"Pilipinas here we come!" sigaw ni Tacia habang papasok kami ng airport. "Echosera, ako yung nag abroad hindi ikaw bakla. Kung maka here we come ka eh. Kagagaling mo lang kaya sa Pilipinas noong isang araw." "Feeling balikbayan lang bakla pagbigyan mo na. Hindi ka ba masaya? Bakit nakanguso ka na naman. May Jowa ka bang maiiwan dito? Huwag mong sabihing na develop na kayo ng ate ko?" eksaheradang tanong ni Tacia. "Pinagsasabi mo? Tampalin ko 'yang bibig d'yan." tinaliman ko siya ng tingin. "Bakit ka nga nakasimangot?" pangungulit niya. Hindi ko siya sinagot sa halip ay inirapan ko lang siya. Nag ready na kami dahil in-announce na ang flight namin. Chineck ko ang bag ko pati passport ko. Iniisip ko lang ang maiiwan kong trabaho dito sa Dubai. Nakakapanghinayang lang kasi bukod sa mala

