Chapter 12

1311 Words
Chapter12 Jane's POV Lulan kami ng kanyang kotse pauwi, ihahatid niya ako sa bahay tulad ng sinabi niya. Panay ang sulyap niya sa akin habang nagmamaneho mula kasi kaninang hinalikan niya ako ay hindi ko na siya pinansin, pati ang pagbaba sa building kanina hanggang sa pagsakay ng kanyang kotse ay nauna ako. Naiinis ako sa kanya dahil sa bigla niyang pang hahalik sa akin mabuti na lang at linggo ngayon walang tao sa office bukod sa mga guard na naka duty ngayong araw. Paano na lang kung may nakakita a amin? Malaking issue kapag nagkataon baka ako pa ang palabasin na masama baka pagbintangan pa akong nang aakit ng boss. Kinausap ko lang siya noong malapit na kami sa bahay. Itinuro ko sa kanya ang daang papasok sa inuupahan naming bahay. Nakaabang na si Joy sa labas ng bahay para salubungin kami sinabi ko kasi sa kanya na kasama ko ang boss ko. Pinag buksan ako ni Ace ng kotse at aalalayan sana ako sa pagbaba ngunit sinabi kong kaya ko na. "Happy birthday beshy!" bati sa akin ng bestfriend ko at niyakap ako. "Thank you beshy! Akala ko nakalimutan mo." nakangusong saad ko. Ace's POV Binati ng babae si Jane, f*ck I didn't know that today is her birthday! Nagpasalamat siya sa babae marahil ay ito ang bestfriend niya na kausap niya kanina sa phone. Hindi katangkaran ang babae, maputi at makinis ang balat, maganda ang mukha pati ang hubog ng pangangatawan. She looks familiar but I can't recognize her face. I don't even remember where I saw her. Basta feeling ko nakita ko na siya or parang may kahawig siya hindi ko lang maalala kung sino. Nasalin ang tingin ko kay Jane ng ipakilala ako ni Jane sa kanya. "Beshy, siya nga pala ang boss ko si sir Ace delos Santos" Kumaway ang babae bago nagsalita "Hi po sir Ace ako nga po pala si Joy." pagpapakilala sa kanyang sarili. Ako naman ay tumango kay Joy. "Sir, beshy pasok na tayo sa loob."anyaya ni Joy sa amin. Susunod na sana si Jane nang pigilan ko siya sa kanyang braso nilingon niya ako na nakakunot ang kanyang noo. "You didn't tell me that today is your birthday." wika ko sa kanya. humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Why should I? As if you care?" pagtataray niya at nag martsa papasok ng bahay. Wala akong nagawa, napa iling na lang ako habang sinusundan siya. I felt guilty, pinapasok ko pa siya sa araw ng day off niya. Kaya pala hindi siya mapakali at panay ang silip niya sa phone niya kanina. Oh fvck kailangan kong bumawi sa kanya, pero paano? Mukhang bad shot na naman ako sa kanya, idagdag pa ang pag susuplado ko sa kanya kanina dahil sa pagseselos ko. Pumasok kami sa loob ng inuupahang bahay nila Jane. May mga bisita sila na sa hinuha ko ay magkapatid, marahil ay kaibigan nila ang mga ito. Pinakilala din ako ni Jane sa nanay ni Joy na si Aling Marina. Sounds familiar again, saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yan? Iginala ko ang paningin ko sa loob ng tinitirhan nilang bahay. May dalawang kwarto ito at maliit na sala. Medyo luma na ang bahay at kailangan ng i-renovate. Malinis at maayos ang bahay may mga naka display na picture sila Jane at Joy noong sila ay nagtapos sa kolehiyo. May mga picture din sila sa mga lugar na pinapasyalan nila it's a park I think. Mayroon ring kuha sa dagat at sa mapunong lugar maybe this taken at the province. Inaya ako sa kusina para kumain. Jane's POV Nasorpresa ako sa pa lunch nina Joy at nanay Marina. May halong pasabog pa ang beshy ko dahil inimbita pa nila ang ultimate crush ko na si Red Natividad! Kasama ang kapatid niyang si Denise OMG! Joy really do a good job. Panay ang kindat ng beshy ko sa akin nang mahalata niya ang pagka gulat ko. Pinakilala ko si Ace kay nanay Marina at sa mga bisita namin na sina Red at Denise. "Maupo ka Sir, pagpasensyahan nyo na itong hinanda namin ha?" nakangiting wika ni nanay Marina. "Ace nalang po, ok lang po, sanay po ako sa ganitong pagkain." sagot naman ni Ace. Nakakapag taka magalang din naman pala ang kumag na ito kapag iba ang kausap pero kapag ako na paka arogante minsan sweet, minsan masungit hindi maintindihan. Ang dami nilang hinandang mag ina at lahat paborito ko. May inihaw na isda barbeque, pancit, iba't ibang putahe ng karne, cake at ang paborito kong dessert macaroni salad! Nakakataba talaga ng puso, nagpasalamat talaga ako sa Panginoon dahil malayo man ako sa aking pamilya binigyan naman niya ako ng napakabuti, napaka bait at mapagmahal na mag ina. Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan kami nila Red, Denise, Joy at Ace sa sala. "Napaka swerte mo naman ate Jane nagkaroon ka ng kaibigan na mabait mapapa sana all nalang talaga ako." saad ni Denise habang nakangiti. "Bakit swerte ka din naman sa amin ah." sabat ni Red. Napangisi si Denise na ikinatawa ko. Ang cute nila magkapatid kapag nag aasaran. Nahalata kong panay ang sulyap ni Red kay Joy. Hindi imposibleng magkagusto si Red kay Joy maganda ang kaibigan ko, sexy, mataray nga lang minsan lalo na kapag gutom. Wala namang kaso sa akin 'yon the feelings I have for Red is only an attraction nothing more than that. And I don't think gusto din siya ni Joy dahil mukhang sila na ni Kiel. Laging magkasama ang dalawa kapag day off ni Joy. Hatid sundo rin siya nito. Nakakapagtaka dahil wala ito ngayon, ibinaling ko ang tingin ko kay beshie at naisipang tanungin kung nasaan ang nobyo nito. "Beshy wala yata si Kiel ngayon? Hindi mo ba inimbita?" "Wala siya beshy he is in Visayas for business kaya sa wala siya today sa isang linggo pa ang dating niya." napa tango-tango ako sa naging tugon niya. Gaya ng boss ko ay abalang tao din si Kiel. He is managing his own company and also their family's assets. Naunang nagpaalam sina Renz dahil dadaan pa raw ang mga ito sa grocery. Naiwan si Ace na busy sa kanyang phone mukhang may ka chat. Nasalin ang tingin ko kay Joy nang magsalita ito. "Ano beshy? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?" tanong ng kaibigan ko habang nakangisi. "Huh? Anong regalo?" maang maangan na tanong ko at pinukulan ko siya ng masamang tingin at ngumuso ako sa gawi ni Ace ngunit hindi makuha ni Joy ang ibig kong sabihin at panay pa rin ang daldal nito. "Si Red, diba ultimate crush mo 'yon since college?” natigil sa pagtipa ng kanyang phone si Ace nang marinig ang sinabi ni Joy. Patay! minsan talaga pahamak ang bibig ng kaibigan ko. Tumikhim si Ace at saka tumayo. "I have to go, may lakad pa ako, nice meeting you Joy." bumaling siya kay nanay Marina para magpaalam "Alis na po ako." "Sige Ace ingat ka." wika ni nanay Marina. tumango si Ace at lumabas na ng bahay sinundan ko siya para ihatid sa labas. Papa sakay na siya ng kotse ng naabutan ko siya. "Ingat ka sa pagmamaneho." paalala ko sa kanya. Tila natigilan pa siya sa inasal ko. tumango siya bilang tugon pagkatapos ay tumuloy na ito paalis. Pagpasok ko ng bahay ay kinompronta ko ang kaibigan ko. Tawa lang siya ng tawa "OMG Beshy! may gusto ang boss mo sayo! ni hindi ka niya pinansin dahil iritang irita siya." Natatawa na sabi ni Joy. "Talaga ba? Alam mo bang kapag galit 'yon eh hindi namamansin at laging na sigaw?." "Ano?" hindi makapaniwala na tanong ni Joy na nanlaki pa ang kanyang mga mata. "Uhuh, kaya bukas expect ko na ang pag bubulyaw niya. Minsan kasi pahamak 'yang bibig mo beshy walang preno." saad ko na ikina hagikgik ng best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD