Chapter 31

1153 Words
Ace's POV "Did you sent the invitations to the Guerreros?" "Yes sir." "Good, when will be your flight to Dubai?" I ask Tacia. My personal assistant. "The day after tomorrow sir." He answered. "You can go home early Tacia para makapag beautyrest ka naman." "Ay bet ko 'yan boss sana laging maganda ang mood mo. Sana mapauwi ko na ang fairy Godmother na gumawa ng sumpa kung bakit lagi kang naka busangot." "Gusto mo ng allowance o hindi?" pananakot ko sa kanya. Bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa narinig mula sa akin. "Syempre sir gusto, ikaw naman hindi na mabiro. Don't worry yayakapin at iki-kiss ko siya para sayo." hirit niya pa. Tila nadagdagan ang inis ko. Inaasar talaga ako ng binabae na ito. "Don't you dare Anastacio!" duro ko sa kanya. "Katabi ko kaya 'yon sa kama." saad niya. F*ck! Lakas maka pang asar. "Isa, tatamaan ka talaga sa akin." "Subukan mo ser. Isusumbong kita sa kanya. Alalahanin mo malakas ako sa kanya. Isang sabi ko lang mas paniniwalaan niya ako kesa sayo kahit boss kita hmm?" inirapan niya ako sabay talikod. Pakembot-kembot na naglakad palayo habang kumakanta. "Oh giliw ko, miss na miss kita aah," akmang babatuhun ko siya ng ballpen nang lumingon sa akin kaya napatakbo siya palabas ng office habang tumitili. Napailing na lang ako sa pang aasar ni Tacia sa akin. Nasanay na rin naman ako. Next month will be Papa's birthday. I was on their house yesterday. Pinagplanuhan namin ang gaganaping birthday party at opening ng Samantha's hotel. Ang alam ni Joy ay birthday celebration lang iyon ni papa at opening ng hotel na regalo ko sa kanya. It is supposed to be a graduation gift, pero natagalan ang pag tatayo nito. Hindi niya alam na ipapakilala na siya ni Papa sa publiko bilang bunsong anak niya. Panahon na para ipakita sa mundo kung ano at sino na siya ngayon. Hindi ko ugaling makialam sa personal na isyu ng mga kapatid ko but what they did to Joy is not acceptable. Pasalamat 'yang Guerrero na 'yan hindi ko siya tinuluyan. Tama lang na nawalan sila ng mga investors at ibang kasosyo sa negosyo. Kung hindi lang ako laging pinapaalalahanan ni Papa ay baka mapatay ko pa ang gagong 'yon. Ayaw din kasi ni Joy ng gulo. He doesn't deserve Joy and Kassie. Lahat ng tumapak sa pagkatao ni Joy ay inimbita ko. Sisiguraduhin kong luluwa ang mga mata nila kapag nakita nila ang bagong Samantha Joy Castro Delos Santos. I also called Ysa to come and she said yes. Nasa bansa siya ngayon. Pagkatapos ma-solve ang kaso tungkol kay Sharmaine ay lumipad sila patungong America. Doon matutugunan ng maayos ang atensyon medical na kinakailangan niya para sa agarang niyang paggaling. Labis na trauma ang naranasan niya sa kamay ng mga hayok sa laman na namantala sa kanya. Napag alaman rin na hindi aksidente ang pagkakabangga ni Sharmaine sa malaking puno. Tinanggalan nila ng preno ang kotse niya para mapalabas na aksidente ang lahat. They didn't succeed, dahil ang alam nila ay hindi makakaligtas si Sharmaine at mamatay ito. Dapat sa mga hayop na 'yon ay ipa ambush na lang pero pinigilan ako ni Ysa. Ang gusto niya ay pag dusahan nila sa kulungan ang ginawa nila sa kapatid niya. That's her decision and I respect that. Ysa and I became close friends, naging mas malapit s'ya sa pamilya ko at kay Joy.. * Jane's POV "Thank you sa lahat, I enjoyed my stay here in Dubai. Kahit papaano e nabawasan ang bigat sa loob na nararamdaman ko. Sana makapag-tour ka sa Canada soon." saad ni Jamila habang nakahawak sa kamay ko. Nandito kami ngayon sa airport hinatid ko siya. Kailangan na niyang bumalik sa Canada dahil malapit na ang pasukan sa University king saan siya nagtututo. "Soon kapag nakapag-ipon ako. Sayang hindi mo maabutan si Tacia. Masayang kasama 'yon." sabi ko. "Don't worry magbabakasyon ako ulit sa Philippines." "Huwag kang mag-alala hahanapin ko ang mga poging Engineer na nanakit sa puso mo. Pepektusan ko sila. Ganda-ganda mo eh." inipit ko ang mga takas niyang buhok sa likod ng tenga n'ya. Natawa naman siya. "Pepektusan lang?" nakanguso niyang sabi. "Papa-hunting ko kay Tacia. Mag aala kwago ang mata no'n kapag gwapo." sabay pa kaming natawa. Sabay pa kaming natigilan nang i-announce ang flight niya. "Paano ba 'yan maiiwan na kita dito. Thank you ulit." pagpapaalam niya. "Mag-ingat ka. Don't forget to call me kapag kailangan mo ng kausap." Niyakap ko siya ganun din siya sa akin. Kumaway siya habang naglalakad palayo. Kumaway din ako at sumigaw. "Size 7 ha?! Huwag mong kalimutan!" pahabol kong biro sa kanya. Napa takip siya ng bibig dahil napatawa siya sa joke ko. Tumango siya at itinaas ang kanyang hinlalaki and she mouthed "ok". Nakangiti pa rin ako kahit wala na si Jamila sa paningin ko. Sa sandaling panahon na nagkakilala kami at nagkasama ay napamahal na siya sa akin. With Jam I found a little sister. Puro lalaki kasi ang mga kapatid ko kaya hindi ko naranasan ang pakiramdam ng may kapatid na babae noon. Pero noong dumating si Joy sa buhay ko kahit papaano ay naranasan ko ang pakiramdam na may pinagsasabihan. Sharing secrets, crushes at syempre kapag may problema may karamay ako. Kagaya ni Jamila ay naranasan niya sa akin ang pakiramdam ng may pinagsasabihan ng sama ng loob. Wala siyang kapatid at hindi sila gaanong close ng Mommy niya, ayon sa kanya mas malapit siya sa Daddy niya. She grew up independent kahit kasama niya ang mga magulang niya sa Canada. Namuhay siyang mag-isa nang magkaroon ng sariling trabaho. Her parents teach her how to be independent. Natigil ang pag iisip ko tungkol kay Jamila ng nabaling ang paningin ko sa phone ko. I forgot to turn off my mobile data. Sunod-sunod ang notif na natanggap ko kaya naman habang naglalakad ay tiningnan ko ito. Mabagal ang ginawa kong paglalakad habang nakatitig sa phone ko. Panaka-naka rin akong lumulinga sa paligid at baka may mabangga ako. I check the notifications on my social media account. Post ito galing sa taong hindi ko naman kilala her name is Stella Dizon at naka-tag kay Tacia. Ang caption ay #reunited. They are having dinner in a restaurant. Mukhang sa probinsya ito kinunan. Magkatabi sa isang side ng table sina Colene at Joy. Sa kabilang side naman sina Justine Tacia at isa pang babae na siya siguro ang nag post. At sa likod nila ay naka pwesto ang dalawang pares na masayang nakatingin sa camera. It was Ace and Ysa happily hugging each other. Parang may dumagang mabigat na bagay sa dibdib ko. Napa sapo ako sa lalamunan ko, pakiramdam ko ay may bumara dito kahit wala naman. Ini-off ko ang mobile data ko at isinuksok ang phone ko sa bulsa. Are they reunited? Did they get back to each other? Teka? Ano ang pakialam ko? Eh Di magsama sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD