Umuwi ako sa probinsya nang hindi nag iisa. Bukod kasi sa paghatid sa akin ng driver ni Joy ay sumama si Tacia. Ayaw niyang magpaiwan sa condo niya. May natitira pa naman daw siyang araw sa kanyang leave kaya susulitin na raw n'ya. Iniwan niya ang ibang gamit niya sa condo niya. Kung hindi lang ako naiihi ay hindi talaga ako sasama sa unit niya. Habang naglalakad sa lobby papunta sa unit ni Tacia ay hindi ko maiwasang mapa sulyap sa unit ni Ace na tinitirhan ko dati. Sandaling nagbalik ang mga alaala sa loob niyon. Biniling ko ang aking ulo para ibaling sa iba ang atensyon ko. "Nay! Tay! Nandito na po ako!" sigaw ko nang makababa ako ng sasakyan. Sarado ang bahay maging ang tindahan nila ng gulay sa tapat ng bahay namin. "Nay! Tao po!" sigaw ko pa ulit. Hapon na at malapit nang mag dili

