Chapter 25

1137 Words
Jane Agad kong sinalubong ng yakap si Tacia pagka baba niya ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mapa hagulhol, hinimas himas niya ang likod ko habang ako ay humihikbi sa kanyang balikat. "Sige sis, iiyak mo lang 'yan. Nandito ako makikinig ako sayo." pag aalo niya sa akin. Laking pasasalamat ko talaga kay Lord dahil wala man ang pamilya ko at ang mag inang Joy at nanay Marina ay may Tacia akong masasandalan. "Niloko niya ako Tacia. Pinaglaruan ginawang parausan. Ano'ng kasalanan ko? Nanahimik ako eh pero bakit? Ang sakit, ang sakit-sakit bakla. Feeling ko durog na durog ako." himutok ko habang humahagulgol. "Sis, sa pag-ibig Hindi naman puro kaligayahan. Mapanakit din minsan ang magmahal." Hindi pa ako tapos mag-emote nang biglang may pumaradang van sa harap namin bumaba ang dalawang armadong lalaki. Nakasuot sila ng black jacket at black denim pants naka bonet din. "Sakay!" sigaw ng isang lalaki sa amin. Nagpalinga-linga ako para sana humingi ng tulong pero tinulak ako ng lalaki papasok sa sasakyan. Kasunod na tinulak si Tacia. "Sino ba kayo? Anong kailangan n'yo sa amin? Wala kaming pera-" "Alam ko, hindi pera ang kailangan namin sa'yo!" pagpuputol sa akin ng lalaking nanulak kay Tacia. Wow mapanghusga. "E mamang pogi, kung hindi pera ang kailangan n'yo sa amin ano?" tanong ni Tacia ramdam ko ang panginginig niya, dahil siguro sa nakikita niyang mga baril na hawak ng mga dumukot sa amin. "Huwag niyo po kaming gahahasain ha? Diyos ko hindi ako prepared." takot na takot siya habang nakayakap sa braso ko. Natawa naman ang dalawa sa apat na lalaking dumukot sa amin. Ang isa ay nakaupo sa passenger katabi ang driver. At ang dalawa ay pinagitnaan kami ni Tacia. "Hoy bakla tumahimik ka nga." saway ko kay Tacia at binalingan ko ang lalaking seryosong nakaupo sa tabi ng driver. "Kung hindi naman pala pera ang habol n'yo sa amin, bakit nyo kami dinukot? Anong kailangan n'yo?" "Just wait, napag utusan lang kami. Gusto ka lang niyang kausapin at pagkatapos ay ihahatid rin namin kayo sa bahay n'yo." sagot ng lalaking katabi ko. Nagtanggal na rin siya ng Bonet. Halatang hindi sila sanay sa mga ganitong gawain. Napansin ko na pati ang ilan ay nagtanggal na rin sila ng Bonet. Teka, bakit lahat sila gwapo? Hindi mukhang kidnapper. Mukha silang rakista. Paglingon ko kay Tacia ay tulala din siya habang nakatitig sa mga lalaking dumukot sa amin. "Hoy laway mo." bulong ko pa sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin abala siya sa pag titig sa mga kalalakihang naghuhumiyaw sa kagwapuhan. "Sino naman ang gustong makipag usap sa akin?" mataray kong tanong. "You'll find out later when we get there." sagot naman ng driver. Kung hindi ako nagkakamali ay mga nasa mid twenties ang mga ito, sa itsura nila ay halos mga kaedaran lang namin ni Tacia. Pumarada ang sasakyan at pinalabas kami. Nagtaka ako dahil sa isang ospital kami tumigil. "Follow me, and please don't make any violent move. Kung hindi ay malilintikan talaga kayo." Babala na naman ng lalaking mukhang pinaglihi sa sama ng loob. "Sayang ang gwapo pero suplado" bulong ko kay Tacia. "Oo nga, parang nang jojombag ang itsura kapag ginalit." Sumunod kami sa kanila habang naglalakad ay panay ang bulungan namin ni Tacia. "Bakla hindi kaya kakatayin tayo dito tapos kukunin ang internal organs natin?" agad namilog ang mata ni Tacia dahil sa narinig mula sa akin muntik pa akong humagalpak sa tawa dahil sa reaksyon niya. Namumutla ang bading nanlambot pa yata ang tuhod niya kaya napahawak sa akin. "Bakla huwag kang magbiro ng gan'yan, hindi nakakatuwa." "Take it easy, joke lang 'yon huwag kang kabahan dahil kung delikadong tao sila ay bakit nila tayo dadalhin dito sa mataong lugar?" Pagbukas ng elevator ng hospital ay tinungo namin ang isang kwarto. "Room 108.” sabay pa kami ni Tacia. Unang pumasok ang lalaking suplado naiwan muna kami ni Tacia sa labas kasama ang tatlo pang lalaki. Palihim kong sinuri ang kanilang kabuuan. Walang tapon, lahat may maipagmamalaki. "You can now get inside. Ikaw lang." turo sa akin ni Mr. Suplado. "Ah excuse me Mr. Pogi, how about me?" "Hindi ka kailangan doon." sagot ni Mr. Suplado na halatang pinilit lang magtagalog. Sinulyapan ko muna si Tacia, tumango naman siya sa akin. Tinungo ko ang pinto at pinihit ang serradura. Bumukas ito. Sumilip ako sa loob at nangunot ang aking noo. Isang babaeng nakaratay ang bumungad sa akin. Walang malay at ang daming iba't-ibang aparato ang nakakabit sa kanyang katawan particular sa kanyang ulo at bunganga. Tahimik sa loob at tanging buga ng aircon at tunog ng mga machine ang maririnig na ingay sa loob. "Come in." Napapitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nabaling ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. "Ysa?" gulat kong tanong. "Yes, ako nga. Pinakuha kita sa mga pinsan ko dahil may gusto akong ipakilala sa'yo. Anyway sinaktan ka ba nila?" "Hindi naman, teka naguguluhan ako sino siya? Bakit ako nandito?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa babaeng nakahiga sa kama. "She is Sharmaine, my half sister. Pinakuha kita para ipakilala sa kanya. Jane, she has been in a coma for almost 4 years, dahil kay Ace." "What? How?" gulat na tanong ko. Habang nagkukwento si Ysa ay walang tigil sa pag agos mga luha niya. Nakaramdam ako ng awa 'di lang kay Sharmaine kundi pati sa kanya. Sobra niyang mahal ang kapatid niya to the point na isakripisyo niya pati ang sarili para lang makaganti kay Ace. "Pinapunta kita dito para hindi kaawaan kaming magkapatid. I brought you here to warn you. Habang maaga pa lauyan mo na si Ace. Hindi siya makakabuti para sa'yo." "Don't worry, dahil sa ginawa niya sa akin ay lalayuan ko na talaga siya." tila may dumagan sa dibdib ko nang sandaling sabihin kong lalayuan ko na si Ace. Bakit parang hindi ako kumbinsido. Ibiniling ko ang aking ulo para mawaglit ang isipin 'yon. "Jane, I just want to apologize for what I've done a while ago. Nadala lang ako sa emosyon ko. Ace also admitted that he used you to take revenge on me. Ginamit ka niya para pagselosin ako at mapauwi ako." Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa mga rebelasyon ni Ysa Ako? Ginamit lang para gumanti? Anong maling nagawa ko sa nakaraan ko para maranasan ang lahat ng ito? Kotang-kota na ako ngayong araw. "Meron pa ba?" wala sa sariling bulong ko. "Ang alin?" balik tanong ni Ysa. "Baka may idadadag ka pa sa mga rebelasyon mo, ilapag mo na para isang bagsakan na lang." nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ko alam kung dahil sa gutom pagod o galit. Parang akong nasusuka, naninikip ang dibdib ko. Sobrang sama ko na ba para gamitin niya? "Jane, I'm sorry. Masakit pero kailangan mong malaman ang katotohanan." Ang sakit, walang kasing sakit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD