Chapter 6

1139 Words
Jane's POV Pagkatapos ng meeting ay hindi na kami bumalik sa opisina bagkus ay hinatid na ako ni sir Ace sa apartment. Tumigil ang sasakyan sa harap ng inuupahan naming bahay. Baba na sana ako ng biglang pigilan ako ni sir Ace sa aking pulsuhan. Nilingon ko siya, bahagya akong naasiwa sa paraan ng pagtitig niya sa aking mukha. "I-I just wanna say sorry for what I've said this morning. Pasensya kana nabigla lang ako." Napayuko siya pagkasabi no'n. Wow marunong pala mag sorry ang kumag na 'to. "Ano pa bang magagawa ko sir eh nasabi nyo na po ang mga salitang iyon." May himig ng hinampong sagot ko. "Please next time wag kang magpalipas ng gutom." Saad niya habang nakatitig sa aking mga mata na'ng may pagsusumamo. "Hindi naman po ako gutom kanina sir." Lalong nangunot ang kanyang noo sa tinuran ko. "Hapon na hindi ka pa gutom? " tanong ulit niya na may bahid na naman ng iritasyon ang kanyang boses. "May nakita po ako kanina sa restaurant na nagtitinda ng mga pasalubong na kakanin, natakam po ako kaya bumili ako. Busog na po ako kaya hindi na ako kumain kanina." Lalong nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "'Di ba't sinabi ko sayo kanina na sabihin mo kung may iba kang gusto at bibilhin ko?'' Ako naman ngayon ang nakakunot noo hindi lang pala bipolar ang boss ko ang hirap 'ding paliwanagan daig pa ang abogado sa dami ng tanong. Napakamot ako ng aking pisngi saka nagsalita. "Eh sir nakabili na po ako kanina bago kayo mananghalian." pagpapaliwanag ko at siya nama'y napatango. "Ngayon pwede na po ba akong lumabas sir?" taas kilay kong tanong sa kanya. "You didn't answer me yet?" I rolled my eyes. God! napaka demanding. "I said sorry but you didn't answer me." nakangusong saad ulit n'ya. 'Langya bakit ang gwapo pa rin kahit nakanguso. Pasimple akong yumuko para maitago ang aking ngiti sa mga labi. Ngunit hinila niya ang aking pulsuhan kaya napaangat ang tingin ko sa kanya habang nakangiti. Itinagilid niya ang kanyang ulo habang nakatitig sa akin. Puno ng pagtataka ang kanyang mata kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. "Are you laughing at me?" Umiling ako habang natatawa parin. "Ang cute nyo po kasi kapag naka nguso." awtomatikong napangiti si sir Ace sa aking tinuran at huli na na'ng ma-realize ko ang aking sinabi kaya napatutop ako sa aking labi OMG! I cant believe na nasabi ko yun ng harapan! "You too Jane your so cute specially when you're blushing." nakangising sagot n'ya sa akin. Tila lalong nag aapoy sa pamumula ang aking mukha dahil sa narinig mula sa aking boss. Nang makahuma ay nagpaalam na ako para bumaba sa sasakyan ngunit nagsalita ulit s'ya. "Am I forgiven?" seryosong saad n'ya sa akin. The way he stares at me, parang hinihigop ako, parang tinutukso akong haplosin ang makinis niyang mukha. Pinilig ko agad ang aking ulo at iwinaglit sa aking isipan iyon. Tumikhim ako at tumango "O-ofcourse sir your forgiven. Sige sir papasok na po ako sa loob." pagpapaalam ko sa kanya. "Ok see you tomorrow Jane." "See you tomorrow sir." sagot ko habang palabas ako ng kanyang kotse dahil hindi ko na talaga matagalan ang paninitig niya sa akin. "One more thing Ms. Cruz" hirit na naman niya kaya natigil ako sa paghakbang at napalingon sa kanya. "Call me Ace kapag tayong dalawa lang." napaawang ang aking mga labi dahil sa narinig mula sa aking boss. Wala sa sariling napatango nalang ako para makaalis na siya. Nagpaalam siya sa akin at hinintay kong makaalis ang kanyang sasakyan. Malayo na ang kanyang kotse ngunit nakatanaw pa rin ako sa kanyang direksyon. Ang daming mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Noong una tinawag niya akong baby, tapos noong nakaraang tumawag siya at tinanong ko kung may kailangan pa siya parang sinabi niya na ako ang kailangan niya ngunit hindi lang klaro sa aking pandinig. Ngayon ay gusto niyang tawagin ko siya sa kanyang pangalan kapag kaming dalawa lamang. Ano'ng ibig n'yang sabihin?May gusto ba siya sa akin? Hindi maikakaila ang taglay na kakisigan ng boss ko at hindi rin imposibleng mahulog ang sino mang babae na makakasilay sa katangian na meron siya na halos lahat ay nasa kanya na. Ace's POV Sinadya kong pauwiin ng maaga ang driver ko para masolo siya. Alam kong maiilang s'yang makipag usap sa akin kapag may iba pa kaming kasama. Hindi mapalis ang ngiti sa aking mga labi habang nagmamaneho paalis sa lugar nila Jane. Nakakakatuwa ang itsura niya kapag namumula ang kanyang mukha at lalong ikinatuwa ko ang paghayag niya ng saloobin tungkol sa akin, that she finds me cute when I pout my lips what the hell! Para akong teen ager na kinikilig sa tuwing naaalala ang papuri niya sa akin. Well, there are so many girls who always admires me when it comes to my looks including Ysa but coming from Jane is different. It makes me smile. I bet her feeling was just like mine too ngunit bakit kapag napapalapit ako sa kan'ya ay parang iwas na iwas siya? Whatever your reasons ay aalamin ko. I will make you fall and I will make you mine. Jane's POV Pabiling biling ako sa higaan hindi ako makatulog. Hindi mawaglit sa isip ko ang pagmumukha ng boss ko. the way he stares on my ace, the way he pout his lips OMG! " Parang ang sarap sigurong halikan?" "Huh? sinong masarap halikan beshy?" Muntik na akong mapasigaw sa gulat na'ng marinig ko ang boses ni Joy na nakatagilid pala paharap sa akin at masusing tinititigan ako. Nawala sa isip ko na may kasama pala ako sa kwarto at naisatinig ko pala ang mga bagay na naglalaro sa aking isipan. "A-ano beshy Y-yung nabasa ko sa libro ini-imagine ko kasi kung ano ang itsura ng bidang lalaki sa kwento base sa description niya, oo ganun na nga." pangungumbinsi ko kay Joy. Nakataas ang kanyang kilay at mukhang hindi kumbinsido sa naging palusot ko. "Beshy 'yong mga kwento o nobela sa mga libro ay pawang kathang isip lamang kaya huwag mong dibdibin ang kakaisip sa itsura ng mga character na lalaki." nakahinga ako ng maluwag dahil bumenta sa best friend ko ang palusot na naisip ko. Muli akong napalingon sa kan'ya ng magsalita ulit s'ya. "Ang hanapin mo ay 'yong tunay na fafa hindi 'yong puro imagination lang." saad n'ya na parang kinikilig pa s'ya. Ako naman ngayon ang nakataas ang kilay. "Samantha Joy? may alam ka ba na hindi ko alam?" tanong ka sa kaibigan ko na animo hindi makahinga dahil sa kilig. Nagsimula siyang mag kwento tungkol sa lalaking nakilala niya sa ospital na nagngangalang Kiel. Balak nitong umakyat ng ligaw sa kaibigan ko kaya hindi rin makatulog ang bruha kinikilig din. Sana all may aakyat ng ligaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD