"TERA, huwag!" pigil ni Masu sabay hila sa kanya para magtago kasama ni Hayasu. Maya-maya pa'y natigil ang putukan. Naramdaman nila ang pagpasok ng mga kalaban sa loob ng bahay, habang sila ay tahimik na nagtatago sa ilalim ng kitchen table na ginagamit ni Kurei sa pagluluto. Nakuyom niya ang kamao sa galit lalo na nang pagsilip niya'y tumambad sa kanya ang katawan ng kaibigan na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. Kurei... "Hoy! Mga dagang duwag! Magsilabasan kayo sa mga lungga n'yo," nanghahamong sigaw ng isang lalaki nang tumigil ito sa pamamaril. "Kinatatakutan daw ng mga taga-Shinjuku. Pwe! Wala naman kayong binatbat sa akin! Ang alam n'yo lang manakot ng mga maliliit na dagang katulad n'yo!" panliliit pa nito sa kanila. "Magbabayad ka sa ginawa mo!" mahina p

