HINDI maipinta ni Kazumi ang hitsura ng mukha ni Ren nang marinig ang kanyang sinabi. "S-Sino ka ba talaga?" nanginginig ang tinig nitong tanong sa kanya. "Ako ang kasalukuyang lider ng Miyagami Clan, ang nangungunang pinakamalaking grupo ng mga yakuza sa buong Japan. Mortal naming kaaway ang grupo ni Jun Watanabe." "Kung ganoon, ikaw ang..." "Hindi ako pumatay sa kanya!" mabilis na pagtatama niya. "As much as possible, gusto kong ako ang kumitil ng buhay niya para makapaghiganti ako sa mga kasalanan niya sa akin. Gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa kanya! Gusto kong malaman kung sino ang sumira sa plano kong paghihiganti sa kanya!" Ren's face was full of shock! Naroon ang pagkalito na hinaluan ng matinding takot. "Hindi ako naniniwala sa iyo. Mga kaibigan mo pala ang nakita

