Chapter 26

1115 Words
Jane Hinatid kami ng mga pinsan ni Ysa sa bahay ni Tacia. Nagpasalamat kami sa kanila at maging sila ay gano'n din at humingi rin sila ng paumanhin dahil naging marahas sila sa pag papasakay sa amin sa kanilang sasakyan. Bilang ganti ay nilibre nila kami ni Tacia ng dinner. Late dinner na kasi hating gabi na kami nakauwi. Masaya sila kasama kahit papaano ay nabawasan ang galit sa dibdib ko. Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan dahil sinasakyan nila ang mga biro ni Tacia. Panay kantyaw sila sa isa't-isa lalo na nang maalala nila ang kanya-kanyang itsura kanina. "Ang hirap pala maging kidnapper," si Gino ang pinakabata sa kanila "Ang hirap magseryoso." sinundan niya ng tawa ang sinabi niya. "Hirap kang magseryoso kasi, pati sa sarili mong buhay hindi mo alam paano magseryoso." si Romeo ang tinaguriang Mr. Suplado. "Si kuya, game na game kina-career talaga ang pagiging kidnapper." si Shawn kapatid ni Romeo. "Wait nasaan na pala ang mga baril ninyo kanina?" Tanong ko kay Gino ang pinaka masayahin at maingay sa grupo nila. "Ito ba?" sabay abot sa akin ang isang riffle. Umiling ako at nag atubiling abutin iyon. " Huwag kang matakot hindi tunay 'to ginagamit namin 'yan kapag naglalaro kami ng airsoft. Napataas ako ng kilay "Ibig sabihin nalinlang n'yo kami?" "Mismo, sorry Miss beautiful. Napag utusan lang, alam mo na blood is thicker than ano na nga ba 'yon?" tanong ni Gino. "Water bobo. Huwag na kasing mag English kung hindi kaya." si Shawn. "Wow maka bobo ka, parang hindi tres ang grado mo, pasalamat ka patay na patay sayo ang propesso– aray!" hinimas ni Gino ang balikat niyang sinuntok ni Shawn. "Ka lalaking tao chismoso." nakangusong sabi ni Shawn. "Bakit totoo naman ah." hirit ni Shawn. "Enough, stop being immature. Pag umpugin ko kayo." babala ni Romeo the suplado. Natameme naman ang dalawa at hindi na nagbangayan pa. Nagkibit balikat lang si Kevin at mukhang may ka-chat sa kanyang phone. Nangingiti ako habang pinapanood sila. Mukhang isang salita lang ng pinaka matanda sa kanila ay titigil agad sila. Mapang asar sila ngunit likas sa kanila ang pagiging disiplinado. Tacia guided Romeo on our way to his house. Nang marating namin ang bahay ni Tacia ay bumaba na kami, bumaba rin sila para ihatid kami sa gate. "Paano ba 'yan mauuna na kami, pasensya na ulit Jane, Tacia." hinging paumanhin ni Romeo. "Ok lang Romeo basta kung kailangan mo ng Juliet on call ako." kinikilig na suhestyon ni Tacia. Ngumisi naman si Mr. suplado. "Oo ba, jamming tayo next time." sang ayon naman ni Kevin. "Ay bongga! Pero saka na mga pogi. Broken ang kaibigan ko kailangan ko pa siyang damayan. Sige na gora na kayo at gabi na. Ingat kayong lahat mamahalin ko pa kayo char." Natawa naman silang lahat except Romeo na tipid lang ang ngiti. "Bye, sorry ulit ha." sabi ni Shawn. "Bye, ingat kayo." kumaway ako sa kanila bago magsara ang pinto ng van. Sa kabila ng sama ng loob, sakit sa dibdib at pagod ay hindi pa rin ako makatulog. Sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko mapigilang maluha. Awang-awa ako sa sarili ko. Napabangon ako ng maalala ang pamilya ko. Paano na sila ngayon? Wala na akong trabaho. Sobrang kapal na lang ng mukha ko kung babalik pa ako sa DSCORP. Nang makabalik si Tacia sa kwarto galing sa labas ay nakita niya akong nakaupo at nakasandal sa head board ng kama. "Sis anong plano mo ngayon?" tanong niya. Napa buntong hininga ako bago sumagot "Mag hahanap ako ng trabaho. Ayoko nang balik sa DSCORP." "Saan ka maghahanap ng trabaho?" "Kahit saan, basta sa malayo. Malayo kay Ace. Kung pwede nga lang magpunta sa ibang bansa." "Gusto mong mag abroad? Sakto, ang ate ko naghahanap ng kasama pansamantala." Namilog ang mga mata ko "Talaga saan bakla. Gogora ako." "Sa Dubai, 'yong mga amo niya kasi aalis. Wala siyang makasama sa boutique na pinagtatrabahuhan niya kasi isasama raw ng amo nila ang isa nilang kasama. Sure ka gusto mo? Tatawag ko na walang bawian?" "Go bakla. Sure na sure. Kailangan kong kumita kahit broken ako noh. May pamilya akong kailangan suportahan." "Diyan ako bilib sa'yo bakla, kahit nasasaktan malakas pa rin ang fighting spirit mo." Tipid akong ngumiti sa kanya. Kung alam mo lang Tacia kung gaano kasakit. Pakiramdam ko durog na durog ako. "Siya matulog na tayo at maaga pa tayo bukas. Mag process ka na ng papers mo para makalipad ka kaagad. Makaka-move on ka do'n bakla maraming daks doon." "Pupunta ako doon para mag trabaho hindi para maghanap ng daks bakla." "Oo na, sleep na, hagardo versoza na 'yang beauty mo." Kinabukasan maaga akong umalis. Iniwan ko si Tacia sa bahay dahil mamaya pa ang pasok niya sadyang inagahan kong gumayak para makauna sa pila. Kailangan kong makakuha ng passport sa lalong madaling panahon. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng trysikel nang biglang may humigit sa braso ko. Napasigaw ako sa gulat ngunit bigla ring natigilan dahil naamoy ko ang pamilyar na pabango. Kay Ace ang pabango na 'yon. Pag angat ko ng aking mukha ay hindi nga ako nagkamali. "Bitiwan mo nga ako!" asik ko at binawi braso ko hawak niya. "Baby mag-usap tayo, I will explain everything to you. Hear me out please." nagsusumamo ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa dahil bakas sa mga mata niya ang pagod at kawalan ng tulog. Self tatagan mo. Huwag kang marupok. Sita ko sa aking sarili. "Wala ka nang dapat ipaliwanag. Sinabi na lahat sa akin Ysa. Kaya huwag ka nang mag aksaya ng panahon. Tapos na tayo." mapait akong ngumiti. "Sorry for being assuming, Wala palang tayo kasi ginamit mo lang ako." "Baby Hindi ganun 'yon,–" "Ganun 'yon! P*tang!na ginawa mo akong parausan!" "Baby mahal kita maniwala ka." namumula ang kanyang mga mata. Napailing ako, ang mga luha ko ay nag unahan nang malaglag "Hindi, Hindi mo ako mahal. Mahal mo ang sarili mo lang. Kasi kung mahal mo ako iniisip mo muna ang kahihinatnan ng mga desisyon mo. Nanahimik ako Ace e. Tahimik ang buhay ko pero ginulo mo." "Baby, sorry. Aayusin ko 'to. Aayusin ko ang lahat please huwag mo akong iwan." "No Ace. Itigil na natin 'to." saktong may dumaang traysikel sa harap namin agad ko itong pinara. Humarang siya sa daraanan ko. "Baby–” naputol ang sana sasabihin niya dahil tinulak ko siya. Sumakay ako sa traysikel. "Manong sa sakayan ng jeep po. Bilis manong." "Sige po mam." Nang makalayo kami ng konti ay lumingon ako sa likod. Nakahinga ako nang maluwag dah nakita kong hindi siya sumunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD