Chapter 11
Jane's POV
Today is Sunday, and it's my birthday! Pero itong boss ko ay killjoy. Day off ko ngayon pero pinapa pasok pa rin niya ako dahil may mga papeles siyang kailangan pirmahan. Hindi kasi siya nakapasok ng ilang araw dahil kailangan siya sa iba pa nilang negosyo. Malawak ang saklaw na negosyo ng DS CORP. Katulad ng mga Guerrero ay nagmamay ari din ang mga delos Santos ng iba't ibang uri ng negosyo tulad ng hotels, resorts, housing at maging food processing sa buong Norte ay pag aari nila. May sarili silang farm, malawak ito at libo libong tao ang nabigyan ng pangkabuhayan dahil sa pagtatrabaho sa malawak nilang taniman ng prutas at mga gulay. Isa ang farm nila sa nag su-supply ng mga gulay at prutas sa mga pangunahing mall sa syudad. Namamayagpag na ang delos Santos Corp hindi lang sa buong Norte kundi pati na rin sa buong Pilipinas.
Abala ang boss ko nitong mga nagdaang araw hindi na niya ako sinama sa byahe n'ya papuntang Norte dahil malayo daw at baka mapagod lang ako.
Oh 'di ba? Napaka caring char....
Pinipilit kong itanggi sa sarili ko na na mi-miss ko siya ngunit sa pagdaan ng mga araw na hindi ko siya kasama ay lalo lang sumisidhi ang pagnanais kong makita siya. Sa loob ng tatlong araw na hindi ko nakita ang pagmumukha niya ay parang ilang taon ko na siyang hindi nakikita. Kahit na minsan hindi buo ang araw namin kung hindi kami nagbabangayan.
Teka? Birthday ko ngayon bakit walang pagbati? Kaninang paggising ko ay tulog pa si Joy at si nanay Marina naman ay simpleng "magandang umaga" lang ang narinig ko mula sa kanya. Nakalimutan kaya nila ang kaarawan ko? Kunsabagay sa dami ba naman ng pinag kakaabalahan nila ay posibleng makalimutan nga nila ang kaarawan ko.
Ace's POV
Its Jane's Day off today but we need to go to my office to finish everything and to settle all the needs in the upcoming meeting with our new investor. Pwede namang gawin sa Monday ang iba pang kailangang gawin pero sadyang pinapasok ko siya dahil na miss ko rin siya. Ilang araw akong naglagi sa Norte dahil may mga bagay na kailangan isaayos sa farm at ang gagawing renovations sa imbakan ng mga magiging produkto ng farm sa susunod na anihan.
Pagdating ko sa office ay nandoon na ang sekretarya ko, ang babaeng laman ng isip ko bawat minuto. Nakatalikod siya sa akin at may kausap sa phone, nilingon niya ako ng maramdaman ang pagpasok ko sa loob ng office.. She's sexy on her outfit today, nakasuot siya ng denim skirt and a white shirt na may print na cartoon character sa bandang dibdib she paired with white flat sneakers. Very simple yet beautiful.
"Ok bye see you later, 'love you." paalam niya sa kausap niya sa phone. Nakaka kulo ng dugo ang mga salitang narinig ko mula sa kanya. She's saying I love you to another man while I'm around! What the f*ck!
Jane's POV
Agad kong tinapos ang tawag ni Joy na'ng makita ko ang boss kong dumating. Tinatanong ni Joy kung uuwi ba ako ngayong tanghali para makasabay daw ako sa pananghalian kaya sinabi kong half day lang ako ngayon. Napa tuwid ako ng upo ng marinig ko ang tila iritadong boses ng amo ko.
"Mukhang may date ka Miss Cruz." wika niya habang naka nguso at blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ano na naman kaya ang nangyari sa kumag na 'to? Parang biyernes santo ang pagmumukha?
'Wala po Sir, tinatanong lang ng best friend ko kung anong oras ako uuwi." nakangiting sagot ko.
"Seriously? It's your best friend but you're saying I love you? Ano 'yon best friend with benefits?"
Ayon, kaya pala iritado na naman at walang preno ang bibig nagseselos na naman si boss ng wala sa lugar.
Emeged! ang haba ng hair mo self! kalma! kalma!
"Sir, may masama po ba sa pag hahayag ng pagmamahal sa isang kaibigan? Sa tingin ko po sir ang masama is if a man gets jealous even though they doesn't have label or any kind of relationship." daldal ko sa kanya habang naka ngiti. Pinukulan niya ako ng masamang tingin pagkatapos ay umupo na at hinarap ang mga papeles na nasa kanyang mesa.
Wala siyang imik at hindi man lang ako kinausap, he was really pissed on me.
Suyuin ko kaya? kalma Jane hindi ka niya girlfriend.
Pipirmahan lang naman niya ang mga papeles, bakit ang tagal? Hindi na niya kailangan basahin ito dahil tinapos ko naman lahat ang mga iyon noong wala siya. Nananadya ba siya? Panay ang puna niya sa mga gawa ko kahit tama naman. Maya maya ay may pina edit na naman sa akin, hindi daw tama ang pagkakagawa ng program sa gaganaping meeting ng mga boards and investors.
Nag ring ang phone ko, pareho kaming napatingin ni sir Ace sa gawi kung saan nakapatong ang bag ko dahil nasa loob nito ang phone ko. Tumayo ako para kunin at tingnan kung sino ang tumatawag. Si Joy ang caller, naglakad ako papunta sa table na nakalaan sa akin sa loob ng opisina ni Ace. Sinadya kong i-on ang speaker ng phone para marinig niya.
"Yes beshy?" bungad ko kay Joy.
"Beshy asan ka na? Malamig na ang pagkain!" sigaw ni Joy sa kabilang linya kaya naririnig ni Ace.
"Beshy mauna na lang kaya kayong kumain ni nanay Marina, mukhang matatagalan pa 'tong ginagawa ko eh." pag dadahilan ko sa bestfriend ko.
"No! Hihintayin ka namin kaya umuwi kana!" sigaw ulit niya. Itong babaeng 'to talagang hindi rin mapigilan ang bibig, wala ding preno.
"Oo na, bye na." paalam ko sa kanya at nagpaalam na rin siya.
Itinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa ko sa monitor, napansin ko ang boss ko na nag aayos na ng kanyang gamit nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa nang bigla siyang lumapit sa akin at nagsalita.
"Fix your things Jane, ihahatid na kita."
"Po? Hindi ko pa po–" he cut me with his kiss! Sinakop ng labi n'ya ang labi ko, nakakadala ang mga halik niya at napa tugon ako. Kapwa kami hinihingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Hawak pa rin niya ang batok ko habang nakatitig sa aking mga mata. Tinulak ko ang kanyang dibdib nang ako ay makahuma.
"Bakit ka ba nang hahalik na lang basta?" sikmat ko sa kanya.
"Didn't I told you last time that drop the formality if tayong dalawa lang? Bakit panay ang Sir at po mo sa akin hmmm?"
"So? May karapatan ka nag mang halik sa akin? Boyfriend kita?"
"Soon." He says with formality on his face.
What the f*ck!