HABANG tinatahak ni Kazumi ang gilid ng kalsada sa kahabaan ng Kugayama highway, hindi niya maiwasang mapaisip--ano ba talaga ang ipinaglalaban niya? Sapat ba ang mga kasamaang ginawa ng tito niya upang gustuhin niya itong tapusin gayong siya naman ang puno't dulo kung bakit ito nagbago at nalihis ng landas? Nagmahal lang ang tito niya. Minahal nito nang wagas ang kanyang ina, na umibig naman sa kanyang ama. Ganoon nga ba kahiwaga ang pag-ibig? Nagagawa nitong baguhin ang isang tao--napapabuti o napapasama. Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon. Kahit gustuhin pa niyang i-justify kung bakit nagagawa ng kanyang tiyuhin ang kasamaang iyon, hindi pa rin niya mapapatawad ang p*******t nito sa mga kaibigan niya--higit sa lahat, sa kapatid niya. Kung sa mga kaibigan lang siguro niya, marahil m

