Chapter 4

1161 Words
Ace's POV I've been texting and calling my secretary many times but she didn't reply and that makes me f*cking worried. Why I'm feeling like this? Bakit ko nararamdaman ang ganitong pag aalala sa babaeng 'yon. Nahigit ko ang aking hininga na'ng marinig ko ang message tone ng aking phone. Jane's POV Napasapo ako sa aking bibig ng makita ang notifications sa aking phone. 11 missed calls and 10 messages? At galing lahat iyon kay sir Ace! OMG! una kong tiningnan ang mga message niya sa akin. Ace Are you home? Did you arrive safe? Call me if you're home? Where are you? Answer my call Where are you? Why are you not answering my calls? Ilan lang yan sa mga text ng boss ko. Mariin akong napakagat sa aking labi habang binabasa ang kanyang mga mensahe. Why is he acting like this? He is acting like what? A worried boyfriend? Oh gosh! Agad nag init ang aking pisngi sa naisip. Nagtipa ako ng aking ire-reply sa kanya. Me: Nakauwi na po ako sir. Ilang segundo pa lamang ang nakalipas nang mai-send ko ang aking mensahe ay agad itong tumawag. Saktong lumabas si Joy ng kwarto kaya malaya kong sinagot ang tawag ni sir Ace. "Hello." "Isn't clear what I've text you a while ago?" bungad n'ya sa akin, nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses halata na namang iritado s'ya. Napapikit ako dahil para akong nakaramdam ng kilig dahil bakas sa boses ni sir Ace ang pag aalala. "Pasensya na po sir, nakalimutan ko po kanina, abala po kasi ako sa paghahanda ng hapunan." Pagdadahilan ko para hindi na humaba pa ang usapan. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa kakaibang nararamdaman. Feeling ko para akong pinapagalitan ng boyfriend dahil pinag alala ko siya. Ano ba Jane Cruz wag kang assumera. Sita ko sa aking sarili. Napabuntong hininga si sir Ace sa kabilang linya. "Ok, I'll eat my dinner too. Don't be late tomorrow may outdoor meeting tayong dadaluhan sa Tagaytay." "Ok po sir. May iba pa po ba kayong kailangan?." "You." Hindi ko masyadong maintindihan ang kanyang sinabi dahil nabaling ang atensyon ko kay Joy na papasok na sa aming kwarto. "Ano nga po ulit 'yon sir?" tanong ko sa kanya. "Nothing, next time you listen and always be attentive. Ayoko ng paulit ulit." "Ok po sir sorry po-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay pinatayan na n'ya ako ng phone. Kasalanan ko bang hindi ko narinig eh ang hina naman kasi ng boses n'ya. Kung makasigaw pagka lakas lakas naman bahala ka nga sa buhay mong kumag ka. Humilata na ako sa kama at naghahanda na para matulog dahil maaga pa akong papasok bukas mahirap na at baka ma-late ako yari na naman ako sa boss ko na daig pa ang babaeng may buwanang dalaw. Ace's POV Napapangiti ako habang hawak pa rin ang aking telepono. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinabi ko na siya ang kailangan ko muntik na ako dun ah. Nagtungo na ako sa kusina ng aking bahay para ihain ang in-order kong pagkain. Mag isa lang ako sa bahay ko, may driver ako ngunit uwian siya. May mga katulong sa mansyon na nakatoka para maglinis ng bahay ko dalawang beses sa isang linggo. Sanay na akong mamuhay mag isa, being independent is my choice. Ayaw ni Papa na humiwalay ako ng tirahan ngunit nag pumilit ako. It's not that I don't want to be with them but I just want to stand by my own. Mula noong nagtapos ako ng kolehiyo ay hiniling ko na kay Papa na bumukod. Nangako akong kapag hindi ko kaya ay babalik ako sa piling nila ng ate ko. Noong una, hindi sila pumayag ni ate katwiran nila ay tatlo na nga lang kami sa buhay hihiwalay pa ako. Ang sagot ko lang hindi habang buhay magkakasama kaming tatlo. Darating ang araw magkakaroon kami ng sarili naming pamilya kaya mainam na 'yong handa ako. My mother died when i was sixteen. Inatake siya sa puso, natakbo pa namin siya sa hospital but dead on arrival na siya. Inilihim ni Mama ang sakit niya sa amin. Lihim 'din siyang nag papa konsulta sa doctor hanggang sa inatake siya ng sakit niya at hindi na n'ya nakayanan. Pagkaraan ng sampung taon may ipinagtapat si Papa sa amin ng ate ko. Nagkaroon siya ng anak sa babaeng una niyang minahal nang muli silang magkatagpo, ngunit takot siyang balikan ito dahil sa banta ni Mama. Nagbanta ang aking ina na papatayin niya ang mag ina kapag binalikan sila ni Papa. Base on my father's story she doesn't love Mama napilitan lang siyang panindigan ang pinagbubuntis ni Mama yun ay si ate. Yes anak ni mama si ate sa ibang lalake. I'm thankful to my papa kasi hindi man siya ang tunay na ama ni ate ay itinuturing nya pa rin itong kan'ya. Ako naman ay nabuo noong minsang may mangyari sa kanila ni Mama. Lasing na lasing si Papa kaya nagawa siyang akitin ni Mama. Ngunit sa kabila ng kakaibang set up nila Mama at Papa ay hindi sila nag kulang ng pag aalaga at pagmamahal sa amin. Until papa approach me about finding his true love, his second family. I gave him my approval also with my ate ngunit tila mailap sa kanya ang mga ito dahil sa isang taon niyang paghahanap ay wala pa ni isang lead kung saan sila matatagpuan. Nagring ang phone ko habang kumakain I saw my girlfriend's name on the screen. Sa loob ng isang buwan swerte na kung tatawag siya ng dalawang beses. I pick it up and answer her call. "Yes babe?" "Babe how are you?" balik tanong niya sa akin mukhang nasa labas s'ya dahil sa ingay na nagmumula sa kanyang paligid. Maingay na tugtugin at maiingay na tao na nakapalibot sa kanya na animo nagka kasayahan. Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanya "When will you come home?" sa halip ay balik tanong ko sa kanya. "Maybe next year babe. Dont worry konting tiis nalang matatapos na ang kontrata ko." sagot niya sa akin. Nag usap pa kami saglit at nag paalam na sa isa't isa dahil nasa labas daw sila ng mga kaibigan niya. Kaibigan nga ba ang kasama niya? My sister always told me na niloloko lang ako ni Ysa. Lagi umano nitong nakikita na iba't ibang lalake ang kasa kasama niya sa States. Model ang aking nobya doon. Kapag tinatanong ko siya kung kailan siya uuwi, she always says na malapit na isang taon na lang hanggang sa nag sign ulit siya ng contract. Gusto ko nang umuwi siya para mapag usapan ang aming relasyon, para papiliin siya kung ano nga ba ang mas matimbang ako o ang career niya. Ngunit bigo akong mapauwi siya siguro nga tama si ate may iba na siya doon. I should gain more evidence para kapag umuwi siya isasampal ko sa kanya ang mga katarantaduhan na ginagawa niya akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD