Chapter 5

1139 Words
Jane's POV Seven thirty palang ng umaga ay nasa office na ako, nag check ako ng emails at pati sched ng aking boss ay inayos ko na rin. Around 9 am pa naman ang meeting namin sa Tagaytay kaya naisipan kong i-check ang office ni sir Ace binigyan niya ako ng permiso na pumasok dito sa loob para ayusin at linisin ng kaunti maski janitor kasi ay hindi niya pinahihintulutan na makapasok. Pumasok ako sa office niya, ngayon ko lang natitigan ng matagal ang kabuuan nito. Halata sa loob na bagong renovate ito. Napaka manly ang mga design, a combination of color white, black and gray ang makikita sa loob ng silid na iyon. Pati ang mga table at sofa ay kulay abo. Ang pintura ng wall ay puti at carpeted ang sahig na kulay abo din. Napaka spacious ng loob no'n. May nakita akong pinto sa gawing kanan ng office, natukso akong buksan iyon sa pag aakalang ito ang cr kaya pinihit ko ang seradura nito. Napa O shape ang mga labi ko sa aking nakita. OMG! dahil sa pagkagulat ay agad kong naisara ang pinto at bumalik sa table ni sir Ace. Pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang aking mga daliri dahil pakiramdam ko ay nag aapoy na ito dahil sa init na nararamdaman. "Oh my God! bakit dito siya natulog? At bakit s'ya nakahubad?" bulalas ko dahil nabungaran ng mata ko ang hubad na katawan ni sir Ace na nakadapa sa kama at tanging kumot lang ang harang sa kanyang pw*t*n! Nag desisyon akong lumabas muna ng office para uminom ng tubig dahil bigla akong nainitan. Ace's POV Nagising ako dahil naramdaman ko ang pagbubukas ng pinto ng kwarto ko dito sa office ngunit agad din itong nagsara. Pagkatapos naming mag usap kagabi ni Ysa ay hindi ko na tinuloy ang pagkain. Lumabas ako at pumunta sa bar. Malapit lang dito sa opisina ko ang bar kaya dito ko na napag pasyahang magpalipas ng gabi. Alam kong nakita ako ni Jane. Siya lang naman ang binigyan ko ng pahintulot na pumasok sa opisina ko. Marahil ay nagulat siya sa nadatnan niyang ayos ko kaya sinara agad niya ang pinto. Napapangiti ako habang ini-imagine ang reaksyon niya kaninang nakita n'ya ako hindi ko man direktang nakita ang mukha n'ya ay tiyak na namumula 'yon. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo at maghanda na rin para na naman sa panibagong araw ng aking trabaho sa DS CORP. Jane's POV Nagulat ako nang biglang tumunog ang intercom sa aking tabi habang nakaupo sa aking mesa at nakatutok ang aking atensyon sa monitor. Inabot ko ito at sinagot. "Hello good morning, how may I help you?" "Make me a cup of coffee." napasinghap ako nang marinig ang boses ng aking boss. "Miss Cruz are you listening?" medyo may pagtaas ang kanyang boses at bakas na naman ang pagka irita na ikinaintag ko. "Yes sir, in a minute po." binaba ko ang tawag at tinungo ang pantry para igawa ng kape ang mahal na prinsipe, ang prinsipeng laging may regla. Napangiti ako sa sariling kalokohan. "Ang aga mo yata pumasok today?" Pagtatanong ng isa kong ka trabaho na si Mark. Pamilyar na si Mark sa akin dahil katabi lang niya si Tacia ng cubicle. Nakapila kami sa pantry dahil medyo marami rami ang kasalukuyang nagtitimpla ng sarili nilang kape. Habang naghihintay ay nag uusap kami ni Mark until our turn came. Nagtimpla ako ng kape ng boss ko at hinintay si Mark para sabay kaming lumabas ng pantry, habang naglalakad ay masaya kaming nagkukwentuhan. Pagdating namin sa office ay sakto naman ang paglabas ng aking boss na salubong ang kilay habang matamang nakatitig sa amin ni Mark. Hindi pa ako nakakalapit ay nagsalita na si sir Ace. "Kaya pala ang bagal mong kumilos Miss Cruz. Abala ka pala sa pakikipag harutan sa kapwa mo empleyado." Iritadong asik niya sa akin. Ang ngiti sa aking labi ay agad napalis dahil sa paratang niya sa akin. Si Mark ay agad namang napayuko at dire diretso sa kanyang cubicle. Dumiretso ako sa kanyang opisina at padabog na inilapag ang kape sa kanyang table. "For your information sir hindi po ako nakikipag harutan, nagkataon lang po na maraming empleyado sa pantry kaya pinatapos pa po namin sila. Nagkataon lang din na sabay kami ni Mark magtimpla ng kape. Ngayon kung sobra po kayong natagalan pasensya na po, marami naman po kayong pera 'di sana nag order nalang kayo. Just call me if you need anything Sir, excuse me po." Mahabang litanya ko pagkatapos ay nag martsa ako palabas ng office niya at dumeretso sa comfort room, dahil baka hindi ko na mapigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na kanina pa gustong tumulo. Ganun talaga ako kapag napahiya sumasagot kahit boss ko pa yan basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Wala kaming imikan ng boss ko hanggang sa makarating kami ng Tagaytay. Kung may tinatanong siya ay sinasagot ko naman nothing more than that. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang panaka naka n'yang pag sulyap sa akin habang abala ako sa pag take down tungkol sa kanilang meeting. Nang matapos ang kanilang meeting ay nag excuse ako para pumunta sa banyo. Nang makalabas ako sa banyo ay nadaanan ko ang part ng restaurant na nagbebenta ng mga delicacies at pasalubong. Bigla akong natakam kaya bumuli ako ng pagkain at mabilisang kinain doon bago bumalik sa kinaroroonan ng boss ko. Nagsimula nang I-serve ang mga pagkain at nagsisimula na din silang kumain habang ako ay hindi ginagalaw ang pagkaing nakahain sa aking harapan. "Miss Cruz, kumain ka na." Untag sa akin ni sir Ace. Umiling ako bago magsalita. "Hindi po ako nagugutom sir." Tipid kong sagot sa kanya. Ayokong kumain ng mga pagkaing ginastosan n'ya mahirap na baka kapag sinumpong siya isumbat na naman niya sa akin. Ace's POV What's going on with this lady. Tanghali na bakit ayaw niyang kumain? Nailing nalang ako habang pinagmamasdan ang aking sekretarya it's almost past lunch at hindi n'ya ginagalaw ang pagkain niya. "Miss Cruz tell me if you want to eat something, ayaw mo ba sa pagkain na yan? I'll buy you a new one." Pangungumbinsi ko pa ngunit umiling lang siya. Oh f*ck lagot na mukhang dinamdam niya ang sinabi ko kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit inis na inis ako kapag nakikita ko na may kausap siyang iba lalo pa't lalake. Sh*t nagseselos ba ako? My heart is filled with joy every time her attention is focused on me. Hindi ako mahilig sa kape pero sa tuwing ipinag titimpla niya ako para akong na-a-addict sa lasa nito. Am I liking her? Or should I say am I falling for Jane? Is it possible to feel the love in a short period of time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD