BUMALIK siya muli sa kanyang apartment. She stayed in front of Fukushi's laptop reviewing all CCTV footage sa lahat ng mga nangyari simula nang mamatay si Watanabe hanggang sa nangyaring pagsalakay sa Miyagami Village. She searched for clues sa pwedeng pagdalhan ni Sumiyoshi kay Nagara. She listed all the information in her notes. After two hours, tumigil na siya. Inilagay niya sa kanyang backpack ang kanyang mga importanteng gamit at nagpasyang magpahinga. Naistorbo ang kanyang pagtulog nang tumunog ang kanyang cellphone. "Kazumi," wika ng demonyong tumawag sa kanya. "Hindi mo naman siguro balak talikuran ang kaibigan mo, hindi ba?" "Pupuntahan din kita kaya huwag kang mainip, Tanda! Pinapahaba ko lang ang buhay mo dahil baka mamaya kapag nagkita tayo, wala ka nang panahong i-enjoy an

