Jane's POV "Bakla mag walwal tayo mamaya. Mag bo-boy hunting tayo. Gosh na miss ko mag bar." "Itikom mo nga yang bibig mo. Kabababa mo pa lang ng eroplano." sita ko kay Tacia."Anong boy hunting pinagsasabi mo? Ang haba-haba ng byahe tapos iniisip mo na namang magliwaliw." inirapan ko siya. "Bakla maaga pa naman. Pwede naman tayong magpahinga pagdating sa bahay, matulog ganern." "Hindi ako sasama sa bahay mo." "What!?" medyo lumakas ang boses ni Tacia kaya hinila ko ang tenga niya. "Ouch! Arraaay." tili niya. "Bakit ba?" "Anong bakit ba? Makatili ka eh parang sobrang nakakagulat." "Bakit nga hindi ka sasama sa akin?" "Tinatanong pa ba 'yon? Syempre may bahay akong uuwian may mga magulang at kapatid akong naghihintay sa pag uwi ko." "Wait, hindi ka ba pagod? Kahit magpahinga man l

