Jane's POV
6 months later…
"Ano? Nasa Dubai ka kailan pa? Bakit 'di ka man lang nagpaalam beshy?"
Sunod-sunod ang ginawang pagtatanong ni Joy sa kabilang linya na may halong paninita na rin. Hindi ko rin kasi nagawang mag paalam sa kanya nang maayos noon dahil ayokong mag usisa pa siya at baka pigilan niya ako sa pag alis ko.
"Kaya pala ang tagal kitang hindi makontak tanong ako ng tanong kay kuya pero ayaw niyang mag salita ano ba ang nangyari?"
See nag usisa na naman. Ang kuya na tinutukoy niya ay si Ace. Small world. Ang papa ni Ace ay ang tunay na ama ni Joy kaya magkapatid sila sa ama. Ayon kay Joy inimbitahan sila sa isang okasyon sa bahay ni Doc Shiara. Ang lahat ng kamag anak ng doktora ay dumalo kasama ang papa ni Ace. Nagkita doon sina nanay Marina at ang papa ni Ace na dati pala niyang kasintahan, kaya doon na nalaman na tatay pala ni Joy ang papa ni Ace.
"Ang akala ko nagbakasyon ka lang hindi ko alam na nasa ibang bansa ka na pala. Beshy nakikinig ka ba?"
Galit na ang buntis dahil medyo lumakas ang boses niya kaya napangiti ako.
"Oo beshy nakikinig ako."
"So bakit nga?"
"I need to leave because I was hurt. Badly hurt. Focus muna ako sa sarili. Maging productive at para makalimutan ang lahat ng sakit na binigay sa akin which I know that I don't deserve. Siguro nga talagang binigay ng Diyos sa akin ang sitwasyong ito dahil baka kailangan ko. Para mas mapabuti pa lalo ang sarili at buhay ko."
Napa buntong hininga si Joy sa kabilang linya.
"Hindi sa kinakampihan ko si Kuya Ace dahil kapatid ko siya. Pareho kayong mahalaga sa akin. Hindi kaya nag-overthink ka lang? What if you're judging him but you don't know the whole story? Paano kung naniniwala ka lang based on what you heard from others? What if ang alam mo tungkol sa kapatid ko ay kapiraso lang at hindi ang buong kwento?"
Hindi ako umimik I was caught off guard. Ang mga katanungan ng kaibigan ko ay tumatagos hanggang kaluluwa ko. Kung kaharap lamang niya ako ngayon ay hindi ko na maipagkakaila pa na sising sisi ako. Mabuti na lang at naka off ang camera namin pareho. Para siyang abogado kung maka usisa hindi siya titigil hangga't hindi s'ya nasa-satisfy sa sagot na nakukuha mula sa akin.
"Pero hindi kita masisisi, kailangan mong maghilom, sabi mo nga you need to be more productive para pagbalik mo bibihagin ulit ng alindog mo ang kuya ko." saad niya na sinundan ng tawa at tila may tilian pa sila sa tabi niya kaya na intriga ako.
"Who's with you?" tanong ko.
"Ay wow beshy, maka English ka ha." Natawa ulit siya kaya napakunot ako ng noo. "Open your cam. May ipapakita ako sayo."
"No." tanggi ko sabay iling na para bang nakikita niya. Baka umaandar na naman ang kapilyahan niya. There was a time kasi na tumawag siya. Ang Sabi ay ipapakita niya ang baby bump niya kaya ako naman ay dali-daling in-open ang cam ng phone ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Ace na kunot na kunot ang noo habang nagbabasa ng dyaryo. Ngunit sa kabila ng lukot niyang mukha ay napaka lakas pa rin ng karisma niya. Napansin niya na katutok sa kanya ang camera kaya napatitig siya. Napaka seryoso niya. Feeling ko ay ako ang tinititigan niya. Kaya naman dahil sa gulat ay bigla kong pinatay ang phone ko pati ang tawag niya.
"Beshy babae itong ipapakita ko sayo. Promise wala ang kuya dito."
"Siguraduhin mo lang ha. Baka kung ano na naman 'yang ipapakita mo."
Huminga ako ng malalim and then I open my camera. There, I saw a girl waving her hands on the screen. Wait, buntis din?
"Hi Jane, I'm Colene."
Nakangiti siya habang kumakaway sa akin. She's beautiful… and familiar parang nakita ko na siya dati.
"Hoy! beshy natulala ka diyan." sigaw ni Joy sa kabilang linya.
"O-oh, sorry. Hi Colene. Sorry natulala ako. Ang ganda mo kasi and you look familiar. Are you an actress? Para kasing nakita kita once sa tv."
"A-ano kasi model ako dati." tipid niyang sagot.
"Ah naalala ko ikaw 'yung girlfriend ni–" hindi matuloy ang sana ay sasabihin ko dahil pinutol ni Joy.
"Beshy nagiging madaldal ka na ha. Buhay mo pinag-uusapan natin dito." Kita ko ang panlalaki ng mata niya kaya agad ko itong nakuha.
Meron ba akong hindi alam? Colene is Albie's girlfriend. Ano kaya ang nangyari?
Napatingin ako sa relo ko. Oras na ng trabaho. Kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.
"Bye beshy, bye Colene next time ulit. Oras na ng trabaho ko."
"Bye beshy I'll call you tonight." kumaway si Joy pati si Colene. Bago pinatay ang camera ay kumindat pa sa akin ang kaibigan ko indikasyon na may imamarites na naman sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago pilya pa rin.
Naisip ko ang sinabi ni Joy kanina. Alam ko marahil ang kwento pero kapiraso lang at hindi buo? Ano ang ibig niyang sabihin?
Magmula noong dumating ako dito sa Dubai ay ni isang chat, text o tawag mula kay Ace ay wala akong natanggap. Minsan ay natukso akong i-stalk ang mga social media account niya pero hindi ko itinuloy.
Talagang pinanindigan niya ang sinabi niya na hindi na niya ako guguluhin. Siguro ay tinuloy nila ni Ysa Ang relasyon nila. I never changed my social media account. Pwede naman niya akong i-chat kung gusto niya 'di ba? Sa tuwing sumasagi sa isip ko si Ace ay hindi ko maiwasan ang mangulila.
Self umaasa ka talaga… syempre hindi ka na guguluhin no'n sinabi mong hindi mo siya mahal eh parang Kang tanga…
Sita ko sa sarili.
Panay rin ang chat ni Tacia pero hindi niya binabanggit si Ace. Ang lagi niyang sinasabi ay nag iipon siya para makapag bakasyon dito sa Dubai dahil miss na daw niya ako ka-bonding. Matatagalan pa ang pag-uwi ko dahil kakapirma ko lang ng tatlong taong kontrata. Naisaayos naman agad ang papeles ko dito sa tulong na rin ng mga boss namin. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan, binigyan niya ako ng mabait na amo at kaibigan katulad ni ate Maica. Tacia's sister.