Jane's POV
Araw ng linggo ngayon kaya napagpasyahan namin ni Joy na mamasyal sa mall at manood ng sine kasama si nanay Marina. Maaga kaming gumayak at nagtungo ng simbahan para magsimba. Namili kami ng mga damit at panay tutol si nanay Marina kapag tinatanong namin kung ano ang tipo n'yang damit. Katwiran n'ya lagi ay gastos lang iyon ngunit mapilit kaming magkaibigan. Binilhan pa rin namin siya ng mga damit na gagamitin n'ya sa pagsisimba, para kahit papaano ay makaganti man lang ako sa kabutihan niya sa akin.
Nanood kami ng sine noong una ay ayaw na naman ni nanay Marina dahil ang mahal daw. Dapat ay itago na lang namin ang pera at ipunin. Likas kay nanay Marina ang pagiging masinop bawat sentimo ay pinapahalagahan niya. Ayaw niyang nawawaldas lang ang pera sa hindi importanteng bagay. Ngunit pinilit namin siya katwiran namin ni Joy ay minsan piliin din naman natin ang maging masaya. Kaya wala siyang nagawa kundi sumama at nanood ng sine nang hilahin namin s'ya. Pinili namin ang romance love story. Weekend ngayon kaya maraming tao sa loob ng sinehan malapit na itong mapuno kaya sa gawing likuran kami nakahanap ng mauupuan at kita pa rin naman ang buong screen ng sinehan kahit sa likod kami nakaupo.
Nagsisimula na ang palabas at umiikot ang kwento nito tungkol sa childhood sweethearts na pinaglayo ng tadhana at nagtagpo ulit silang dalawa noong sila ay mga matured na. Muling nagkabalikan at tinuloy ang naudlot na pag iibigan. Panaka naka kong sinusulyapan si nanay Marina na nangingiti habang nanonood. Napangiti ako na'ng masilayan muli ang pag ngiti niya, lagi kasi siyang seryoso sa lahat ng bagay.
Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng biglang magkahiwalay ang dalawang bida. Nalaman kasi ng babaeng bida na may asawa na pala ang nobyo n'ya sabrang nasaktan ang babae at dumating pa sa punto na gusto na n'yang wakasan ang sarili nitong buhay. Napalingon uli ako kay nanay Marina at nakita ko siyang nagpunas ng kanyang luha. Dalang dala ba talaga siya sa kwento? O nakaka-relate siya? Minsan nang na kwento ni Joy sa akin ang tungkol sa tatay niya at hindi nga nalalayo sa palabas ngayon ang story ng magulang n'ya.
Naglibot libot pa kami sa mall pagkatapos manood ng sine na'ng may tumawag sa pangalan ni Joy. Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses at napaawang ang aking mga labi. My ultimate crush since college is in front of me! Wait? bakit kilala niya si Joy? Nakatitig ako sa mukha ng lalaking papalapit sa gawi namin may kasama siyang dalagita na sa aking hinuha ay kapatid niya.
Binati niya si Joy at binati din siya pabalik ni Joy. Isinalin ng lalaki ang kanyang tingin sa amin ni nanay Marina.
"Kasama ko ang nanay at bestfriend ko, siya ang inay ko si nanay Marina, at siya naman ang best friend ko si Jane." pagpapakilala ni Joy sa amin.
"Magandang araw po ako nga pala si Red, siya naman ang bunso kong kapatid si Denise." pagpapakilala niya. Napatango naman kami ni nanay Marina at nag usap ulit sila ni Joy. Red pala ang pangalan niya. Sa loob ng ilang taon na naging crush ko ang lalaking ito ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Una ko'ng nasilayan ang kagwapuhan ni Red noong nagtatrabaho ako sa cafe habang nag aaral ewan ko lang kung napapansin siya ni Joy that time dahil magka trabaho kami. Lagi siyang nagpupunta sa cafe kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sariling magkagusto sa kanya. Hindi katangkaran ngunit maputi at makinis ang kanyang mukha. Singkit ang mga mata at talaga namang siksik at umaapaw ang karisma. Napaintag ako ng muling tawagin ni Red ang aking pansin, nagpapaalam na pala siyang umuwi kaya napatango nalang ako.
"Hoy! anong nangyayari sayo bakit napipi ka ata?" tanong sa akin ni Joy.
"Wala ." sagot ko sa kanya.
"Anong wala?" nakataas ang kilay na tanong n'ya sa akin "pagdating natin sa bahay pag usapan natin ha?" saad niya habang naka pamewang.
"Oo na, ingay mo." sita ko sa kanya at nagpatuloy kami sa paglilibot sa mall.
Nakailang ikot na kami sa mga bilihan ng damit nang naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa loob ng aking sling bag. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang na text. Napaawang ang aking labi na'ng makita kung sino ang nag text sa akin. My boss.
From: Ace
Hi, where are you?
Nakataas ang aking kilay habang binabasa ang mensahe galing sa kanya.
FYI, Sunday ngayon at day off ko! Do I need to report to him my whereabouts? What the hell!
Kahit naiinis ay nag reply pa rin ako sa kanya baka mairita na naman ang kumag na 'yon.
To: Ace
Nasa mall ako sir with my friend.
Wala pang ilang segundo pagkatapos kong mai-send ang aking reply ay nag vibrate ulit ang phone ko dahil sa isang message at galing ulit ito sa kanya!
From: Ace
Who's your friend? A boy?
Nakagat 'ko ng mariin ang aking labi pagkabasa ka sa kanyang mensahe. Naisip 'kong mas lalo siyang asarin.
To: Ace
What's the matter if I'm with a boy Sir? I'm single and there's nothing wrong with that.
Kagat kagat ko pa rin ang aking labi habang hinihintay ang kanyang reply ngunit hindi na ito muling nag text. Mukhang naasar ang mokong.
Ace's POV
Naibato ko ang phone ko sa kama nang mabasa ang message ni Jane sa akin. Naiinis akong isipin na may iba siyang kasama sa mall at lalaki pa. Napaisip ako sino naman kaya Ang Kasama niya sa mall? Si Kim?
Kinuha ko ang phone ko and I dialed Kim's number.
"Hello Kim where are you?" bungad ko sa kanya.
"Hello who's this?" tanong ng kanilang linya. It's tita Clara Kim's Mom.
"Oh tita, it's me Ace."
"Ace, anak bakit ka napatawag?"
"Tita, where is Kim po?"
"Wala siya, ang sabi niya ay may bibilhin lang siya saglit sa mall naiwan nga niya ang phone niya sa pagmamadali eh. Bakit may kailangan ka ba you can tell me anak."
"No tita Wala naman po pakisabi nalang po na tumawag ako. Sige po tita salamat bye po."
"Sige bye 'nak."
"F*ck Kim mapapatay kitang hayop ka!" Para akong baliw na nasigaw mag isa sa loob ng bahay dahil sa frustration. What if hindi si Kim ang kasama niya? What if ibang lalaki? Sh*t napa paranoid na naman ako. Sabagay single si Jane at Wala akong karapatan na pagbawalan siya dahil walang kami.
Umiinon ako sa mini bar ng bahay habang naghihintay ng text at tawag ni Jane ngunit ni isa ay wala. Sa halip ay tawag ni Ysa ang natanggap ko ngunit hindi ko ito sinagot kahit nakailang ulit na itong tumawag. Kung puro kasinungalingan lang din ang sasabihin niya ay mas mabuti pang Hindi ko na sagutin pa. Hanggang sa makatulog ako sa paghihintay.