Chapter 21

1070 Words
Jane This morning I feel strange. Ace is out of town again. Ang paalam niya sa akin ay may aasikasuhin siyang mahalagang bagay tungkol sa negosyo ng pamilya nila. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin paglabas ko ng unit. Naglalakad ako papuntang elevator ng mabangga ako sa balikat ng isang babae. Nagulat ako sa lakas ng impact ng pagbangga niya. Nagmamadali ito at hindi man lang humingi ng paumanhin. Nahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ng mabuti ang kabuuan ng babae habang palayo ito. Hindi siya gaanong matangkad. Hindi ko mawari kung sexy ang pangangatawan niya dahil nakasuot ito ng maong na pantalon at large hoody jacket na sobrang haba at abot hanggang hita. Naka sneakers siya at naka cap din. "Huh? Naka jacket ang init? Takot sa sinag ng araw?" bulong ko sa sarili habang nakamasid pa rin sa babae. Lakad takbo ang ginawa niya para agad makalapit sa elevator. Huli na nang makita ko ang mukha niya dahil bukod sa pumwesto ito sa pinaka likod na bahagi ay sakto ring nagsara ang lift. "Bakit parang familiar siya sa akin? Para bang nakita ko na siya?" bulong ko ulit sa sarili. Pagbukas ng lift ay agad kong pinindot ang ground floor. Nagbabakasakali na sana ay mahabol ko pa ang babae. Habang nasa loob ng elevator ay may naalala ako. Hindi lang ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Kakaiba, na para bang laging may nagmamasid sa akin. Katulad na lang nang minsang nasa grocery ako. Pakiramdam ko may nakasunod sa akin ngunit kapag luminga-linga ako ay wala namang tao sa likuran ko. Noong una ay nagkibit balikat lang ako dahil baka guni-guni ko lang. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay napapadalas ang kakaibang nararamdaman ko. Paglabas ko ng lift ay agad akong nagmasid sa paligid. Pasimple kong inikot ang paligid na kunwari ay naghahanap ng trash can. Nagpa ling-linga pa ako sandali sa paligid ngunit hindi ko na mahagilap ang babae. Nang wala na akong makita ni isang bakas ng niya ay umalis na ako doon at pumara ng taxi papasok sa opisina. Maging sa loob ng taxi ay nagbalik sa aking isipan ang pagbangga ng babae sa akin. Ilang ulit akong nag-iisip dahil para bang sinadya niya kung paano niya ako banggain. Who is she? "Ma'am nandito na po tayo." untag ng driver sa akin. Napasilip pa ako sa labas ng taxi at totoo nga, nasa labas na kami ng DS Corp. Agad kong inabot ang bayad sa taxi driver at bumaba na. Palaisipan pa rin sa akin ang babae maging sa opisina. Kanina pa ako kinukutuban sa hindi malamang dahilan. Napapitlag ako nang marinig ko ang phone ko. Si Joy ang nag text at nangangamusta. I replied and said that I'm ok. Sumapit ang tanghalian sabay kami ni Tacia na kumain sa cafeteria. Panay ang daldal niya ngunit wala sa kanya ang konsentrasyon ko. I can't move on. My mind is still occupied with what happened earlier. Ang mga pangyayari nitong mga nakaraan na binalewala ko ay pilit kong pinagtutugma. Ngunit bigo ako na maalala kung ano ba ang itsura ng mga nakasalamuha ko that time. "Sis, lutang ka?" tanong ni Tacia na kinalabit pa ako sa tagiliran kaya naman napalingon ako sa kanya. "Ha?" balik tanong ko. "Ay huwag mo na palang sagutin alam ko na confirm lutang ka nga. Bakit may gumugulo ba sa isip mo? Hindi mo na ba makayanan ang laki ni Sir?" ang huling tatlong salita na binitawan niya ay pabulong at kami lang ang nakakarinig at dahil do'n ay namilog ang mata ko. "Bakla hindi. Ano ka ba?" Pinalo ko siya sa braso sabay irap sa kanya. "E ano nga?" naka irap din siya at nakahalukipkip pa. "Nitong mga nakaraang araw kasi I felt something weird." "Hala bakla baka buntis ka na!" sigaw niya at pinanlakihan pa ako ng mga mata. "Gaga hindi! Bunganga mo ipreno mo naman." awat ko sa kanya at umasta naman siyang itikom ang bibig. "In this past few days or weeks I think. Mula noong lumipat ako sa condo ni Ace, feeling ko may nagmamasid sa akin. 'Yon bang laging may naka sunod pero kapag lumingon ako sa likod ko wala naman." "Baka may multo." namilog ang mata niya habang sinsabi iyon. "Alam mo minsan wala kang kwentang kausap. Wala kang naiambag na tamang opinyon e." Napa kamot si Tacia sa kanyang pisngi. "Eh baka guni-guni mo lang 'yon marami naman talagang tao sa mga lugar na pinupuntahan mo e. Or 'di kaya may iba si sir? Palagay mo?" Lalo akong naiinis sa sagot niya. "Hindi ka ba talaga titigil sa mga sagot mong walang kwenta?" "Sis, easy. Let me ask you this. Do you have any assurance? Proofs or whatever na magpapatunay na ikaw lang talaga sa buhay niya? Do you know his family? Do you know him personally?" Ako naman ngayon ang hindi makasagot. Bigla akong napipi at iniintindi isa-isa ang mga tanong ni Tacia. He's right, kilala ko ba talaga ng lubusan si Ace? Kahit na nagpapatawa si Tacia ay hindi ko magawang sakyan ang mga kwelang kwento niya my mind is occupied with his questions. Hanggang sa makarinig kami ng mga yabag papalapit sa amin. Huminto ito sa harap ng table ko. Isang matangkad, maputi, sexy at mala dyosa sa ganda ang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ng red fitted dress na hanggang hita ang iksi nito. Wearing a 4 inches black stilleto. Agaw pansin din ang branded bag niya na kumikinang ang strap. Nakahalukipkip siya parahap sa akin. "Ikaw ba si Jane Cruz?" mataray niyang tanong. "Yes mam. And you are?" sagot ko at matamang nakatitig sa mukha niya. She's beautiful but her eyes is full of sadness and… hates? I think. Lumapit siya sa akin at nagsalita ulit. "Do you really want to know who I am?" tila may pang uuyam niyang tanong. "Kaya nga tinatanong ko 'di ba?" balik tanong ko. Medyo hindi ko Nagustuhan ang tono ng babaeng 'to. "Well siguro panahon na para malaman mo, ah hindi lang pala ikaw." Lumingon siya sa mga katrabaho ko at tinawag ang kanilang pansin kung kaya lahat sila ay napalingon sa direksyon namin. "Dapat rin nilang malaman. Everyone! I am Ysa girlfriend ni Ace!" Ang mga salitang binitiwan niya ay parang kutsilyong na tumusok sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga. Napipi bigla at pilit iniintidi ang mga pinagsasabi ng babae sa harap ko. Ysa? Girlfriend ni Ace?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD