Jane
Pagkarating ko sa condo ay agad akong nag empake. Una kong kinuha ang mahahalagang papeles meron ako. Inilagay ko iyon sa aking bag pack. Kumuha ako ng ilang pares ng damit at underwear saka isiniksik ulit sa loob ng aking bag. Tumutulo ang aking luha habang ginagawa ko iyon. Matapos akong mag empake ng ilang gamit ay muli kong pinasadahan ng tingin ang condo. Impit akong napa hagulhol dahil lilisanin ko na ang tinuring kong tahanan na saksi sa aming pag iibigan? Or Should I say aking katangahan! Marahan kong hinaplos ang sopa na lagi naming tambayan kapag wala kaming pasok sa opisina. The place we cuddle everytime we watch tv. And then I saw the kitchen beside me, I remember those days while I'm cooking and he is hugging me behind and kissing my nape and the side of my neck. Hindi ako makapaniwalang lahat ng iyon ay pagkukunwari lamang.
Nakaka g**o lang, Kasi nanahimik ako eh bakit ako pa. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Everytime he is with me para bang may misteryo. I feel something strange, I had an instinct before thet there is something I need to know about him. Unti-unti ko siyang nakilala ngunit bakit hindi ko nahalatang may nobya pala siya?
Letseng buhay 'to sumpa yata sa akin ang mga mayayaman lagi na lang nila akong sinasaktan, kung alam ko lang na masasaktan ulit ako 'di sana jumowa na lang ako ng basurero.
Para akong baliw na nakangisi habang lumuluha dahil sa naisip. Nagpunas ako ng luha at nagmadaling lumabas ng condo nang maalala ko na baka masundan ako ni Ace. Patakbo akong lumabas at tinungo ang fire exit. Kapag gagamit ako ng elevator there is a tendency na makita o maabutan niya ako sa lobby. Dito na lang ako sa fire exit dadaan dahil my connecting door siya palabas ng building. Dahil sa poot at labis ng galit ay mabilis kong tinahak ang hagdan pababa. Kahit nag emote ako kanina, mabuti na lang at naisipan kong magpalit ng sapin sa paa at naisuot ko ang flat shoes ko kaya mas napabilis ang aking paghakbang pababa dahil komportable ang aking mga paa.
Pagdating ko sa baba ay nakasalubong ko ang guard. Ngumiti siya kaya pilit ko rin siyang nginitian at kaswal na tumingin sa kanya.
"O Mam, bakit po kayo dito dumaan? Sira po ba ang elevator?" tanong ni manong guard sa akin.
"Ah, h-hindi po kuya, ano po kasi...puno po kasi at nagmamadali po ako. K-kailangan ko kasing bumalik agad sa opisina."pagdadahilan ko.
Napa tango-tango ang gwardya kaya nilampasan ko ito. Agad akong pumasok sa loob ng taxi na naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala naman akong kamag anak dito sa Maynila. Hindi ako pwedeng pumunta sa dati naming inuupahan dahil baka masundan ako ni Ace doon. Malayo na ang tinahak ng taxi na sinakyan ko nang tanungin ko si manong driver.
"Manong saan po 'yong sinasabi ninyong lugar ng mga malulungkot?"
"Hindi ko naman masasabing lugar 'yon ng mga malulungkot lang iha. Lugar din iyon ng mga taong masaya, nangangailangan, naguguluhan, problemado at mga taong gustong magpasalamat."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pati si manong magulo din kausap. Kalahating oras na kaming nasa byahe nang ihinto niya ang sasakyan. Napa angat ako ng tingin at nakita ko na tumigil kami sa harap ng isang simbahan.
"Bakit po tayo nandito?"
"Iha, ito yung lugar na sinasabi ko. Lahat ng dinadamdam mo, lahat ng mabigat na dinadala mo ay ibahagi ko sa kanya. Magpaubaya ka sa kanya at magtiwala. He will lead you to the right way."
Ay, bongga nag English si manong driver. Na realize ko tama siya. Kailangan kong magdasal sa kanya at magtiwala.
"Salamat po manong ha. Mag-ingat ka po." pagka abot ko ng bayad ay ngumiti muna sa akin ang driver at kumaway bago umalis.
Pumasok ako sa simbahan at umupo sa pinaka sulok na bahagi sa tabi ng bintana. Umupo ako at umusal ng maikling dasal. Bumalong na naman ang luha ko ng mapa dako ang mga mata ko sa altar ng simbahan.
Naalala ko ang pagpapahiya sa akin ng girlfriend ni Ace. Ang mga masasakit na salita na binitiwan niya laban sa akin. Lalong bumuhos ang luha ko nang maalala ang pag amin ni Ace kanina na totoo nga na nobya niya ang babae.
Anong masamang nagawa ko para maranasan ang lahat ng sakit na ito? Hindi naman ako masamang tao, nakikipag away ako minsan pero pumapatol lang ako kapag alam kong dehado ako.
Ilang oras na ang nakalipas mula ng mangyari ang gulo sa opisina ngunit Hanggang ngayon ay hindi pa ako tinatawagan ni Ace.
Luka-luka ka ba? Bakit ka niya tatawagan eh nandyan na ang totoong girlfriend, pinaglaruan ka lang niya remember?
Saad ng kabilang bahagi ng aking isipan
Natigil ako sa aking pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang telepono ko kinuha ko ito mula sa aking bulsa at nang tingnan ko ay si Tacia ang tumatawag.
"Hello."
"Hello sis, nasaan ka? Ok ka lang ba? Huwag kang mag bibigti ha?" bungad ni Tacia. Eksaherada ang bakla na ikina kunot ng noo ko.
"Hoy! Tacio ano bang pinag sasabi mo?" Mahinang saway ko sa kanya dahil nasa loob ako ng simbahan.
"Pasensya ka na ha, nag aalala lang kasi ako sayo e." mahinahong sagot niya.
"Nakauwi ka na ba?" tanong ko ulit kay Tacia.
"Hindi pa nandito ako sa comfort room baka kasi may makarinig kapag sa office ako." sagot naman niya.
"Tacia please help me. Wala akong matutuluyan." pagsusumamo ko at ang luha ko ay nagbabadya na namang bumalong.
"Oo, pero asan ka nga ba?"
"Nandito ako sa simbahan."
"Sige, I'll call you later. Mag-iingat ka."
"Tacia please don't tell to anybody where I am specially Ace."
"Don't you worry sis. Ok na bye na I'll call you ingat ka." Paalam niya.
"Thank you bakla I love you."
"Eww." maarteng sagot niya. Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil binigyan ako ng tunay at maaasahang kaibigan.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Tacia ay nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako nakakain ng pananghalian. Lumabas ako ng simbahan at naghanap ng makakainan. Nakakita ako ng isang fastfood restaurant sa di kalayuan. Nilakad ko nalang ang daan patungo doon dahil malapit lang naman.
Pagpasok ko sa kainan ay agad akong um-order ng pagkain. Pumwesto ako sa gilid at tagong bahagi ng fast food restaurant na iyon. Umupo ako at nagtanggal pansamantala ng sapatos para makapag pahinga ng maayos ang mga paa ko at sumandal sa upuan habang hinihintay ang order ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Sobrang nakakapagod at nakaka stress ang mga kaganapan ngayong araw. Palubog na ang araw nang nakatanggap ako ng text galing kay Tacia. Sinabihan niya akong magkikita na lang kami sa paradahan ng jeep papasok sa kanilang subdivision. Agad akong nag reply sa kanya na papunta na ako doon. Palabas na ako ng kainan ng tumunog muli ang phone ko. It was him. Pinatay ko ang tawag at pinatay ang phone ko saka ko na lang ito bubuksan kapag nasa lugar na ako ng tagpuan namin ni Tacia.