Jane's POV
Araw ng Lunes at birth month ko na, masyado pang maaga kaya naglinis muna ako sa opisina ng boss ko. Kaunting punas lang naman dahil hindi naman madumi ang loob nito. Inayos ko na din ang table niya at sinigurading walang alikabok ang ibabaw nito.
Ace's POV
Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Jane na nagpupunas sa aking table. Bahagya siyang nakayuko at napalunok ako ng makita ang kanyang cleavage. Tila nabuhay ang natutulog kong alaga nang masilayan ang maputi niyang bundok. Pinilig ko ang aking ulo para iwaksi iyon sa aking isipan. Naalala ko ang sinabi niya kahapon no’ng nasa mall siya at sinabing walang masama kung may kasama siya’ng lalaki. Napaangat siya ng tingin dahil sa aking pagdating.
"Good morning Sir." bati niya sa akin habang nangingiti.
Hindi ko siya pinansin at diretsong umupo sa aking swivel chair, I open my laptop to make myself busy. I also checked the papers I needed to sign, then Jane spoke again.
"Do you want coffee sir?" muli niyang tanong sa akin. Hindi ko parin siya pinansin bagkus ay nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Nakatayo pa rin siya sa aking harapan. Tumikhim siya at nagsalita ulit.
"Sir–"
"Just get out Miss Cruz, I don't want anything! and I don't like to talk to anyone!" saad ko ng may diin at medyo may pagtaas ang boses. Nagulat siya, at maging ako ay nagulat sa aking ginawa. Napatango siya at dali-daling lumabas. Nasapo ko ang aking noo at napasabunot sa aking buhok.
Jane's POV
Nagmadali akong lumabas sa opisina ng boss ko dahil sa kanyang pag sigaw nasa beast mood na naman ito at mukhang ako na naman ang napag buntunan ng galit niya.
Anong nangyari sa kanya? Nagalit naman siya dati pero kapag inaalok ko siya para i gawa ng kape ay agad nagbabago ang timpla niya pero ngayon pati ako nasisisgawan niya. Galit na siya sa akin? Bakit? Anong dahilan? My lips parted when I remembered our conversation yesterday. Is he jealous again? OMG!
Nagdaan pa ang ilang oras at malapit ng mag tanghalian ngunit hindi pa rin lumalabas ang boss ko sa kanyang opisina. Bababa na sana ako para kumain ng lumapit sa akin ang isang delivery boy ng isang kilalang fast food chain.
"Mam saan po ang office ni Sir Ace delos Santos? Delivery po." saad ng lalaki.
"Doon po kuya kumatok nalang po kayo." turo ko sa pinto ng opisina ni sir Ace.
"Sige Ma'am thank you po." wika niya ang tumango naman ako.
Hinintay ko munang makaalis ang delivery boy pagkatapos ay kinuha ko na ang baon ko para kumain sa canteen aayain ko si Tacia, dinamihan ko ang baon kong paksiw na bangus dahil naisipang I share sa kanya. Maglalakad na sana ako na'ng makitang lumabas ang boss ko sa kanyang opisina.
"Miss Cruz, where are you going?" tanong niya sa akin.
"Kakain na po sana sa baba sir, bakit po may ipapagawa po ba kayo?" Balik tanong ko sa kanya.
"Join me here, let's eat lunch together."
Napaawang ang aking labi sa narinig. Hindi agad ako nakahuma na'ng sabihin n'ya iyon sa akin.
"Miss Cruz, did you hear me?"
Napa tuwid ako ng tayo sa dahil sa narinig mula sa aking boss. Nagkatinginan pa kami ni Tacia ng marinig ang aming boss pati si Janette ay nagulat at tinaasan ako ng kilay nang mag tama ang aming mga paningin.
"Madam join ka daw sa lunch ni Sir." Panunukso ni Tacia sa akin. Pati ang mga ka trabaho namin ay nanunukso ang mga tingin sa akin.
"Hoy eat lunch lang huwag mong lagyan ng malisya, baklang to." saad ko at tinaasan siya ng kilay.
Dala ang baon ko ay tinungo ang office ni sir Ace. Nakahain na sa mini living room ng kanyang opisina ang mga in-order n'yang pagkain.
"Take a sit." pag anyaya niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at napako ang kanyang tingin sa paper bag na hawak ko.
"What's that?" turo niya sa hawak ko.
"Baon ko po sir."
"Nagbaon ka?"
"Yes sir, sayang din po kasi kapag bibili pa ako. Kaya inaagahan ko po ang paggising sa umaga para makapag luto ng baon ko."
Napangiti siya dahil sa aking tinuran, bipolar talaga kanina ay naninigaw ngayon nama’y nangingiti.
"Common let's eat I want to taste that." nakangiting saad niya na nakapako ang tingin sa harapan ko. Nailang ako dahil hindi ko mawari kung sa harapan ko siya nakatingin o sa baon ko.
What the hell!
Tumikhim bago umupo sa sopa paharap sa kanya. Isa isa na n'yang binuksan ang mga pagkain sa harap ko sa dami nito ay mukhang hindi namin kayang ubusin.
Binuksan ko na rin ang baon ko at nilapag sa table. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Jane, I just want to apologize on what happen earlier. Sorry if I shout on you." hinging paumanhin niya sa akin. Nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata at nakita kong seryoso siya sa paghingi ng tawad. tumikhim ako at umayos ng upo.
"Ok lang po 'yon Sir. Huwag niyo po sanang mamasamain Sir pero bakit po kayo na sigaw kanina?" tanong ko sa kanya. Napayuko siya habang nagkakamot ng kanyang batok. Sinilip ko ang kayang mukha at nangingiti siya! Hindi ko maiwasang maintriga hinawakan ko ang kanyang baba at inangat ito bahagya siyang natigilan, nagulat siguro siya sa ginawa ko.
"Bakit ka nangingiti? Kanina sinigawan mo ako tapos ngayon ngingiti ngiti ka? Baliw ka ba Sir?" saad ko habang nakataas ang aking kilay.
"Jane, ano kasi eh..." saad niy at nag iwas ng tingin napamura siya ng mahina ngunit nadinig ko naman.
"Ano Sir, minumura mo ako?"
"No, I mean ano kasi.. 'yong kahapon nainis ako kasi inisip kong lalaki ang kasama ko sa mall." pagtatapat niya sa akin.
"So? I am single and there's nothing wrong with that."
"Yeah there's nothing wrong with that if I am that man."
Napaawang ang aking labi dahil sa narinig mula sa kanya.
Ano daw? OMG!
Ace's POV
"I like you, I get mad every time I see you talking to another man. When you giggle and smile at another man it's like I want to wreck their neck because I get jealous. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero sa tuwing napapalapit ako sayo pakiramdam ko kumpleto ako. Unang kita ko palang sayo hindi ka na nawala sa isip ko hindi kita kilala noong una kitang nakita but your smile makes my heart beats fast lalo na noong tumawa ka pati pag- ikot ng mundo ko tumigil na–" natigil ako sa pagsasalita ng biglang tumawa si Jane.
"What's funny?" inis kong tanong sa kanya.
"'Yong mga pang malakasang banat mo sir saan mo nabasa? Wala bang bago?"
Lalong nag salubong ang kilay ko sa tanong niya.
"What do you mean?"
"Masyadong luma, wala na bang bago narinig–"
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa gulat. Kinapitan ko ang kanyang batok at sinibasib ang kanyang labi ng mapusok kong mga halik.