin ako at patirahin sa mansyon kasama ng pamilya niya. Binigyan niya ako ng bagong buhay, bagong pangalan at ipinalabas niya sa lahat na anak ako ng malayong kamag-anak niya. Isa sa mga kondisyong ibinigay niyasa akin ay ang putulin ko ang ugnayan ko sa kanila maging sa buong angkan namin. Iyon din ang kagustuhan ng tito ko. Sinabi niya sa akin na sa pamamagitan ng gagawin kong sakripisyo, maililigtas ko ang buong angkan namin. Maimpluwensyang tao ang aking ama. Malawak ang koneksyon niya sa mga pulis. Isang maling kilos ng kahit isa sa amin, siguradong mapapahamak ang buong angkan namin. "So, ikaw ang ginawang kolateral ng angkan ninyo sa ama mo para huwag niya silang pakialaman," komento ni Kenji. Napatingin siya rito. Nakatungo lang ang mukha nito. Yumuko siya. "Masyado pa akong bata noon. Hindi ko pa naiintindihan ang mga nangyayari. Ang alam ko lang, gusto kong makilala ang tunay kong ama at protektahan ang kapatid ko laban sa lahat ng gustong manakit sa kanya. Pero kahit saan mo tingnan, mukhang ganoon na nga iyon." "Alam ba ni Terajiko ang tungkol sa sitwasyon mo?" tanong nito. This time nakatingin na ito sa kanya nang lingunin niya. Umiling siya. "Ang alam lang niya tinraydor ko siya at ang buong angkan namin." "So totoong dinukot niya ang kapatid mo kanina at pinuntahan mo siya sa Terazumi building...dahil gusto niyang maghiganti laban sa iyo?" Tumitig siya rito. Nagtatanong ang mga mata niya kung paano nito nalaman ang tungkol do'n. "Narinig namin ang pag-uusap ng mga kaibigan mo kanina," agad na sagot nito nang makuha ang ibig sabihin ng kanyang mga titig. "I see," tango niya. "Oo, tama ka. Hindi ko alam kung kaya pa niyang tanggapin ang mga paliwanag ko." "At sino naman iyong taong kausap mo kanina?" "Tauhan ng tito ko. Nabalitaan nila ang nangyari kanina. Gusto nilang siguruhin na hindi ko pa nilalabag ang aming kasunduan. Kapag nakipag-ugnayan ulit ako sa mga kaibigan ko, may mangyayaring masama sa kanila." Hindi na ito nagsalita pa. Ilang saglit din siyang natahimik bago muling nagsalita, "Maraming salamat," aniya sabay yuko sa harapan nito. "Maraming salamat sa oras mo." "Ah, wala iyon," sagot nito sa kanya. "Halika na. Ihahatid na kita pauwi." Lihim siyang napasulyap sa binata habang naglalakad sila pauwi. Just when she needed someone to talk to aside from Yuki, heto't of all people si Kenji pa ang kasama niya. Para siyang nananaginip. Hindi nga niya inakalang magiging malapit sila sa isa't isa. Ni ang pansinin siya nito ay hindi niya inasahan. "Naku, patay!" Bigla siyang napahinto nang maalala si Yuki. "Bakit?" takang tanong ni Kenji na napahinto rin. "Pupuntahan ko nga pala ang kapatid ko para sabay na kaming umuwi. Siguradong nag-aalala na iyon sa akin," sagot niya sabay kuha ng kanyang cellphone. Just when she was about to dial his number, biglang namatay iyon. "s**t!" napamura siya. "Okay ka lang?" tanong ulit ni Kenji. "Kenji, pasensya na pero kailangan kong bumalik para puntahan si Yuki. Pasensya na talaga. Maraming salamat ulit," wika niya at nagmamadaling tumakbo pabalik.   --   "OH, Yamato! Bakit ngayon ka lang?" Napahinto sa paglalaro ng billiard si Yuki at napalingon sa direksyong tinitingnan ni Satoshi. "Ano’ng nangyari sa iyo?" tanong niya sa kararating lang na si Yamato nang mapansin ang mga pasa sa mukha nito at ang damit nitong nadungisan ng dugo. "Napa-sideline lang," payak na sagot nito na hindi na kailangan pang ipaliwanag sa kanila kung ano ang ibig sabihin. "Sino?" tanong niya. "Taga-Ara High." "Ara High?" sabay-sabay na tanong nilang apat. "Ikaw lang mag-isa? Ilan sila?" hindi makapaniwalang tanong ni Takeru. "Take, parang hindi ka naniniwalang kinaya ko silang talunin lahat, ah!" napipikong wika ni Hayato. Nagkatawanan lang sila. "Tama na iyan," awat niya sa mga ito. "Yuki, 'asan na ba si Ate Misuke?" naiinip na tanong ni Takeru sa kanya para maiba ang usapan. "Huwag mong sabihing hindi naman siya darating ngayong andito na si Yamato?" "Parating na iyon," sagot niya. "Baka naman may nakasagupa na namang sanggalo sa kanto," biro ni Satoshi. "Either tumakbo iyon para iligaw ang mga kalaban niya o binugbog niya ang mga iyon isa-isa," sakay naman ni Kuga. "Hindi nakakatawa ang biro n'yo, ha?" saway niya sa mga kaibigan. "Sorry," sabay na wika ng dalawa. Muli niyang tinawagan si Misuke subalit hindi ito sumasagot. Pangatlong tawag na niya iyon simula nang sabihin nitong pupuntahan sila nito. Nagpatuloy sila sa paglalaro. Makalipas ang sampung minuto, tinawagan na naman niya ito. Subalit hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Nagsimula na siyang mag-alala. Hindi maitatanggi na may posibilidad ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. "Yuki, okay ka lang?" tanong ni Hayato. "Si Ate hindi pa rin sumasagot." "Baka may sinabitan lang. Alam mo naman ang mga babae, kapag may nakitang damit o kahit anong gamit na gusto nila, binibili agad," sagot ni Satoshi bago tumira. "Hindi siya mahilig mag-shopping. Masama ang kutob ko," aniya. Napahinto sa paglalaro ang mga ito. "Nasaan daw ba siya noong huli mo siyang makausap?" tanong ni Kuga. "Sa Shitori Town," sagot niya rito. "Tayo na!" mabilis na yaya ni Satoshi. Isa-isa silang nagsilabasan upang hanapin si Misuke. Pumunta sila sa Shitori Town ngunit wala ni bakas ng ate niya ang nakita nila roon. Nagpasya silang maghiwa-hiwalay. "Teka, sandali!" reklamo ni Yamato. Napahinto naman silang apat at napalingon dito. "Paano ko hahanapin ang ate mo, eh, hindi ko pa nga nakikita iyon? Ni hindi ko alam kung ano'ng hitsura niya," wika nito sa kanya. Halos sabay-sabay silang napatapik sa noo. "Hay naku, Yamato!" wika ni Satoshi. Kinuha niya ang kanyang wallet at ipinakita rito ang litrato ni Misuke. "Hayan! Iyan ang ate ko," wika niya rito. Para namang nakakita ng multo si Yamato. "Ate mo ang babaeng ito?" "Anong 'ang babaeng ito'? Bakit, nagkita na ba kayo?" "Eh, iyan iyong babaeng suplada na iniligtas ko kanina laban sa mga taga-Ara High." "Ano?!" halos sabay-sabay na tanong nila. "Saan mo siya iniwan? Bakit mo siya hinayaang mag-isa?" sunod-sunod na tanong niya sabay hawak sa kwelyo nito. "Hoy, teka! Huwag ka namang magalit sa akin. Malay ko bang si Ate Misuke iyon. Isa pa, ang yabang-yabang kaya ng babaeng iyan kanina. Ni hindi nga nagpasalamat sa akin," wika ni Hayato na pilit kumawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa kwelyo nito. "Saan mo nga siya huling iniwan?" naiinip namang tanong ni Kuga. "Sa iskinita malapit sa Kenjo Bowling Alley." "Yamato naman, eh..." Inalis na niya ang kanyang kamay sa kwelyo nito at mabilis na pinuntahan ang lugar na sinabi nito. Subalit wala roon ang ate niya. Muli niyang tinawagan ang cellphone nito. Nag-ring na naman pero hindi pa rin sinagot. "s**t!" napamura siya at halos ibalibag na niya ang kanyang cellphone sa inis. "Yuki, tama na," awat ni Takeru. "Hanapin na lang natin siya, okay?" Naghiwa-hiwalay sila para hanapin si Misuke. Ilang tindahan at bar na rin ang kanyang napasukan ngunit wala roon ang ate niya. "Ate naman, oh!" Muli niyang tinawagan ang cellphone nito ngunit hindi na niya ito makontak. Mukhang nakapatay na ito. Ilang minuto pa'y nagkasalubong na naman sila ng mga kaibigan niya. "Ano?" tanong niya sa mga ito. "May nakakita sa kanya sa Central Park. May kasamang lalaki," sagot ni Takeru. "Lalaki? Sa Central Park?" nagtatakang tanong niya at inisip kung sino ang lalaking maaring kasama nito. "May boyfriend ba ang ate mo?" tanong naman ni Yamato. "Ano raw hitsura ng lalaki? Naitanong mo ba?" tanong niya kay Takeru. "Hindi, eh," sagot nito. "Pasensya na." "Di bale. Malamang si Kenji iyon," aniya na tila nakahinga na nang maluwag. Kahit papaano'y napanatag na rin ang kanyang kalooban dahil alam niyang hindi masamang tao si Kenji kung si Kenji nga iyon. Well, wala namang ibang pwedeng maka-date ang ate niya. "Yuki!" Agad siyang napalingon nang marinig niya ang kanyang pangalan. Nakita niya ang kanyang ate na tumatakbong papalapit sa kanila. Hinihingal pa ito nang huminto sa tapat niya. "Sorry...kung hindi ko...nasagot ang mga tawag mo...Hindi ko kasi napansin...ang cellphone ko...Tapos namatay pa ito...nang tatawagan na sana kita..." "Saan ka ba nanggaling? Nasa Central Park ka raw kanina at may kasamang lalaki. Si Kenji ba iyon?" Huminga muna ito at kumalma bago sumagot, "Ah, oo. Nagkita kasi kami at nagkakwentuhan kaya hindi ko..." Napahinto ito nang mapalingon kay Hayato. "Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito?" "Nakita n'yo na? Sa ugali niyang iyan, aakalain ko bang siya iyan?" wika ni Hayato sa kanila. "Ha?" naguguluhang tanong ni Misuke. "Ah, Ate, siya si Yamato," wika ni Takeru. "Eh? Yamato...Azuki?" hindi makapaniwalang tanong ng ate niya. "Nice meeting you...Ate Misuke," tila napipilitang wika ni Yamato. Halatang hindi naging maganda ang pakikitungo ng ate niya sa kaibigan kaya masama pa rin ang loob nito. "Si Yamato ang nagligtas sa iyo kanina," wika niya. Biglang natawa si Misuke. "Nagligtas? Eh, umeksena lang naman siya kanina. Kayang-kaya ko kaya ang mga iyon," sagot nito. Lalong umasim ang mukha ni Hayato. "Binibiro ka lang ni Ate," wika niya sa kaibigan nang mahalata ang reaksyon nito. Tiningnan niya si Misuke at sinenyasan. Tumigil naman ito sa pagtawa at umayos. "Pasensya na. Bad trip lang talaga ako kanina kaya medyo naging mataray ako." Hindi pa rin umimik si Yamato. Nilapitan ito ni Misuke. "Hoy, Yamato! Sorry na," anito. "Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi sa kanila na ako naman talaga ang nakatalo sa mga taga-Ara High at hindi ikaw," dagdag pa nito na natatawa na naman. "Kahit kailan talaga..." hindi na nakapagpigil na sagot ni Hayato. Nagkatawanan lang sila. "Hayato...Tama na iyan," awat ni Satoshi. Napangiti naman ang ate niya at ginulo ang buhok ng kanyang kaibigan. "Sa wakas nagkaharap na rin tayo...Azuki Hayato-kun." Ilang sandaling napatitig ang kaibigan niya sa kanyang ate. Pagkuwa'y ngumiti na rin ito sa wakas. "Sige na nga. Kalimutan na natin ang nangyari kanina," wika nito. "Tara, kain na muna tayo bago umuwi. Hindi pa ako nakapaghapunan, eh," yaya ni Misuke sa kanila. "Tara, guys!" wika naman niya. Humantong sila sa isang ramen restaurant. Sa kabila ng mga ngiti at tawa ni Misuke, alam ni Yuki na may bumabagabag sa ate niya. Nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan at pag-aalala. Matagal na panahon rin niya itong nakasama at inobserbahan kaya masasabi niyang kilala na niya ang mga kilos nito. "Yuki, bakit ang tahimik mo diyan? May problema ba?" tanong nito sa kanya. "Wala," aniya kasabay ang isang ngiti upang pagtakpan ang kanyang pag-aalala rito. "Masyado lang iyang nag-alala sa iyo kanina, Ate. Alam mo naman iyang si Yuki, hindi napapalagay kapag ikaw na ang pinag-uusapan," panlalaglag sa kanya ni Takeru. Siniko naman niya ito kaya bigla itong natahimik. Napangiti lang ang ate niya. Pagkatapos nilang kumain, nagpasya na silang umuwi pagkalabas nila ng restaurant na iyon. "Bye, Ate! Salamat sa ramen!" sigaw ni Takeru kay Misuke. "Yuki, mauna na kami," paalam naman ni Kuga sa kanya. "Sige," sagot niya. Nagpaalam na rin sina Satoshi at Yamato. "Diretso nang uwi, ha? Lalong-lalo ka na, Yamato," bilin ng ate niya sa mga kaibigan niya. "Oo," sagot ni Yamato na nakatalikod na sa kanila. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Tumalikod na rin sila at nagsimula nang maglakad pauwi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD