Jane
Sobrang nakakapagod ang maghapong pila sa mga ahensya na napuntahan ko. Ang hirap pero tiniis ko ang init at pagod. Swerte nga lang dahil lahat ng opisina na pinuntahan ko ay may libreng merienda. Naalala ko pa kanina nang may mag abot sa akin ng tubig at biscuit.
"Hindi po ako bibili kuya." saad ko sa lalaking nag abot sa akin ng tubig at biscuit.
"Miss hindi ko binebenta 'yan, tulad mo lang rin ako na nakapila dito. Inabot lang sa akin 'yan para sayo. Meron din ako." tinaas pa n'ya ang hawak niyang tubig at biscuit para makita ko.
"Ganun ba? Sino po ang nagbigay kuya?"
"Ang sabi, galing daw sa opisina birthday raw ng isang empleyado kaya may palibre."
"Ah." napatango ako sa kanya. Iginala ko ang aking paningin sa mga tao sa paligid at lahat nga sila ay may hawak na tig iisang bottled water at biscuit. Ang iba ay nagsisimula ng kumain. Maaga akong nag almusal at tanghali na kaya kumain na rin ako wala naman sigurong lason 'to.
Nagbibiruan pa ang mga kasama kong nakapila na sana daw ay araw-araw ganito. May libreng merienda.
Hindi ko natapos ang mga requirements ko. Ilang araw ko pa 'yong lalakarin. Balak kong umuwi saglit sa probinsya para makapag paalam sa mga magulang ko na mangingibang bansa ako.
Kababa ko lang ng traysikel nang makita ang isang sasakyan sa tapat ng bahay nila Tacia.
Nagkibit balikat lang ako at dinaanan ito. Baka bisita ng mga pinsan ni Tacia.
Diretso na sana ako sa kwarto na inookupa ko nang madaanan ko sa sala si Ace, prenteng nakaupo at nanonood ng tv. Napapikit ako ng mata dahil na naman sa inis, hindi siya pinansin. Ngunit pinigilan niya ako pagkakita sa akin.
"Baby, how's your day? Can we talk please?"
"We don't need to talk. Ace pwede ba umalis ka na."
Nakita ko ang panlulumo niya.
"You're securing requirements? You're going abroad? Iiwan mo ako?" sunod-sunod na tanong niya na puno ng pagdaramdam. Siya pa talaga ang may hinampo.
"Ano ang pakialam mo ha? Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin dahil buhay ko 'to. Wala kang karapatan na tanungin ako ng mga gan'yan dahil wala akong obligasyon sa'yo. Kaya pwede ba umalis ka na. Alis!" sigaw ko sa kanya.
Nag angat siya ng tingin at tumango. I saw his eyes turn red. Naiiyak siya. Pagtalikod niya ay nanlumo ako.
Hindi ko gustong pag salitaan siya ng masasakit, ayokong sigawan siya. Ngunit kung 'yon lang ang tanging paraan para ma paalis ko siya ay gagawin ko.
Natatakot ako. Natatakot ako na kapag lagi siyang nasa harapan ko ay baka mayakap ko siya at tanggapin ulit.
Hindi pwede, may girlfriend siya. Hindi man siya mahal ni Ysa ay still may pananagutan pa rin siya dito lalo na sa kapatid niya.
Ang gulo na ng buhay ko at lalong gugulo kung ipipilit namin ang isa't-sa.
Hindi ko maiwasang mapaluha lalo na nang marinig ko ang ugong ng sasakyan palayo indikasyon na umalis na siya.
Pagkatapos ng dinner kinausap ako ni Tacia.
"Bakla sorry ha. Ang kulit Kasi ni boss. Alam mo bang maghapon wala 'yan sa opisina. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong pasakayin sa sasakyan niya ang sabi ay ihahatid daw niya ako. Hindi na ako makatanggi sis libreng sakay din 'yun eh."
"Maghapon siyang wala? Saan daw nagpunta?"
"Ay wow, interested parang hindi sinaktan 'te?"
Napanguso ako. Saan naman siya nagpunta maghapon?
"Hanggang ngayon nga wala siyang sekretarya eh. Nag resign na rin si Janette magpinsan pala sila ng gf ni boss." para akong dinaganan ng hollow block sa dibdib nang marinig ang huling sinabi ni Tacia. "Gf ni boss." That means it's not me.
"E sino ang inutusan niya? Sinong gumawa ng trabaho ko?"
"Ako. Kapag may kailangan siya ako ang tinatawagan. T'saka hindi siya pumasok sa office eh."
"Baka busy sa girlfriend niya." Napanguso ulit ako.
"Lagi daw sa hospital. 'yon ang sesmes sa office."
Natahimik ako. Lagi siya hospital? Lagi niyang binisita ang magkapatid? So ano ang ibig sabihin ng lagi niyang pagpunta dito para pestehin ako? Parte na naman ng pagkukunwari n'ya? Nag ngitngit ang kalooban ko sa isiping 'yon.
Malapit na ang flight ko. Umuwi ako sa amin sa probinsya para magpaalam sa magulang at mga kapatid ko. Naging payapa ang mga nagdaang araw sa akin dahil walang Ace na nangbulabog sa akin. Though nakikita ko ang sasakyan niya sa labas ng bahay ni Tacia pero hindi siya nagpupumilit para kausapin ako. Hindi rin siya pumasok ng bahay. Para siyang spy na nagmamasid lang. Lagi rin siyang may dalang bulaklak para sa akin at ipinapaabot niya ito sa mga pinsan ni Tacia. Hindi ko iyon tinanggap sa halip ay pinamimigay ko ito kay Kate o sa iba pa niyang pinsan.
"Ilang taon ang kontrata mo doon anak?" si Nanay na naghahalo ngayon ng ulam na nakasalang sa kalan. Dito muna ako mamalagi. Luluwas na lang ako isang araw bago ang flight ko. May konti pa naman akong ipong pera para sa gastusin habang nandito ako sa probinsya.
"Depende po 'nay. Kapag po may mahanap akong trabaho doon o magustuhan ng magiging amo ko ang serbisyo ko baka doon ko na po i-process ang papeles ko habang hindi pa nag expire ang tourist visa ko."
"Hindi ba delikado 'yan anak?" sa tono ng pananalita ng nanay ko ay halatang nag aalala siya.
"Nay h'wag po kayong mag alala. Nangako po ang kapatid ng kaibigan ko na tutulungan niya ako. Magtiwala lang po kayo."
"May tiwala naman ako sayo anak. Pero bakit kailangan mo pang lumayo eh may trabaho ka naman na sa Maynila 'di ba?"
Natigilan ako sa tanong ni Inay hindi ko nga pala nasabi sa kanila ang tunay na dahilan kung bakit ako umalis sa DSCORP.
Napa kamot ako sa aking pisngi "A-ano kasi 'nay nag resign na 'ko sa trabaho kasi mas malakai po ang sahod sa ibang bansa. Hindi lang po double 'nay triple pa."
"Malaki nga ang sahod malayo ka naman sa amin."
Napayakap ako sa likod ng aking Ina.
"Sus nag drama ka pa 'nay e, para namang hindi ako nalayo ng ilang taon sa inyo. Isipin n'yo na lang po na mag aaral ako ulit sa Maynila."
Napa buntong hininga ang nanay. "Basta mag ingat ka doon. Pupunta ka sa lugar na hindi mo pa napuntahan. Makakasalamuha mo ang mga taong hindi mo kilala. Ang tanging maipapayo ko lang sayo anak ay huwag ka agad magtiwala kahit kanino. Sa Diyos at sa sarili mo lang dapat magtiwala hmmm?"
"Yes po 'nay. Matic 'yan Inay. Huwag po kayong mag alala para sa ikaaahon ng buhay natin lahat po gagawin ko."