Chapter 22

1029 Words
Jane Hindi pa ako nakakahuma sa mga salitang una niyang binitawan ay muli na naman siyang nagsalita. "This slut is living in my boyfriend's condo. O 'di ba? Hindi lang malandi? Mapagsamantala pa." ang mga ka trabaho ko ay sa akin nakatingin ang iba ay hindi makapaniwala at ang iba naman ay nakatingin sa akin na nakiki simpatya. "I'm not a slut. Hindi totoo 'yan!" asik ko. "Itinatanggi mo? Totoo namang malandi ka! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo landiin ang boss natin. We have proofs na sa condo nga niya ikaw nakatira." si Janette. Alam niya? Paano? Pilit kong inalala kung paano niya nalaman hanggang sa mapag tagpi-tagpi ko ang ang lahat. Ngayon malinaw na sa akin kung sino ang babaeng nakabangga ko. Kung bakit pamilyar sa akin ang babaeng 'yon. Si Janette pala. Kasabwat siya ni Ysa. Siya ang nagmamanman sa akin. Niloko ako ni Ace. Tama si Tacia. Hindi ko pa siya gaanong kilala. Niloko niya ako. Pinaglaruan, ginawang parausan. Isang malutong na sampal ang natanggap ko galing kay Ysa. Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay napabaling ang mukha ko sa kabilang direksyon. "Ysa!" isang baritono at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong opisina. Kahit hindi ko lingunin ang mukha ng taong iyon ay kilala ko kung sino siya. Si Ace. "How dare you! Wala kang karapatan na saktan siya!" Hinila niya si Ysa sa isang tabi pagkatapos ay ako naman ang hinarap niya. "Are you ok baby?" tanong niya na hinaplos ang pisngi kong namamanhid na pakiramdam ko nga ay namumula na. Imbes na maiyak ay natawa ako. "Nakita mong sinampal ako tapos tatanungin mo ako kung nasaktan ba ako? Bobo ka ba!? Pero ok lang ako. Ngayon tatanungin kita at sana sagutin mo ako ng maayos. Totoo ba na girlfriend mo ang babaeng 'to?" biglang na tahimik ang buong silid kung saan ang opisina namin lahat ay nag aabang ng isasagot ni Ace. Lalong uminit ang ulo ko dahil wala akong makuha na sagot mula sa kanya kaya inulit ko ang tanong ko. "Ace uulitin ko baka hindi malinaw ang unang pagkasabi ko. Girlfriend mo ba ang babaeng ito? Oo o Hindi?" Halos manginig ang boses ko sa diin ng pakakasabi ko sa tatlong huling salitang binitiwan ko. "Oo." Nanginginig ang boses na pag amin niya. Sari-saring reaksyon ng mga ka trabaho ko ang narinig ko may mga napa oh, may ilang napabuga na lang ng hangin. Si Janette ngiting-ngiting kasama na niya ngayon sa tabi niya ang babaeng girlfriend ng boyfriend ko "baby let me explain." Hinawakan niya ang kamay ko ngunit tinabig ko ang kamay niya. "How dare you! Anong karapatan mo para paglaruan ako? Sa dinami-dami ng babaeng gagaguhin mo bakit ako pa? Anong kasalanan ko sayo!?" dala ng galit ay dinuro-duro ko ang dibdib niya na para bang sa pamamagitan niyo ay mawawala ang sakit pero bigo ako. "Tama na 'yang drama Ace let's talk." boses ni Ysa na tila nanood lang ng boring na palabas. Ningon siya ni Ace para at sinagot niya ito. "Maghintay ka. Talagang mag uusap tayo." Galit niyang duro kay Ysa. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para umalis sa office. Dinampot ko ang bag ko at walang sabi-sabing lumayas sa opisina. Hiyang-hiya ako sa mga tinging ipinupukol ng mga katrabaho ko may ilang nakatingin sa akin na bakas ang awa sa ekspresyon ng kanilang mukha ngunit mas lamang ang mga katrabaho kong tinitigan ako nang may panghuhusga. Narinig ko pa ang sigaw ni Ace. "Jane, wait!" "Ace don't you dare follow her. I swear you will taste your own medicine." pagbabanta ng girlfriend niyang hipon. Magsama kayong dalawa mga bwisit kayo. Lakad takbo ang ginawa ko pagkababa sa building. Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon ko. Sa loob ng sasakyan nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko nang papaalis ang taxi na sinakyan ko. Tanging hikbi ko ang maririnig sa loob ng taxi. Nang mapansin ko ang panaka nakang tingin ng ng driver sa rare view mirror ng sasakyan ay nag punas ako ng luha. "Pasensya ka na manong ha. Huwag naman sanang malasin ang taxi n'yo dahil sa pag iyak ko." Natawa ang driver sa sinabi ko "Ok lang iha, sige iiyak mo lang 'yan. Hindi ko man alam ang dahilan ng pag-iyak mo ay malalampasan mo yan." Muli na namang tumulo ang luha ko buti pa ang driver may malasakit sa akin. "Lagi mong tatandaan na kung may lugar ang mga taong masaya may lugar din ang mga taong malungkot." "Saan 'yan manong?" "Wala ka na bang ibang pupuntahan bago kita dalhin doon?" sandali akong nag isip. Ayokong umuwi sa condo ni Ace alam kong baka ngayon ay sinusundan na niya ako. Hindi niya ako pwedeng masundan. Hindi niya pwedeng malaman kung nasaan ako. Ayoko siyang makita kahit makausap sobrang sakit ng dibdib ko. "Manong daan po muna tayo sa condo may kukunin ako'ng mahalagang gamit doon." "Sige mam, ikaw ang bahala." "Jane na lang po manong." medyo gumaan ang pakiramdam ko. Panay kwento si manong driver. Mga inspiring stories na pinagdaanan niya sa buhay. Tama siya, kung iyong iba nga raw halos kasing bigat ng mundo ang problema Hindi sumuko ako pa kaya na pag ibig lang. Oo madaling sabihin pero ang hirap gawin. Ang maalaala nga lang ang panloloko niya parang sinaksak na ang dibdib ko sa sakit. Pinagsabay niya kami ang galing niya. Ang galing niyang magkunwaring mahal niya ako. Iyong mga paglalambing niya, pagiging possessive niya, yung pagiging protective niya ibig bang sabihin palabas lang niya 'yon? Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Buong buhay ko puro paghihirap ang pinagdaanan ko pati ba naman sa buhay pag-ibig parusa pa rin? Napatigil ako sa pag iisip nang biglang tumigil ang taxi nasa harap na ako ng building kung saan ang unit ni Ace. "Manong pakihintay po ako may mahalaga lang po akong kukunin sa loob. Mabilis lang po ako." Hindi ko na hinintay ang sagot ni manong driver. Agad akong tumakbo papasok sa loob ng building patungo sa elevator. Nagmamadaling pinindot ko ang floor kung nasaan ang unit niya sa takot na baka madatnan ako ni Ace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD