TUTOK na tutok si Fukushi sa screen ng kanyang computer habang ini-examine ang nature ng bombang nakalagay sa sala ng mansyon ng mga Miyagami. Kinuha na niya ang X-ray diagram ng laptop na pinag-install-an nito upang makita ang laman niyon. "Ano na?" tanong ni Takumi habang nanunuod sa mga live feed video na kuha sa CCTV cameras ng buong Kugayama na na-hack niya. "Sandali, nahihirapan pa ako," sagot niya rito. Lumapit si Banjo sa X-ray diagram ng laptop na kinuha niya kahapon pa. "Mukhang mahihirapan tayo nito. Kung nasa tracker ni Kazumi ang control ng timer, mahihirapan tayong i-trace ang main server nito." "Ano'ng ibig n'yong sabihin?" tanong niya rito. "Parehong monitored ni Black Dragon at Harushiko ang tracker na iyon." "Kung pareho silang naka-monitor sa tracker na iyon, so ma

