Jane's POV "Welcome home!!" Sigaw nilang lahat pagbukas ko ng pinto kaya naman sobra akong nagulat. May pa banner pa sila na may nakasulat na "welcome home". "Ginulat n'yo naman ako!" maktol ko habang sapo-sapo pa rin ang dibdib ko, "Bakit may pa banner pa? Binasa nyo lang naman hindi n'yo memorize?" natatawang sabi ko at lumapit na sa kanila. Niyakap ko sila isa-isa. "Na miss ka namin anak." sabi ng aking tatay Julio habang yakap ako. "Ako rin po 'tay na miss ko din po kayo, sobra." mangiyak-ngiyak kong sabi. "Hi po," bati ni Tacia katabi si kuya Arman. Kaya napabaling ang lahat sa kanya. "Siya nga po pala si Tacia kaibigan ko, at siya naman po si kuya Arman driver po siya ng kaibigan kong si Joy." tumango ang mga magulang ko. "O siya, halina kayo at kakain na," pag aaya ni Inay

