Chapter 7

1087 Words
It's 30 minutes before 4 in the afternoon, kaya nag ayos na ako ng aking mga gamit pauwi. I'm checking my monitor kung naka save ba ang mga mahahalagang bagay na kailangan kong i-save sa aking computer lalo na ang mga minutes sa nakaraang meeting with the boards. Napaangat ako ng tingin nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa aking kinaroroonan. "Good afternoon Miss." bati niya sa akin habang nakangiti. Sa aking tantya ay halos magkasing tangkad sila ni sir Ace, mas maputi nga lang ang lalaking ito kumpara sa kanya dahil moreno ang boss ko, at mas malapad ang katawan n'ya kumpara sa lalakeng nasa harap ko ngayon. May taglay na kakisigan din ito ngunit iba ang karisma ng boss ko. Wait, am I comparing him to another man? OMG! erase erase! Nagising ako sa pagpapantasya ng tumikhim ang lalaking bagong dating kaya agad akong ngumiti at bumati sa kanya. "Can I talk to Ace? nandito ba siya Miss?" tanong ng lalaki na hindi nawawala ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi. "Yes sir, but may I know your name first sir?" "Oh, of course, I'm Kim Uy bestfriend ni Ace. And you are?" "I'm Jane Cruz sir Mr. delos Santos' secretary." magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at inabot ang kanyang kamay na nakalahad tanda upang makipag daupang palad sa kanya. Nasa ganoong akto kami ni Mr. Uy nang mabungaran kami ni sir Ace na kalalabas lang ng kanyang opisina.Agad kong binawi ang aking kamay ng makita ko ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha. Salubong ang makapal n'yang kilay. "What brought you here Uy?" bungad n'ya sa kaibigan. "Bro, you didn't told me that you have a gorgeous secretary." nag init ang pisngi ko sa narinig mula kay Mr. Uy. "And why should I? Hindi naman ako chismoso katulad mo? Did you came just to flirt my secretary?" napaawang ang labi ko at nag angat ng tingin sa dalawang lalaking nag uusap sa harapan ko. Umandar na naman ang pagka arogante ng boss ko. Napatawa ng malakas si Mr. Uy sa tinuran ni sir Ace. "Wala naman sigurong masama if we get to know each other bro." tila nang aasar ng pahayag ni Mr. Uy na lalong ikina lukot ng mukha ni sir Ace. "Shut the f*ck up Kim! Follow me in my office and stop talking nonsense you f*cking moron!" Singhal ng aking boss sa kanyang kaibigan at naglalakad papasok sa kanyang opisina. "Bakit napaka possessive mo ngayon baby Ace?" pang aasar ulit ni Mr. Uy sa kaibigan kay Ace habang naglalakad sila papasok sa office ng aking boss. Nakakapag taka ang mga ikinikilos n'ya sa tuwing nakikita niyang may kausap akong lalaki dito sa opisina ay naaktohan niya.Pinapanood ba niya ang bawat galaw ko? Well that's not possible, he is the boss may karapatan siyang magkaroon ng access sa mga CCTV dito sa kumpanya. Agad nag iiba ang ikinikilos n'ya sa tuwing may kausap akong ibang lalake, nagagalit no, galit na galit ang makikitang ekspresyon ng kanyang mukha. Does he get jealous everytime I talk to other man? What the hell! Ace'S POV I text Jane to go home dahil hapon na rin naman. Supposed to be ihahatid ko siya ngayon pero dumating ang kaibigan kong si Kim at naaktuhan ko pa na nakikipag kamay siya kay Jane. Hindi lingid kay Kim ang tungkol kay Jane. Kim is my best friend kaya alam niya lahat ang tungkol sa buhay ko at ganun din ako sa kanya. Mula pagkabata ay magkaibigan na kaming dalawa. Our families are friends kaya kami nagkakilala ni Kim. Naging sandalan din namin ang isa't isa sa tuwing may mga pagsubok na dumating sa buhay namin, Kim is like a brother to me. Magkasundo sa lahat ng bagay ngunit mukhang hindi na ngayon pagdating kay Jane. Maitatakwil ko talaga ang intsik ng ito pag nagkataon. "Anong kailangan mo intsik?" agad siyang umungol bilang protesta. Asar na asar siya kapag sinabihan siyang intsik, iginigiit n'yang Filipino siya at totoo naman yon dahil Pinay ang Mommy niya ayaw n'yang matawag na intsik dahil para ko na rin daw sinabing nagmana siya sa babaero n'yang ama. "Don't call me that way bro Pinoy ako." salubong ang kilay niya habang nakaupo at nilalaro ang susi ng kanyang sasakyan. "Why? Intsik ka naman talaga bro, ni wala ka ngang features na nakuha sa Mommy mo eh." dagdag ko pang asar sa kanya. Makaganti man lang sa pakahawak n'ya sa kamay ni Jane. "Makuha nga ang number ni Jane at ayain siyang manood ng sine bukas. Tomorrow is Sunday wala siyang pasok dito right?" saad niya na ikina inis ko. "Don't you dare Uy. Makakatikim ka sa akin." pagbabanta ko sa kanya nya ikina halakhak n'ya. "So possessive bro. Mukhang tinamaan ka na sa sekretarya mo be careful with your actions bro lalo na pag nalaman ni Ysa, kailan mo ba hihiwalayan ang babaeng 'yon? Bakit mo hinahayaang gawin kang g*g*?" "I'm just waiting for the right time, darating din tayo dyan. Kailangan ko lang pag planuhan ang lahat gusto kong maranasan n'ya kung gaano kasakit ang lokohin at paglaruan." saad ko sa aking kaibigan. Napataas ang kilay n'ya sa aking tinuran. "Ano, gaganti ka kay Ysa at bgagamitin mo si Jane?" Mariin akong nailing kay Kim "Of course not, my feelings for her are pure." "Oo nga eh sa sobrang pag ka obsessed mo sa kanya mula noong nakita mo siya sa mall hindi mo tinantanan, you even hired her as your secretary huh?" nakangising buska ni Kim sa akin. "That's not true dude, my dad's secretary recommends her, hindi ko naman alam na siya 'yon. Nagkataon lang, and maybe we were meant to be." I smirked after saying that. "Just make sure na hindi siya masasaktan bro dahil kapag ginawa mo 'yon..." "Ano gagawin mo?" maangas kong tanong sa kanya. Napabunghalit na naman siya ng tawa. "Siyempre kapag ginawa mo yon masasaktan siya ano naman sa tingin mo ang gagawin ko? Masyado kang advance mag isip bro." tatawa tawang pang aasar niya sa akin. Alam ko naman ang kahihinatnan ng lahat kapag nalaman ni Jane ang tungkol sa amin ni Ysa sasabihin ko naman sa kanya ang lahat pero hindi pa sa ngayon. I need to get closer to her, I need to make her comfortable being with me. Kailangang makapalagayan ko muna siya ng loob para masabi ko sa kanya ang totoong estado meron ako para mas maintindihan niya ng maayos. Sana kapag dumating ang araw na iyon ay maunawaan nya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD