Chapter 10

1114 Words
Jane's POV Hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin ng biglang kapitan ni Ace ang aking batok at sinunggaban ang mga labi ko. Mapusok noong una at mapag parusa ang kanyang mga halik ngunit nang lumaon ay naging banayad at tinutukso tukso ang aking labi ng mapaglaro niyang dila. Nakakadala ang kanyang mga halik napakalambot ng kanyang mga labing banayad na humahaplos sa aking mga labi. Namalayan ko na lang ang sariling tinutugon ang kanyang halik sa paraang alam ko. Naghiwalay ang aming mga labi para sumagap ng hangin, pareho kaming hinihingal habang nakatitig sa isa't isa. Hinawakan niya ang aking mga kamay ay tumitig sa akin. "What I've told you a while ago is pure, I like you Jane. I'm willing to wait until you will like me too." sinserong saad niya. Hindi ako naka imik wala akong makapang sasabihin tila na blangko ang aking isip at ang tanging inaasam ko lang ngayon ay ang matikman ulit ang kanyang mapupulang labi. What the hell Jane Cruz! Ang rupok mo! "K-kain na po sir." anyaya ko sa kanya. Kain na baka mamaya ako pa makain mo OMG! Self ikalma mo yang mamasa masang bibingka mo! Pero in fairness ang bango ng hininga yumminess overload! Nagsimula na kaming kumain, una kong tinikman ang mga pagkaing binili niya halos hindi ko malunok ang pagkain na aking nginunguya dahil madalas ko siyang mahuli na nakatitig sa akin. Yumuyuko ako para maitago ang pamumula ng aking pisngi. Napa angat ako ng tingin ng magsalita si Ace. "Can I taste that-" hindi naituloy ni Ace ang sasabihin dahil bigla akong naubo at naibuga ang pagkaing nasa loob ng bunganga ko. Maagap naman si Ace, nakakuha agad siya bottled water para iabot sa akin. Habang umiinom ng tubig ay hinihimas niya ang likod ko na lalong nagpalala sa tensyo'ng nararamdaman ko. "Be careful walang aagaw diyan." saad niya habang naka ngisi. Lihim kong hiniling na sana bumuka na lang ang sahig at kainin nalang ako. "Are you ok now?" tanong niya habang nakangisi. " Busog na ako." saad ko habang naka irap sa kanya. Nangunot ang kanyang noo dahil sa aking tinuran. "Busog ka na? Hindi pa nga na ngangalahati ang kinuha mong pagkain busog ka na? Ubusin mo yan, hindi ka lalabas ng opisina kapag hindi mo yan inubos." panenermon niya sa akin. "Paano ako gaganahang kumain kung panay ang tingin mo sa akin at panay ang sabi mo nang I want to taste that." bulalas ko sa kanya. Hindi na niya napigilan ang kanyang sariling mapa halakhak na ikinataka ko. Lalong na depina ang kagwapuhan n'ya sa dahil sa kanyang pagtawa. "Ano'ng nakakatawa?" na iiritang tanong ko sa kanya. "You, binibigyan mo ng ibang kahulugan ang mga sinasabi ko sa'yo." saad niya na panay ang ngisi. "Bakit? Totoo naman diba? "Jane, the thing that I want to taste is the food you brought. Why? Are you referring to another thing I want to taste?" wika niya na hindi mawala wala ang pagkakangisi niya. Hindi ko maiwasang mamula sa paraan ng pagkaka titig niya sa akin habang kagat kagat ang ibabang labi. Sh*t inaakit ba niya ako? No no no... hindi pwede ito. "Gusto ko kasing matikman 'yang paksiw na bangus mo." hirit na naman niya habang pinipigilan pa rin ang pag ngiti. Nananadya talaga ang kumag na asarin ako. Lintik lang ang walang ganti, nakaisip ako ng ka pilyahan. Inilapit ko sa kanya ang baon kong paksiw na bangus. "Sige Sir, tikman mo ang paksiw na bangus masarap yan kasing sarap ng nagluto." alok ko sa kanya habang naka ngiti ng pagka tamis tamis. Kumuha naman siya ng isang hiwa at tinikman ito. Napa tango tango siya habang ninanamnam ang aking baong ulam. Napansin ko na hindi siya kumain ng kanin at tanging paksiw na bangus lang ang kinakain niya. Sarap na sarap siya sa luto ko kahit simpleng paksiw lang naman ang baon ko. Hindi pa siya nakontento ay hinati pa ulit n'ya ang isang hiwa ng bangus at kinain iyon. "Masarap po ba Sir?" tanong ko habang nakangisi at nakatitig sa kanya. "Yes, masarap at malinamnam sakto lang ang timpla." saad niya habang inaabot ang bottled water para uminom ng tubig. Habang napapalunok siya ay napapalunok din ako dahil nakakaakit ang paggalaw ng adams apple niya. "Masarap po talaga 'yan Sir paborito nga po yan ng ex ko eh." saad ko na pilit pinag seryoso ang aking mukha para maitago ang aking ngiti. Padabog niyang ibinaba ang bottled water sa center table. Salubong ang nga kilay at walang imik na nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na mapigilan ang sariling mapa halakhak. "Sige pagtawanan mo pa ako, baka magsisi ka kapag pinarusahan kita." wika niya sa akin habang naka nguso. Lalo akong natawa sa itsura nya habang nakanguso para siyang bata kapag napipikon. Ang isang Ace Alejandro delos Santos na arogante at napaka dominante ay meron palang ganitong side may pagka childish din pala ito. "Weeh talaga? Paparusahan mo ako? Ano namang parusa yan aber?" tanong ko. Nakairap siya sa akin habang inaayos ang kanyang pinagkainan. "Just continue eating." wika niya at tumayo para tunguhin ang banyo ng kanyang opisina marahil ay maghuhugas siya ng kamay. Natatawa pa rin ako habang nagpatuloy sa pagkain, alam ko na kung paano siya asarin. Kapag nagkataon na maging nobyo ko ito marahil ay napaka possessive niya. Kung pwede lang siguro ay haharangan niya ang mukha ko para hindi makita ng ibang lalaki. Sumagi sa aking isipan ang estado ng pamumuhay meron kami. Kahit saang anggulo mo tingnan hindi kami bagay. Kay daling sabihin na sa pag ibig lahat ng tao ay pantay pantay ngunit pagdating sa reyalidad ay hindi ito madali. Ano ba naman ang panalo ko sa mga naggagandahang babae na galing sa mayaman na pamilya tulad niya. Kung sakaling maging kami, darating ang araw na ipapakilala niya ako sa pamilya niya, at kapag nalaman nila ang katayuan ko sa buhay imposibleng magustuhan nila ako. Jane huwag kang malisyosa hindi pa nga nanliligaw nag assume ka na? Hindi mo pa nga alam kung single ba siya o may asawa na! Napa simangot ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Mahirap talagang magtiwala at mag assume ng mga bagay bagay sa panahon ngayon. Nadala na ako sa nakaraan ko. Binigay ko ang lahat lahat at walang itinira para sa sarili ko at sa huli ay ako lang din ang kawawa. Hindi na nga minahal sinaktan pa bago iniwan. Bumalik na naman sa alaala ko ang dati kong kasintahan, galing din siya sa mayamang pamilya. Marahil ay minahal din niya ako pero mas nangibabaw pa rin ang dikta ng kanyang magulang. Iniwan ako at mas pinili ang iba kaysa ipaglaban ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD