#####Chapter 24
Ace
Gusto kong manakit, hindi gusto kong pumatay. Halos nagdilim ang aking paningin nang makita ko ang namumulang pisngi ni Jane. Hinayaan ko siyang umalis. I know she needs space. Pahuhupain ko muna ang galit niya. Kailangan ko munang harapin si Ysa pagkatapos ay magpapaliwanag ako sa kanya. Sasabihin ko na siya ang mahal ko.
"Kaya pala hindi kita matawagan at mahagilap busy ka pala sa ibang babae at sa sekretarya mo pa."
"Bakit 'di ba ganun ka rin?" napamaang siya sa tinuran ko. "Tama ako 'di ba? Masisi mo ba ako kung sa iba ko naramdaman ang pagmamahal na dapat ay binigay mo bilang girlfriend ko? Every year asang-asa ako na uuwi ka, na uuwi ka sa akin. Pero ano ang naging dahilan mo? I'm busy, tiis muna tayo hindi pa ako handa. Ysa I was waiting for a long time. Lagi mong sinasabi na busy ka sa career mo pero ibang lalake ang kina-career mo. Pinag mukha mo akong tanga!"
"Masakit? Gaano kasakit ang pag mukhaing tanga?" mapait siyang ngumiti. I can't understand her point.
"How dare you asking me like that!" I shouted. Halos mag ngitngit ako sa pinaghalong inis at galit. May gana pa siyang magtanong ng gano'n?
"Ang galing 'no? Gagantihan mo dapat ako pero hindi mo alam na ako din gumaganti sayo."
"What do you mean?" naguguluhan ako sa mga tanong niya.
Naglakad siya palapit sa akin at inilapit ang mukha niya.
"Darling, do you remember the girl named Sharmaine Guenzales?"
"No, sino naman 'yon?" walang gna Kong tanong. Tila nag apoy ang mga mata niya sa tanong ko.
"Ganyan talaga kayong mga lalake kapag hindi ninyo sineryoso ang isang babae ang bilis n'yong makalimutan." pilit kong inalala ang pangalan na 'yon ngunit wala talaga akong maalala na kilalang babae na nagngangalang Sharmaine Guenzales.
"What are you talking about? Pwede ba sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para matapos na."
"Sharmaine Guenzales is my half sister. Siya na lang ang pamilya meron ako. Pero nakikipaglaban siya sa kamatayan hanggang ngayon nang dahil sa'yo!" bulyaw niya sa akin na nanginginig ang boses.
"What? Dahil sa akin? I don't know what you are talking about."
"Yes! dahil sa'yo na depressed ang kapatid ko hanggang sa hindi na niya makayanan at muntik na niyang kitilin ang sarili niyang buhay!" naluluha ang mga matang sigaw niya sa akin. inalala ko ulit ang pangalan na iyon ngunit hindi ko talaga siya maalala.
"Noong nalaman ko na ikaw ang dahilan ng depression niya ay pinagplanuhan ko nang mapalapit sayo. Hanggang sa naging magkarelasyon tayo. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang makita kang nasasaktan. Ang makita kang magmukhang tanga katulad ng ginawa mo sa kapatid ko. Ang makita kang iniwan ng taong mahal na mahal mo katulad ng pag iwan mo sa kapatid ko."
"Pwede ba linawin mo dahil hindi ko alam ang pinagsasabi mo."
"Sharmaine was deeply in love with you. Dahil sa sobrang pagkahumaling niya sayo ay sinusundan ka niya kahit saan ka magpunta. Akala ko noong una ay paghanga lang ang nararamdaman niya sa'yo hanggang sa naging obsession na. Obsessed siya sa'yo to the point na tumatakas siya sa gabi para llang makapunta sa bar na lagi mong pinupuntahan. Isang umaga naging matamlay siya at hindi na siya makausap ng maayos. Noong nalaman niya na ipapatingin ko siya sa doctor ay tumakas na naman siya hanggang sa mabangga sa malaking puno ang kotse'ng minamaneho niya. She was in coma until now." Ang mga mata niya ay nanlilisik na nakatitig sa akin "
Siguraduhin kong hindi ka babalikan ni Jane. Siguraduhin ko na hindi ka na babalikan ng babaeng pinakamamahal mo tandaan mo 'yan!" pagbabanta niya sa akin bago umalis.
Matagal nang nakaalis si Ysa ngunit Nagpa balik-balik pa rin sa isip ko ang mga rebelasyon n'ya. Ilang beses kong inalala ang mga babaeng naka one night stand ko pero wala talaga akong maalalang Sharmaine. Maybe I was drunk that time but hindi ko naman inaasahan na may aabot sa pagpapatiwakal nang dahil lang sa labis na pagkahumaling sa akin. Number one rule ko sa mga babaeng nakaka one night stand ko or sa mga fvck buddy ko na no string attached.
Napa hilot ako sa aking sentido sobrang dami ng mga pangyayari ngayong araw. I'll call Jigs. My private investigator. Ipapahanap ko ang babaeng 'yon.
Papaimbestigahan ko ang Sharmaine Guenzales na 'yon. Kailangan kong alamin kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito.
I dialled Jane's number. Nag ring ng tatlong beses ngunit bigla itong namatay. Tinawagan ko ulit ngunit hindi na ito ma contact.
Bakit nga naman niya ako sasagutin? Galit sa akin 'yon. I decided to leave. I need to explain everything.
Pagdating sa condo wala akong naabutan. Nandoon ang mga damit niya pero wala siya. Naghintay ako, nag babaka sakali na uuwi din siya. I tried to call her many times pero nanatiling out of reach ito. Hanggang sa hatinggabi na ay wala pang Jane na dumarating. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Where did she go? Naisip ko ang dati niyang inuupahan.
Nag desisyon akong puntahan iyon ngunit bigo akong mahanap siya doon. Dahil ayon sa landlady nila ay mag mamula noong umalis si Jane ay hindi pa raw ito nagagawi doon.
Laglag ang balikat na umalis ako sa lugar. Wala akong alam na kamag anak niya dito. Tanging si Joy lang ang alam kong malapit sa kanya. Hindi ko naman pwedeng tawagan siya dahil baka mag alala lang 'yon.
"Baby, nasaan ka na ba?" bulong ko habang nagmamaneho ako.
Sumagi sa isip ko si Tacia. One of my employees na malapit kay Jane. I stalk his account and luckily nakalagay doon ang address niya. Medyo malayo pa dito sa kinarororonan ko ang bahay niya pero ok lang basta malaman ko kung nasaan si Jane at kung ligtas ba siya. Pagdating ko sa subdivision ay hindi ako pinapasok ng guard dahilan nila dis oras na ng gabi at walang order na papasukin ako. Kahit nakiusap ako na may kakausapin lang ako ay hindi pa rin ako pinayagang makapasok.
"Bumalik na lang po kayo bukas sir. Pasensya na po ginagawa lang po namin ang trabaho namin at sinusunod lang po namin ang patakaran ng subdivision." magalang na turan ng guard.
"Sige po chief salamat na lang." tumango ang guard bilang tugon umalis ako sa lugar nila Tacia at umuwi na ng condo.