Chapter 3

1104 Words
Jane's POV Sa maghapong nagdaan ay naging magaan ang unang araw ko sa trabaho. Walang masyadong utos ang boss ko, may mga meeting siyang naka-set nguint nag abiso s'ya na hindi ko na kailangan sumama naiwan ako sa opisina to do my paper works. Sumapit ang hapon , 5pm na ngunit hindi pa bumabalik ang boss ko. Nagsimula na ring mag ayos ang mga ka trabaho ko ng kanilang gamit para makauwi na. Natapos ko na ring i-print lahat ng pinapagawa niyang mga papeles para pirmahan na lang niya ang mga ito bukas. Isa-isa ko ng ini-off ang aking monitor na'ng mag beep ang phone ko, may nag message sa akin. Tiningnan ko ito at nangunot ang aking noo na galing to sa 'di 'ko kilalang numero. From:0961******* You can go home now. Save my number this is Ace. Nakaramdam ako ng pag iinit sa aking pisngi sa simpleng text n'yang 'yon. Nagtipa ako ng aking reply sa aking boss. Me: Ok po sir. Wala pang limang segundo ay may reply na agad siya sa text ko. Mukhang sanay makipag text si sir ha, saad ko sa aking isipan at in-open ang message na. From:0961******* Call or text me if you are home. Napakagat ako sa aking labi ng mabasa ko ang mensahe ng aking boss. Bakit ko siya tatawagan or i-te-text? Ano naman sa kanya kung nakauwi na o hindi pa? Nagkibit balikat nalang ako at sinimulan na'ng mag ayos ng gamit para makauwi na rin. Pinuntahan ako ni Tacia saktong handa na ako sa pag uwi ng magsalita siya. "Lets go." yaya n'ya sa akin. Tumango naman ako at sinabayan na n'ya akong maglakad papuntang elevator. Marami kaming napag usapan ni Tacia. Tungkol sa mga personal naming mga buhay, masaya kausap si Tacia. Nakakahawa ang kanyang mga tawa, nagpapatawa siya palagi. Sa sandaling kasama ko siya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob katulad ng naramdaman ko noong una kong makita si Joy. Naghiwalay lang kami ni Tacia na'ng makarating na kami sa babaan ng jeep. Iba na kasi ang way n'ya papasok sa village na tinitirhan n'ya. Pagpasok ko sa apartment ay nadatnan ko si nanay Marina na naghahanda para sa lulutuing ulam. " Magandang hapon po 'nay." bati ko sa kanya. "Oh Jane nandyan ka na pala, kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" tanong ni nanay marina. "Ok naman po 'nay ibang iba sa trabaho ko dati. Kung dati ay puro monitor lang ang kaharap ko at halos mapaos na ang boses ko sa kakasalita dahil nga iba't ibang tao ang kausap ko, ngayon po ay naka focus ang atensyon ko sa ilang tao at sa boss ko." sagot ko. "Naku eh pagbutihin mo yang trabaho mo anak." paalala niya sa akin. "Oo 'nay kailangan ko po talagang pagbutihin at magbaon lagi ng mahabang pasensya kailangan ko kasi ng trabahong to dahil sa taas nila magpa sweldo." Napakunot ang noo ni nanay Marina dahil sa aking tinuran "Mahabang pasensya? Anong ibig mong sabihin? Mahigpit ba ang boss mo?" usisa ni nanay Marina. Umiling ako at tumayo para tunguhin ang maliit na ref at kumuha ng malamig na tubig para uminom. "Hindi naman po 'nay medyo may pagka suplado lang po ng kaunti pero kaya ko pong i handle 'nay wag na po kayong mag alala. si Joy nga po pala nay dumating na ba?" "Naku wala pa baka maya maya pa andyan na yon magbihis ka na at magpahinga muna lulutuin ko lang itong ulam sakto kapag nandito na ang bestfriend mo." nakangiting wika ni nanay Marina. Laking pasasalamat ko talaga sa Diyos at nakilala ko silang mag ina napakabuti nila sa akin. Kasama ko silang bumangon at lumaban sa mga hamon ng buhay. Hindi sila kailanman nagsawa sa pagtulong sa akin lalo na si nanay Marina. Malayo man ako sa aking pamilya ay s'ya ang nagsilbing pangalawang ina ko hindi siya nagkulang sa pag gabay at pag papaalala sa akin. Tinungo ko ang kwarto namin ni Joy, kumuha ako ng damit na pamalit sa cabinet at tinungo ang banyo para mag half bath. Nagtagal ako na ilang minuto sa banyo at paglabas ko ay naulinigan kong tila may nag uusap sa labas ng apartment at boses ni Joy ang isa sa mga nagsasalita. Sumilip ako sa bintana at nakumpirmang si Joy nga iyon. Kumaway ito sa lalaking naghatid sa kanya parang pamilyar sa akin ang bulto ng lalaking iyon hindi ko lang masyadong makita ang mukha nito dahil nasa loob ito ng kotse. Pagakaalis ng kotse ay siya namang pagkatok ng kaibigan ko sa pinto kaya lumapit ako sa pinto para pagbuksan siya. "Hi beshy nandito ka na pala kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" bungad n'ya sa akin habang papasok ng bahay. "Ok naman beshy, ikaw kumusta ang trabaho mo sa ospital?" balik tanong ko habang sumusunod sa kanya papuntang kusina. "Ok naman beshy kahit medyo nakakapagod ay enjoy naman." sagot niya at humalik sa kanyang ina. "Mabuti naman kung gano'n eh sino yung naghatid sayo?" usisa ko ulit sa kanya. "Ayon ba. si Red 'yon ka trabaho ko nurse din siya sa hospital ng pinag tratrabahuan ko. Wait?" kunot Ang noong nilingon ako ni Joy "Bitin ako sa sagot mo beshy magkwento ka nga, anong ganap sa new work mo?" nakahalukipkip pa siya habang nakatitig sa akin. Nangingiti ako habang naalala ang kapalpakan ko kanina. "Anak magbihis ka kaya muna bago ka makipag chismisan?" suhestyon ni nanay marina kay Joy na ikinatawa ko. Nakangusong pumasok si Joy sa kwarto namin wala pang ilang minuto ay lumabas agad ito at kinulit ako ng kinulit hangga't hindi ako nagkukwento tungkol sa nangyari sa unang araw ko sa trabaho. Wala akong nagawa kundi i kwento sa kanila ang kapalpakan ko kanina. Natatawa pa ring inusisa ulit ako ni Joy tungkol sa boss ko knowing her hindi talaga siya titigil hangga't hindi ko naiku kwento lahat sa kanya ang buong detalye. "Beshy gwapo ba? Macho?" usisa niya ulit. "Suplado, may pagka bipolar." sagot ko. Nangunot ulit ang kanyang noo. "Ang labo mo naman eh 'yong itsura ang tinatanong ko hindi 'yong pag uugali." napairap na saad niya na kinatawa ko. "Oh s'ya tama na ang chismisan halina kayo at kakain na." yaya ni nanay Marina. Kumain na kami ng hapunan at pagkatapos ay nagpresinta akong maghugas ng pinggan. Pagpasok ko sa aming kwarto ay naabutan ko si Joy ng nag aayos ng higaan na'ng makita ako ay nagsalita siya "Beshy yang phone mo kanina pa nag iingay." Napakagat ako sa aking labi na'ng maalala ang boss ko hindi ko nga pala siya na inform na nakauwi na ako. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD