Chapter 1
Chapter 1
Jane's POV
Maingay na ang lansangan dahil sa busina ng mga sasakyan kahit hindi pa gaanong sumisikat ang araw. Mausok na rin ang kalsada dahil sa ibinubuga ng tambutso ng mga ito, oras na kasi ng pagpasok sa trabaho ng karamihan sa mga manggagawa at isa na ako doon.
Ako nga pala si Jane Cruz laking probinsya at nakipagsapalaran sa syudad para makapag trabaho habang nag-aaral.
Hirap at pagod ang aking sinuong para makapag tapos ng pag-aaral. Malayo man ako sa aking pamilya ay hindi naman sila nagkulang sa pag papaalala at paggabay sa akin. Isa sa nagpapalakas ng aking loob ay sina Joy at nanay Marina. Nakilala ko si Joy sa cafe na pinag tatrabahuan ko noong nag-aaral pa lamang ako.Tulad ko ay working student din si Joy taking up nursing while I'm taking up information technology in the same university. Despite of the hardship we been through we succeed. Joy is now working in Saint Jude General Hospital bilang nurse.
Ako naman ay nag resign sa trabaho bilang call center agent dahil may offer sa akin bilang isang secretary sa Delos Santos Corporation. Mas mataas ang offer nilang salary kaya mas pinili ko ang trabahong ito, kailangan ko kasi ng mas malaking halaga para magpadala sa probinsya. Lahat ng kapatid ko ay nag aaral na, anim kaming magkakapatid at ako ang pinakamatanda at syempre pinakamaganda only girl kasi ako. Dalawa sa aking mga kapatid ay nasa kolehiyo na rin at ang tatlong iba pa ay nasa high school, although nagtatrabaho din ang dalawa kong kapatid habang nag-aaral kailangan ko pa ring suportahan ang tatlo ko pang kapatid.
Kasama ko sa apartment sina Joy at ang ina n'yang si nanay Marina. Madilim palang ay gumayak na ako para hindi ma-late sa trabaho medyo malayo ang DS CORP. sa tinitirhan namin at dalawang sakayan pa ito. Una na'ng sinabi sa akin ni madam Veronica ayaw ng boss ko ng late comer's Madam Veronica is the former personal secretary of DS CORP's president. She's the one who offered me this kind of job dahil magreretiro na rin ito. Palaisipan pa rin sa akin ang kung bakit bigla akong inalok ni madam ng trabaho gayong hindi naman nila ako lubusang kakilala.
Madam Veronica is already at the mid sixties, sa madaling salita ay nasa mid sixties na rin ang magiging boss ko. Naiintindihan ko naman kung magiging istrikto siya ganun naman talaga ang tumatanda na.
8am sharp I should be in the office, 7:45 ay nakarating na ako sa DS CORP. Agad akong nakilala ng guard dahil ilang beses na rin akong nakarating sa kumpanya dahil sa aking interview. May issue na rin sa aking company ID kaya dire-diretso na ako fifteenth floor kung nasaan ang office ng magiging boss ko.
Pagpasok ko ng elevator ay may mangilan ngilan na akong na kasabayan na pawang mga empleyado ng kumpanya. They greeted me and I greet them back. Nasa tamang palapag na ako at lumabas na na'ng elevator. Sinalubong ako ni madam Veronica na nakangiti "Good morning Miss Cruz, mabuti at maaga ka mai to-tour muna kita dito sa executive department." aniya ni
Madam Veronica.
"Naku Madam inagahan ko po talaga dahil sobrang traffic baka po malate ako kapag binagalan ko ang kilos." sagot ko.
"Ok let's go." Saad ni Madam ay iginiya ako papunta sa mga cubicle.
This is your cubicle, you have your own monitor here dito ka gagawa ng mga schedule ni sir Alejandro."
Pagka dinig ko sa pangalan nang aking boss ay halatang may edad na ito sa pangalan palang masyadong pang maluma.
Self ang harsh mo naman sa maluma, diba pwedeng matanda nalang. Saad ko sa isip ko.
"One more thing Jane, mahigpit na ipinag uutos ni Sir Alejandro na walang papasok sa office n'ya kapag hindi n'ya pinapatawag even you kaya huwag mong kalimutan but except his dad. Kung mga kaibigan naman n'ya dapat ay ipaalam mo muna sa kanya kung pwede mo silang papasukin. Is that clear Miss Cruz?" paalala ni madam Veronica.
"Yes po madam I will always remember that." Sagot ko at s'ya nama'y napatango at iginiya ako sa mga kasama ko sa departments. Isa-isa akong ipinakilala ni madam at lahat naman sila ay cheerful maliban sa isa the girl named Janette sounds like my name pero hindi ang ugali. I'm not judging someone base on my first impressions but it's like I don't like her aura. Kung may bad vibes akong napansin meron namang good vibes ang hatid, he is Anastacio, Anastasia sa gabi he is a gay at napaka masayahin n'ya.
"Hello Miss Jane sana magtagal ka dito at hindi ma-imbyerna para hindi ma-stress ang beauty mo." Nakangising saad ni Anastacia.
"Tacio, shut up." Babala ni miss Veronica. Ngumuso lang si Tacia sa inasta ni madam. Napaisip naman ako, ganun na ba ka sitrikto ang boss namin para ma-imbyerna ako?
Marami pang habilin si madam Veronica bago ako iniwan dahil kailangan pa s'ya sa final interview ng mga iba pang aplikante. Nagpasalamat naman ako sa Ginang bago ako iwan sa aking cubicle. Iginala ko ang aking mata sa paligid halos wala namang pagkakaiba ng office na ito sa dati kong trabaho 'yon nga lang hindi baba sa sampo ang mga empleyado dito samantalang higit bente kami sa isang opisina do'n sa dati kong pinagtatrabahuhan.
Napalingon ako sa babaeng nagngangalang Janeth habang padabog na ibinagsak ang mga folder sa kanyang table at masama akong tiningnan. "You should start your work hindi ka tinanggap dito para tumunganga, kunin mo ang mga folders na ito at dalhin sa accounting department." Masungit n'yang utos na nakatingin sa akin. Medyo hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila kaya napatayo ako at naglakad palapit sa gawi n'ya at hinarap ko siya.
"Hindi rin ako nag apply dito para mag paapi, lalo na sayo. Narinig mo ba kung ano ang trabaho ko dito? Iyon ay ang pagiging sekretarya ng boss natin hindi ang magpa alipin sayo." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa hindi siya katangkaran, maputi at maganda pero nakasisiguro akong pangit ang ugali. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang namaywang sa harapan ko ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magsalita humakbang pa ulit ako ng isa para mas lalong mapalapit sa kanya at nagsalita.
"Sinabi pala sa akin ni madam Veronica na ang boss ko lang ang susundin ko at hindi ang mga kapwa ko manggagawa na kung makaasta ay feeling may ari ng kumpanya." Iningusan ko siya at tinalikuran pabalik sa cubicle ko. Akala siguro ng babaeng ito ay masisindak n'ya ako. Tambay na maton nga sa kanto hindi ako nasindak s'ya pa kayang bubwit lang.
"That's what I like palabarn, I like you na." Nakangiting turan ni Tacia sa akin at kinindatan ko lamang siya bago umupo sa aking swivel chair. S'ya nama'y lumapit sa akin at dumungaw sa dibisyon ng aming cubicle.
"Hindi na kasi uso ang yuyuko-yuko nalang sa panahon ngayon kung tumahimik ka at hindi nalang kikibo aabusuhin ka nila. Hindi ko obligasyong sundin s'ya, hindi naman siya ang boss ko." sagot ko sa kanya.
"Isa din 'yan sa nakakasira ng araw ko minsan eh hindi ata matanggap na mas maalindog ako sa kanya." natatawa na saad nya habang kumi kibot kibot ang kanyang mga labi kaya natawa narin ako sa kanyang facial expression.
"Hinaharas ka rin ba niya?" tanong ko ulit kay Tacia.
Umiling lang si Tacia bago sumagot "Hindi naman pero mahilig siya magparinig lalo na kung tambak siya sa paper works. Ganyan talaga siya sa mga baguhan feeling boss." kwento n'ya sa akin. Marami pa kaming napag usapan ni Anastacio higit naming nakilala ang isa't isa, tulad ko ay galing din si Tacia sa probinsya. Dito rin sa syudad nag aral si Tacia ang kaibahan lang namin
ay suportado siya ng kanyang magulang habang nag aaral. His parents are both teachers hidi kagaya ko n isang kahig isang tuka lamang. Marami pa kaming aalamin tungkol sa isa't isa kaya napagkasunduan naming sabay kaming uuwi tutal magkalapit lang kami ng uwian.
It's already 8 in the morning kaya sinimulan ko na'ng i-check ang aking monitor. Una kong tingnan kung may naka save na schedule ang aking boss ngunit wala akong makita. I decided to ask Tacio about it.
"Tacia, can I ask you something?" lumingon naman siya sa akin at saka sumagot.
"Yes darling what is it?" nakataas na ang isang kilay na tanong sa akin.
"Eh ano kasi, wala akong mahanap na file kung saan naka-save ang schedule ng boss natin alam mo ba kung saan naka save yun?" tanong ko sa kanya.
"Hintayin mo yung tablet na ibibigay sayo ni Miss Veronica, ipapadala daw niya mamaya doon mo ichecheck ang mga schedule ni sir. Inihabilin niya kanina may ia-arrange lang daw siya." sagot ni Tacia sa akin.
"Ah ok." napatango ako bilang tugon. Nawala sa isip ko na tablet na pala ang gamit ko when it comes to his schedule. Nasanay kasi ako sa dati kong trabaho na computer ang gamit ko. Natigil ako sa pag iisip nang nag ring ang ang cellphone ko agad kong kinuha ito sa aking bag at tiningnan kung sino ang tumatawag agad kong sinagot na'ng makitang ang best friend kong si Joy ang tumatawag.
"Hello beshy."
"Hello beshy kumusta ang bago mong work? Pasensya kana ha medyo late na akong nagising kanina hindi na kita naabutan."
"Ok lang ako beshy wala pa naman yung boss ko." habang kami ay nag-uusap ng aking kaibigan ay siyang pagpasok ng isang lalake sa office ng boss ko agad akong nag paalam kay Joy upang habuin ang lalaking yun