NAABUTAN ni Kazumi ang ina na kasalukuyang kausap si Youji. Malamang nagkaaminan na ang dalawa tungkol sa mga nangyari lalo na sa kanyang ina. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata ni Youji kahit namumula iyon sanhi siguro ng pag-iyak. "May kailangan ka, anak?" tanong nito nang mapansin siya. "Pwede ko ba kayong makausap?" wika niya rito. Tumango ito bago sinenyasan si Youji. Lumabas ang huli at iniwan silang mag-ina. "Tungkol saan?" tanong ng ina. Ni-lock niya ang pinto bago lumapit dito. "Naalala n'yo pa ba ang tungkol sa tracker na nilagay n'yo sa hood noong bata pa ako?" Napaisip ito at pilit inalala ang tungkol sa sinabi niya. "Oo, naalala kong may inilagay akong transmitter sa loob ng hood ko at iniwan ko iyon sa iyo nang pumunta ako sa hideout ng Black Dragon Gang para magpa

