Jane's POV
Hinanda ko na ang aking sarili sa pagdating ng aking boss. Tinitiyak kong magsususplado at mam bubulyaw na naman iyon dahil badtrip siya sa akin kahapon.
Sinimulan ko na ang aking trabaho, abala man ako sa aking ginagawa ay panaka naka akong tumitingin sa aking phone kung may message ba siya ngunit laglag ang balikat nang makita ‘kong wala siyang mensahe.
Tapos na ang mga papeles at kailangan na lang n'yang pirmahan . May scheduled din siyang meeting mamayang 10:00 am ngunit 9:00am na ay wala pa siya.
Tawagan ko kaya?
Pero baka may nilakad lang siyang importante kaya na late ng pasok. Dumaan pa ang trenta minutos ay wala pa rin ang boss ko. Napag pasyahang kong tawagan siya.
Bumilis ang t***k ng aking puso ng naka ilang ring ang phone niya ngunit hindi niya sinasagot! What happen to him?
Halos tumigil ang aking paghinga ng marinig ko ang boses niya.
"Hello." Bungad niya, mukhang malat ang boses niya. Kagigising lang ba niya?
"H-hello sir, may I ask if you'll be going here in your office today? You have a scheduled meeting at 10 am."
"Cancel all my meetings. I will not go there. I'm not feeling well." Saad niya sa matamlay na boses.
"Po? Ok lang po ba kayo? Paano po itong mga papers? It needs to be signed as soon as possible sir."
"Gather all the paper and drop it in my house. My driver will fetch you."
"Oh, ok sir."
Ok naman siya kahapon ah bakit biglang nagkasakit?
Inayos ko ang mga dadalhing papeles sa bahay ni Ace at saka bumaba sa lobby para hintayin ang driver niya na si mang Simon. Kilala ko na siya dahil ilang beses na rin akong inihatid nito galing sa mga meetings na aming dinadaluhan sa labas ng DS CORP.
Pagbaba ko ay nandoon na naghihintay ang driver ni Sir Ace. Tinulungan niya ako sa aking mga dalang papel at pinasakay sa loob ng kotse.
Habang nasa byahe ay naisipan kong tanungin si mang Simon. Sa ilang buwan akong nagtatrabaho sa kumpanya ay nakagaanan ko na rin ng loob si Mang Simon.
"Manong bakit po hindi pumasok ang boss niyo? Ano ang nangyari? May sakit po ba siya?" tanong ko kay mang Simon.
Imbes ng sagutin ako ay natawa lang siya. Nakulitan siguro dahil sa sunod sunod kong tanong.
"Nasobrahan yata ni Sir ang inom kagabi ma'am kaya 'yon may hang over."
Nag angat ako tigin kay mang Simon dahil sa aking narinig, hangover? Naglasing? Bakit?
"Bakit po nag lasing may problema po ba?"
"Ewan ko sa batang 'yan, masyadong malihim, masyadong misteryoso. Minsan tahimik, minsan pala ngiti, minsan naman mabilis magalit." Saad ni mang Simon habang nakangisi.
Kasi nga bipolar
Nagkwentuhan pa kami ni mang Simon habang nasa byahe. Nalaman ko na matagal na pala siyang naninilbihan sa mga delos Santos. May isa siyang anak na pinag aral din ng mga delos Santos at ngayon isa na ring empleyado ng DS CORP. Pagka baba ko ng sasakyan ay sinabihan ako ni Mang Simon na pumasok na lang sa loob ng bahay ni Ace dahil babalik pa raw ito sa opisina.
Kumatok ako sa main door ng bahay ngunit hindi ako pinag buksan, pinihit ko ang seradura ng pinto. Pumasok ako at biglang napasigaw.
"Got you!"
"AY! KABAYONG MACHO!" tili ko dahil sa gulat. Kung anu-ano ang naibulalas ko. Muntik ko pang mabitawan ang mga papeles na hawak ko dahil sa gulat. Pagpasok ko kasi ng bahay ay bigla akong niyapos ni Ace sa bewang. He is half naked! Ano ba yan?!
Tawa siya ng tawa habang naka yapos sa akin at sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. Dala ng pag kainis ay pinagpapalo ko siya sa braso at pinag kukurot sa tagiliran. Bigla siyang napakalas sa akin at hinimas himas ang parte ng kanang tagiliran na kinurot ko, panay pa rin ang tawa ng kumag at mukhang tuwang tuwa talaga.
"Not feeling well pala ha? Eto, pirmahan mo!" kinuha ko ang kamay niya at pinahawak ang mga papel na dala dala ko saka tinalikuran siya at narmartsa palabas ng kanyang bahay.
"Jane, wait! I'm just kidding"
" Heh! wait mo mukha mo!" sigaw ko na patuloy pa rin sa paglalakad palabas.
"Baby wait, where are you going?!" sigaw ng walang hiya sa akin habang hinahabol ako.
"Saan pa eh di uuwi na! May pa not feeling well feeling well ka pang sinasabi tapos pa tri-tripan–" napatili ako ng bigla akong umangat sa ere! Paano'y basta nalang niya akong binuhat sa isang kamay ng parang sako ng bigas!
"Hoy! ibaba mo ako! wala kang galang! Sabi nang ibaba mo ako eh! Isa! Kahit boss kita pepektusan talaga kita! Ace! Dalawa!" halos mapaos na ako sa kakasigaw ngunit ang lalaking ito ay parang walang naririnig. Tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad papasok sa loob ng kanyang bahay habang buhat ako na parang wala lang sa kanya ang bigat ko. Pagka pasok sa kanyang bahay ay sinipa niya ang pinto para magsara at lumikha ito ng ingay na parang pati hamba ay magigiba sa lakas ng pag balibag nito.
Akala ko ay ibaba na niya ako hindi pa pala, humakbang siya paakyat sa hagdan.
"Hoy! Saan mo ako dadalhin!?Ace ano ba ibaba mo nga ako!"
"Sige mag pumiglas ka at nang mahulog ka." banta niya sa akin. Napatingin ako sa ibaba at medyo nasa mataas na rin kami ng bahagi ng hagdan. Wala akong nagawa kundi manatili at hindi umimik hanggang sa ibaba niya ako. Namumula ang mukha ko dala ng pagkailang sa kanya.
Oh my God, hindi ako prepared!
Binuksan niya ang isang kwarto at pumasok kami doon habang buhat pa rin niya ako. Dahan dahan niya akong ibinaba at pinaupo sa kama.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata na para bang nanantiya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at dinala sa kanyang mga labi at hinalikan ang mga ito.
Ace's POV
"Im sorry baby, nagulat ba kita?" tanong ko habang nagpipigil ng ngiti. Naningkit ang kanyang mata dahil sa tanong ko. She's so beautiful even though she's mad and pissed.
"Ay, hindi sir tuwang tuwa nga ako eh hahaha!" sagot niya sa akin at pinanlakihan ako ng mata.
Hindi ko na mapigilan ang sariling mapa halakhak dahil sa kanyang inasal.
"What did you say a while ago baby? Kabayong Macho?" pang aasar ko ulit sa kanya. Napangiti siya ngunit salubong ang kanyang mga kilay.
"Hindi ka titigil ha?" dinakma niya ang buhok ko at sinabunutan. Dahil nakaluhod ako sa harap niya ay madali lang para sa kanya ang gawin iyon.
'Ouch baby, titigil na! Aray!" daing ko. Parang natuklap ang anit ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya. Napayuko ako dahil sa hapdi ng anit ko. Bigla siyang nataranta sa pag aakalang nasaktan nga ako.
Sinapo niya ang aking pisngi at inangat ang mukha ko. "Sorry, masakit? Ikaw naman kasi eh," nakangusong saad niya. Tila nang aakit ang kanyang mga labi at nag udyok na halikan ko ang mga ito. Hanggang sa hindi ako nakatiis at sinunggaban ang kanyang mapupula at mamasa masang labi.