Ace
I was driving when my phone rang and it was Ysa.
"What is it?" walang gana kong bungad sa kanya.
"Puntahan mo ako ngayon." galit niyang utos sa akin.
"Bakit ko gagawin 'yon?"
"Nagkamalay na ang kapatid ko at pangalan mo ang tanging bukambibig niya."
Nagulat ako sa binalita niya. Hindi ko na pala kailangang mag hire ng private investigator. Dahil ako na mismo ang tutuklas sa tunay na pagkatao ng Sharmaine na 'yon.
Pagkasabi ni Ysa sa pangalan ng ospital ay pinatay ko na agad ang tawag dumeretso na ako doon.
Pagdating ko sa hospital agad kong hinanap ang nurse station.
"Miss saan ang kwarto ni Sharmaine Guenzales?" tanong ko sa nurse. Tila natulala pa siya sa akin Bago sumagot. Nag tipa siya sa keyboard at hinanap Ang pangalang sinabi ko sa monitor.
"Room 108 Po sir." sagot niya habang nakatitig sa akin.
"Thank you." Pagkasabi ko noon
Pagdating ko sa kwarto na sinabi ng nurse ay naabutan kong lumuluha si Ysa kaharap ang babaeng tulala at nakatingin sa kawalan. May nurse at doctor na nag e-examine sa kapatid ni Ysa.
Tahimik akong lumapit sa kanila. They didn't notice my presence. Nasa likod na ako ni Ysa at kinakausap ng doktor nang mapasalin sa akin ang tingin ng babaeng nag ngangalang Sharmaine.
"Ace!" sigaw niya. Kaya lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay napatingin din sa akin. Wala sa sariling lumapit ako sa kapatid ni Ysa.
"Ace help me please! Ace help me!" nag hi-hysterical na ang babae. Mukhang takot. Takot na takot. Nang makalapit ako ay agad niyang niyakap ang bewang ko. Gamit ang nanginginig na kamay ay hinaplos ko ang likod niya na para bang sa paraang iyon ay kakalma siya.
Napatingin ako kay Ysa na tahimik na lumuluha, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Sa pagitan ng mga hikbi ay nagsalita ulit si Sharmaine.
"Ace tulungan mo ako binaboy nila ako. Binaboy nila ako." tila batang nagsusumbong ito. Bahagya ko siyang tinulak para matitigan siya sa mukha. Sa kabila ng pangangayayat ay maganda ang babae. Sa sobrang kinis ng mukha niya ay mahihiya ang pimples na tubuan ito.
"Yes I will help you, just calm down ok?"
Napatango ito ng sunud-sunod. Nakayakap siya sa akin hanggang sa nakatulog siya.
"I think your presence helps a lot to calm her down." saad ng doctor na sa akin nakatingin.
Napatango ako.
"She was traumatized before the accident happened." si Ysa habang hinahaplos ang buhok ng kapatid niya. "Ace, I-I need your help, a-and I'm sorry." saad niya sa pagitan ng kanyang pag iyak.
"I will help you, papa imbestigahan ko ang nangyari sa kapatid mo. Sisiguraduhin kong makakamtan niya ang hustisya. Magbabayad ang mga taong nagsamantala sa kanya."
Niyakap ako ni Ysa, "Thank you. Napakabuti mo. I'm sorry for what I did. Jane really deserves you. Kamusta na pala kayo?"
Mapait akong ngumiti, "Not ok, but I'm hoping na maaayos namin 'to."
"Do you need help? I can talk to her."
"No, I can handle this. Alagaan mo si Sharmaine she needs you. Magdadagdag ako ng security para mabantayan kayo. Baka malaman ng mga taong 'yon na gising na siya ay baka may gagawin silang masama para hindi makapag suplong si Sharmaine."
"Ace, thank you. Sa kabila ng ginawa ko sayo nandito ka pa rin tinulungan mo pa rin ako. Magsabi ka lang lahat gagawin ko makaganti lang sa mga mabuting ginagawa mo para sa amin ng kapatid ko."
"Wala kang ibang gawin kundi ang alagaan ng mabuti ang kapatid mo at mag ingat kayo, hindi pa natin alam kung sino ang totoong kalaban."
Jane
This is it. Bukas na ang flight ko. Handa na ang lahat. Nakahiga na ako nang marinig ang ingay sa labas. Malakas na katok sa pinto ang narinig ko.
"Jane mag-usap tayo please." boses ni Ace na sinundan pa ng tatlong sunod-sunod na katok. Hindi ako tuminag at nanatiling nakahiga. Magsasawa din 'yan.
"Jane, bibilang ako ng tatlo! Kapag hindi ka lumabas sa kwartong 'yan sisirain ko ang pinto ng kwarto sa tabi ng kwarto mo! Isa!"
Aba ang gago nagbanta pa.
"Dalawa!"
"Jane please lumabas ka na wala akong pampa-renovate bakla! Sir please naman, ano ba ang linaklak mo baygon? Huminahon ka naman." boses ni Tacia na tingin ko ay inaawat si Ace.
Napabalikwas ako nang marinig ang kalabog sa kabilang kwarto. Napa takbo ako para buksan ang pinto ng kwarto ko.
"Ano bang problema mo!? Kung lasing ka umuwi ka na at matulog ka! Hindi 'yung nangbubulabog ka dito!"
"Jane mag usap tayo hear me out please–”
""Hindi tayo mag uusap dahil wala tayong pag uusapan. Buo na ang desisyon ko..I'm leaving. Ayoko na. Tapos na tayo. Kaya please lang umuwi ka na." sinadya kong diinan ang bawat salitang binitiwan ko.
"Akala ko ba lalaban tayo? Akala ko ipaglalaban mo ako? Ang hina mo naman baby."
Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig.
"Hindi ako mahina! Ang lakas ko nga e! Dahil kaya ko pang huminga kahit durog na durog na ako! Naging mahina lang ako noong nabulag ako sa pagkukunwari mo." sigaw ko sa kanya.
"Do you love me?" nakatitig siya sa aking mga mata. Hindi agad ako makasagot sa tanong niya. Muntik pa akong mapatango.
"Aalis ako pero sa isang kondisyon, titigan mo ako sa mga mata ko at sabihing hindi mo ako mahal. Kapag nagawa mo iyon aalis ako at hindi na kita guguluhin."
May parte ng isip kong gustong umurong pero nanaig ang kagustuhan kong magpaka layo-layo para na rin sa katahimikan ng konsensya ko.
Buong tapang akong nag angat ng tingin at tinitigan siya sa kanyang mga mata.
"H-hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita minahal. Kaya umalis kana."
Ang paligid ay tahimik. Ang mga pinsan ni Tacia maging siya ay hindi nakapag salita at palipat-lipat ng tingin sa amin ni Ace. Mapait siyang ngumiti, sandali niya akong tinitigan at laglag ang balikat na tumalikod. Walang lingon na naglakad si Ace palabas ng bahay at umalis nang hindi nag iwan ng kahit na isang kataga.
Walang imik akong pumasok sa kwarto ko at tahimik na umiyak. Ang puso kong durog ay tila dinurog ulit ng pino dahil sa sakit. Kung sana lang nagkakilala kami sa ibang sitwasyon na walang ibang madadamay at masasaktan. Kayang-kaya kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal.