Chapter 2
Ace's POV
I was about to enter my office when I saw a woman talking someone on her phone. Her voice is quite familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig ang mga boses na iyon. Napataas ako ng aking kilay nang makita siyang ngumiti. She's beautiful, her face was really familiar to me, bilugang mukha may pagka singkit ang kanyang mata at maliit ngunit matangos na ilong. Naipilig ko ang ulo ko When I realized that I'm already praising this woman na ngayon ko lang nakita. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad papasok sa aking opisina.
Jane's POV
Nagmadali akong tumayo upang habulin ang lalaking papasok sa opisina ng boss ko ngunit huli na dahil pinihit na n'ya ang seradura ng pinto. Hinawakan ko siya sa kanyang braso upang pigilan.
"Sir wait!" Nilingon n'ya ako, salubong ang kanyang mga kilay at blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ngunit kahit nakabusangot ito ay litaw pa rin ang kagwapuhan nito, hindi siya gaanong maputi ngunit sobrang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong at natural na mapula ang kanyang mga labi. Nagising ako sa pagpapantasya sa lalake ng magsalita ulit siya, nakapasok na pala siya sa loob ng opisina ng hindi ko namalayan.
"Yes what is it miss?" baritono ang boses na tanong niya sa akin.
"I-I just want to ask if do you have an appointment before entering the office of my boss?" Tanong ko ngunit napangisi lang ang lalaki at nakapamulsa. Isinandal ang likurang bahagi ng kanyang hita sa edge ng table.
"What is your name? Balik tanong n'ya imbes na sagutin ang tanong ko. Sinuyod niya ang aking kabuuan na ikinailang ko.
"I-I'm Jane Cruz sir. I'm the newly hired secretary of the DS CORP's president." sagot ko lalong lumawak ang kanyang ngisi ngunit lalong nangunot ang kanyang noo. Bipolar lang? Napatuwid ako ng tayo habang lumalapit siya sa gawi ko na nakapamulsa pa rin. Nanuot sa aking ilong ang kan'yang pabango na para bang ang sarap amuyin at hindi nakakasawa. Sa sobrang lapit niya sa akin ay napaatras ako ng isang hakbang para magkaroon kami ng kaunting distansya sa isa't isa.
"Newly hired huh? Ok let me introduce myself, I am Ace Alejandro delos Santos. The president of DS CORP." Saad niya na dahilan ng aking pagka gulat.
OMG! he is the president? What the hell! I thought my boss was an old man. Sh*t I thought si Xandro Delos Santos ang boss ko nakakahiya ang inasta ko. Naku self unang araw mo palang baka masesante kana. Saad ko sa aking isipan. Agad naman akong humingi ng paumanhin.
"I-I'M sorry sir I thought my boss is old-"
"What?" Putol n'ya sa sasabihin ko.
"A-ang akala ko k-kasi sir matanda na po ang boss ko kaya ko po kayo pinigilan pumasok p-pasensya na po." Nakayuko kong paumanhin sa kanya.
"What!? You apply in this company without even knowing who is your boss is?" Nagulat ako sa pagtaas ng kanyang boses. Ito na ba ang sinasabi ni Tacio na sana hindi ako ma imbyerna? My God self first day mo palang mukhang masisigawan kana. Napaintag ako na'ng magsalita na naman s'ya.
"Did you apply here just to stare my face? Alam kong gwapo ako miss Cruz pero hindi naman kita tinanggap dito para lang titigan ako, sayang ang ipapasweldo ko sayo." Maanghang n'yang banat sa akin. Nag init ang pisngi ko ganun na ba ako ka obvious sa paninitig sa mukha n'ya?
"I-im sorry sir I thought my boss is Mr. Xandro-"
"My dad decided to retire at ako ang pumalit sa kanya. Did Veronica give you my schedule?"
Salubong ang kilay na tanong sa akin.
'Not yet sir, she says she'll give it later." magalang kong sagot at siya naman ay napatango.
"Make me a cup of coffee and pakikuha yung monthly report ng accounting department."
Tumango ako bago sumagot "Yes sir." Palabas na ako ng biglang maalala ko kung ano ang gusto n'yang timpla sa kape. Pumihit ako para tanungin sana siya at napaawang ang aking labi na'ng makita ang ayos ng boss ko. Nakasandal ang kanyang ulo sa swivel chair nakapikit ito at ang mga kamay ay pinag silkop at nakapatong sa kanyang tiyan napakaamo ng kanyang mukha habang nakapikit animo hindi marunong manigaw. Mukhang puyat? Lumapit ako at nagtanong muli.
"Ahm, sir what do you prefer for coffee is it black or with cre-"
"Black." Putol ulit n'ya sa tanong ko.
"O-ok po sir."
"Miss Cruz?"
"P-po?"
"Stop staring baka pagsisihan mo."
Nag init ang pisngi ko at lihim na hiniling na sana kainin nalang ako ng lupa. Nahuli na naman ba n'ya akong nakatitig sa mukha n'ya oh sh*t. Nagmamadali akong lumabas ng office at diretso sa pantry para igawa ang boss ko ng kape. Ano ba naman ito parang gusto kong batukan ang sarili ko sa labis na kahihiyan. Unang araw ko palang ay 'di na ako nakaligtas sa boss kong mukhang mahilig mambara at walang preno ang bibig plus napaka arogante 'din.
Nadatnan ko sa pantry si Tacia nagtitimpla din ito ng kape.
"Oh madam bakit pulang pula yang feslak mo? Daig mo pa ang nilasing na hipon why?" natatawang puna niya sa akin.
"I thought our boss is sir Xandro?" balik tanong ko sa kanya.
Umiling lang ito pagkatapos humigop ng kape " Sir Ace take over his position dahil may pinagkakaabalahan daw siyang mahalagang bagay." paliwanag sa akin ni Tacia. napatango lang ako sa kanyang tinuran. napakamot ako sa batok at tsaka napa buntong hininga.
"Ano'ng nangyari wag mong sabihing pinagalitan ka agad ng hunk na president ng DS CORP?" namimilog ang matang tanong n'ya sa akin. I decided to tell him what happen earlier. Napabunghalit ng tawa si Tacia matapos kong ikwento sa kanyang ang mga nangyari.
"Last week lang siya pumasok dito sa DS CORP may sarili din kasing kumpanya si sir Ace."
Napataas ang kilay ko sa narinig kaya pala ang aga aga palang ay mukhang inaantok na. In fairness sa edad niyang 'yon may sarili na siyang kumpanya iba talaga ang mga mayayaman, mayaman na nga nagpapayaman pa. Mapapa sana all ka nalang talaga.
"Wala ba s'yang kapatid na katuwang sa pagapapatakbo dito?" tamong ko ulit.
"Meron si mam Abigail ngunit sa America s'ya nakabase kasama ang kanyang pamilya doktor siya doon at may sarili 'ding kumpanya." paliwanag ni Tacia.
Napatango ako at inihanda na ang kape ng boss ko "Dapat pala ikaw ang inagtanungan ko hindi si madam Veronica." pagbibiro ko sa kanya at napabungisngis lang siya sa akin. Nagpaalam ako kay Tacia para dalhin ang coffee sa office ng boss ko.
Nadatnan ko s'ya sa ganoon pa ring ayos na'ng iniwan ko siya kanina. Dahan dahan kong inilapag ang kape sa kanyang table at pagkatapos ay tumikhim.
"Sir nandito na po ang coffee n'yo kukunin ko lang po ang report na pinapakuha n'yo" pagpapaalam ko at tumalikod na para tunguhin ang pinto nang marinig kong bumulong ito.
"Thank you baby."
Napatigil ako sa paghakbang at ninuilingon ang aking boss.
"P-po? May sinasabi po ba kayo?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya kaya lumabas na ako ng opisina.
Ano'ng sinabi n'ya? Did he call me baby? Or baka mali lang ako ng pandinig. Nagkibit lang ako ng balikat baka napanaginipan lang n'ya yung girlgriend n'ya or baka anak n'ya. Teka bakit ko ba pinoproblema "yon? Nagkamali lang siya self 'wag kang umasa hindi kayo bagay.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta ng accounting department na'ng madaanan si Janeth na nakatingin sa akin at nakataas na naman ang kilay. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa aking pakay.