Chapter 30

1104 Words
3 years later… Jane's POV "Beshy kailan ka ba uuwi? Ang dami mo ng utang sa akin at sa inaanak mo. Noong binyag niya wala ka. Nagdaang ang ilang pasko, bagong taon, valentines day, mother's day at birthday niya wala ka. May bago ka na bang jowa d'yan?" mahabang litanya ng best friend ko sa kabilang linya. Pinipilit niya akong umuwi. "Beshy try to understand me please hindi pa ako pwedeng umuwi." sagot ko habang nagkakamot ng pisngi. "Kailan pwede? Baka hindi ka makauwi uwi dahil baka hindi ka pa nakaka-move on?" "Sino'ng may sabi sayo? Naka-move on na ako 'no." "E bakit nga 'di ka pa umuuwi. Sabi mo noon 3 years lang ang contract mo eh mag-aapat na taon ka na d'yan. Hindi mo ba kami miss? Pamilya mo hindi mo ba sila nami-miss?" "Beshy syempre I missed you all, so much. Pero kailangan ko lang talagang tapusin ang kontrata ko kasi nag-extend ako ng isang taon." "Ang sabihin mo ayaw mo na talagang umuwi Dito. 'Yong Galit mo sa kuya ko dinamay mo na kaming lahat." saad niya na mukhang may himig ng pagtatampo. "Beshy that's not true ok? Uuwi din ako soon." "Ok,Sabi mo e. Sige may pasyente pa ako. Bye ingat ka." Sasagot pa lang sana ako pero pinatayan na niya ako ng tawag. Napa buntong hininga ako. Ilang beses na ba niya akong kinukulit na umuwi. Pati si Colene ay nangungulit din kung kailan ako uuwi. Pati ang inay at mga kapatid ko ay ayaw paawat sa kakatanong kung kailan ako uuwi. Bakit lahat sila atat umuwi ako? Tacia will be coming here soon sinabi niya na magbabakasyon ulit siya kaya sasabay na lang ako sa kanya pag uwi. Speaking of Tacia. Naka ilang bakasyon na ba siya dito sa Dubai mula noong dumating ako dito? Twice? Trice? I don't know, basta ang alam ko taon taon nandito siya at tinataon pang birthday ko. Kaya naman imbes na ako ang mag-treat sa kanya ay ako ang nililibre niya. Minsan niloloko ko siya na baka may sugar daddy siya kasi madatong siya. Sinasakyan naman niya ang mga biro ko, ang sagot niya meron daw at ayaw lang niyang ipakita sa akin kasi baka agawin ko. Malapit na rin naman akong umuwi. Its just that, I want it to be secret. Ayoko munang ipagsabi sa kanila. I was walking on the mall nag tingin-tingin ng mga bibilhin kong idagdag sa pasalubong na iuuwi ko soon nang may magtanong sa akin. Matangkad siya, slim ang pangangatawan at maganda sana kaso parang pinag sakluban ng langit at lupa ang itsura. Problemado na galit sa mundo. "Ahm Miss is there a room for rent near this place?" "Yeah, it's just a five minutes drive away from here." "Haay salamat." bulong niya." "Pilipino ka?" hindi ko napigilang tanong. "Oo." tipid siyang ngumiti. "I'm Jane Cruz." pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ng kamay ko. "I'm Jamila Beltran." saad niya at inabot ang kamay ko para makipag kamay. Ngumiti siya ngunit hindi abot sa kanyang mga mata. Halatang may pinag dadaanan. "Kung naghahanap ka nang uupahang kwarto may bakante sa tabi namin nagpapa-rent sila ng room. I can also recommend some hotel if you want." Tipid naman siyang ngumiti. "Doon na lang siguro ako sa tabi ninyo na sinsabi mo. Atleast doon andu'n ka 'di ba? Hindi rin naman ako magtatagal dito. Maybe a week lang naman." Napa tango ako. " Saan ka nga pala sa Philippines?" "Actually nag bakasyon lang din ako sa Manila. Sa Canada ako naka base. Napaaga lang ang pag alis ko sa Philippines kasi something came up." "Ah ganun ba? Kung gusto mo sumama ka na sa akin. Kakain muna tayo don't worry sagot ko. Tapos ilibot muna kita dito namimili kasi ako ng iuuwi sa Pilipinas." "Ilang taon ka na dito?" tanong niya habang naglalakad kami. "Mag-aapat na taon na. Magbabakasyon ako kasi kinukulit ako ng pamilya ko." "Buti ka pa may nangungulit sayo." mapait siyang ngumiti. May nangilid na luha sa kanyang mga mata ngunit agad niya iyong pinalis. "Bakit wala ka na bang pamilya?" wala sa sariling tanong ko. "Meron naman nasa Canada ang parents ko." maikling sagot niya. "Ah, e sinong pinuntahan mo sa Pilipinas?" Bumuntong hininga siya at tila pagod na tumingin sa akin. "My boyfriend. Siya ang pinuntahan ko doon. Pero niloko nila ako. Sila ng kaibigan niya." "Ano? Paano ka niloko?" "Iyong taong ka-chat ko ng ilang taon, iba doon sa nakipag meet sa akin. Though the pictures he sent was the same as the person who talked to me on the phone. Pero noong nag meet kami dumating 'yong point na nahulog na kami sa isa't-isa. Hindi ko alam na iba pala ang ka chat ko, iba din 'yong na meet ko in person." Naguluhan ako sa mga salaysay niya. "Wait, Ang gulo ha." Natawa siya, she's beautiful. May dimple siya sa magkabilang pisngi. "Yeah ang gulo talaga. I'll tell you later." "Gwapo?" tanong ko habang nangingiti. "Hmm yeah sobrang gwapo." sagot niya na tila kinilig pa. Parang hindi sinaktan. "Kapag gwapo mapanakit 'no?" pagbibiro ko. "May pangit rin namang mapanakit." "Tulad ng kaibigan niya?" naiintrigang tanong ko. "Nope, gwapo din. Mukhang kinulang nga lang." sinundan niya ng tawa. "You know what Jane. I like you." nakangiti ulit siya habang nakatitig sa akin. "Jamila, huwag ako. Minsan na na 'kong ginamit. Huwag mo ng ulitin parang awa mo na. Hindi tayo talo girl. Ayoko ng bilat." kunwari pang napasapo ako sa aking dibdib. Napahagalpak naman siya ng tawa dahil sa narinig mula sa akin. "No, hindi ganun ang ibig kong sabihin. I mean I like you as a friend. Kasi bago pa lang kita nakilala napapatawa mo na ako." "Ah ganun ba. Tara kain muna tao as a friend. At pag planuhan natin kung paano reresbakan ang jumowa sayo."sabay pa kaming nag tawanan habang naglalakad papunta sa restaurant malapit kung saan kami nakatayo at nagkita kanina. Tulad niya ay magaan din ang loob ko sa kanya. Nakakatuwa siyang kasama at walang halong arte sa katawan. Para siyang batang version ni Joy. Madaling makasabay sa mga kapilyahan. Kung bakit siya niloko ay hindi ko alam mahirap namang i-force siya. Hahayaan kong siya mismo ang mag open sa akin kapag handa na siya. After we ate. Ay naglibot kami ni Jamila. Tinutulungan niya akong mamili ng items. Kung ano ang maganda. Habang namimili ay nagkukwentuhan kami tungkol sa isa't isa. At her young age she is a professor in one of the prestigious institutions in Canada. Ang galing. Ang talino ng tao pero niloko pa rin. Ang mga manloloko talaga kapag umatake walang exempted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD