Chapter 20

1194 Words
Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko may nagmamasid sa akin habang natutulog. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang sumagi sa isip ko na baka may nakapasok dito sa loob ng condo nang hindi ko namalayan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Muntik pa akong mapasigaw nang may bulto ng tao sa aking harapan. Nakatayo ito at hindi gumagalaw. Dali-dali kong inabot ang lampshade at ini-on iyon. Nang magkaroon ng kaunting liwanag ang paligid ay naging malinaw ang itsura ng lalaki sa aking harapan. Si Ace! Nakapamulsa habang naka ngiti sa aking harapan. "Bakit ka ba nanggugulat?" asik ko sa kanya. Sapo-sapo ko pa rin ang aking dibdib. "Bakit naman kita gugulatin? Ang tahimik ko nga e. Hindi ka nga nagising kaninang pumasok ako." nakangiti siya habang nakatitig pa rin sa akin. "Bakit 'di mo ako ginising? Mukha kang multo d'yan." Sabi ko habang naka nguso. "Gwapong multo," nakangisi pa siya "Hindi na kita ginising kasi tulog na tulog ka." sagot niya habang lumalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at niyapos ang aking bewang. He rested his chin in my shoulder. Napakapit naman ako sa kanyang braso at hinaplos-haplos iyon. "Kanina ka pa dumating? Bakit 'di ka tumawag?" tanong ko habang nakayakap na rin sa kanya. Oh God, I miss this man! "Kararating ko lang." saad niya at hinalik halikan ako sa noo. "Kumain ka na?" "Hmm hindi pa." "Halika na sa kusina ipagluluto kita. Anong gusto mong kainin?" "Ikaw." nakangisi siya at hindi pa rin tumatalima kahit hinihila ko na siya patayo. "Gutom ka na siguro Ser. Umandar na naman 'yang kapilyuhan mo. Ano nga ang gusto mong kainin?" pangungulit ko. "Sandwich will do baby. Huwag ka nang magluto gabi na." "Sure ka?" "Yeah." "Ok, ipaghahanda kita. Magpalit ka muna ng damit mo sunod ka nalang sa kitchen." Tumango siya bilang tugon. Iniwan ko siya para ipaghanda siya ng makakain. Gumawa ako ng egg sandwich. Sakto may natira pa na nilagang itlog kanina kaya yun na lang ang ginawa ko. Mahaba ang naging byahe niya at alam kong gutom na s'ya. Patapos na ako sa aking gingawa nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa likuran ko. "Umupo ka na do'n. Patapos na ito." sumunod naman siya at umupo sa center island. Pinagtimpla ko siya ng juice at pinood siyang kumain. "Gusto mo?" alok niya sa tinapay. Napangiti ako habang naiiling. "Tapos na akong kumain." Napansin kong nangingiti siya habang kumakain. "You look so happy." puna ko sa kanya. "Yes I am, I'm very very happy." "Dahil tagumpay ang businesses trip mo?" "Yeah, pero hindi lang 'yon. Masaya ako na pinagsisilbihan ako ng babaeng importante at nagpapasaya sa akin. Sana hindi ka magsawa sa akin baby. I'm hoping na kapag dumating 'yong time na subukin tayo ng tadhana kasama kitang lumaban." ang ekspresyon ng kanyang mukha ay punung-puno ng sinseridad. "I will. Promise." Natulog kami nang magkayakap ni Ace. Walang saplot at tanging kumot lang ang tumatabon sa hubad naming katawan matapos pagsaluhan ang mainit naming pag-iisa. Kapwa kami sabik sa ilang araw na pagkawalay sa isa't-isa. Paggising ko ay wala na si Ace sa tabi ko. Nauna na siguro siya sa opisina. Papunta na sana ako sa banyo nang makita kong umilaw ang phone ko. May message na dumating galing iyon kay Ace. Baby, nauna na ako sa office. Matulog ka muna alam kong pagod ka. 'Love you. Nag-init ang mukha ko pagkabasa sa text niya. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at napasapo ako sa aking noo. "Sh*t! Alas nwebe na ng umaga!" sigaw ko at dali-daling nagtungo sa banyo para maligo. Pagdating ko sa opisina ay parang W wala lang sa mga katrabaho A ang late kong pagpasok. Nadaanan ko si Janette na busy sa kanyang monitor. Nang mapansin ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Napailing na lang ako at binale wala ang pagtataray niya. Apaka bitter ng babaeng 'to kulang yata sa dilig. Speaking of dilig naalala ko na naman ang pagniniig namin ni Ace kagabi. May pagka rough siya kagabi. Halos tumalsik ako sa lakas ng pagbayo niya sa akin mula sa aking likuran. Panay rin ang hampas niya sa pisngi ng aking pw8tan na nakakadagdag sa init na aking nararamdaman. Kaya medyo nananakit ang katawan ko pagkagising ko kanina. Mapanakit. But I enjoyed it. Dala siguro ng pananabik niya sa akin. Nagulat ako ng may pumitik sa harap ng mata ko. Si Tacia pala na nakapamewang sa harapan ko. "Ano ba?" asik ko at nag tuloy tuloy sa desk ko. "Anong ano ba? Ako yung panay ang tanong sa'yo kanina pero tulala ka." nag init ang pisngi ko. Dahil sa pagbabalik tanaw sa mga kaganapan kagabi ay hindi ko namalayan na malapit na pala si Tacia sa akin. "A-ano ba ang tinatanong mo?" pag iiba ko nang usapan. "Sinabi kasi ni Sir na male-late ka kasi may importante ka raw nilakad." Sabi ni Tacia. Ang kumag na 'yon pinagtatakpan pa talaga ako. Pero ok na rin at least hindi niya sinabi ang tunay na dahilan na tulog pa ako dahil sa pagod. *Ah, ano kasi… nagpadala ako ng pera sa remittance. Oo nagpadala ako ng pera kasi kailangan ng kapatid ko sa school." "Ah ganun ba? Akala ko na over slept ka. Baka kako na pagod ka kagabi-" "Anastacio!" babala ko sa kanya. Nag peace sign naman siya at bumalik na sa table niya. Minasahe ko ang aking pisngi. Feeling ko sinilaban ang mukha ko. Ang init. OMG! Kung alam ko lang na gigisahin ako ni Tacia sana natulog na lang ako maghapon. Napabaling ako sa intercom nang mag ring ito agad kong dinampot at sinagot ang tawag. "Hello." "Come to my office, baby." namilog Ang mata ko nang marinig ang boses ni Ace. "Ok Sir." sagot ko. Luminga-linga muna ako sa paligid ko bago tumayo. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'to. Pagpasok ko ay agad niya akong hinila upang yakapin. "How's your sleep hmmm?" saad niya at inamoy Amoy Ang buhok ko. "Bakit hindi mo ako ginising? Ayan tuloy na late ako." nakanguso ko pang reklamo. "Bakit kita gigisingin kung alam kong ang sarap ng tulog mo. Alam ko pagod aray-" daing niya dahil agad ko siyang kuinurot sa tagiliran. "Bibig mo itikom mo." babala ko at pinandilatan siya. Nagpakawala siya ng malutong na halakhak at hinuli ang bewang ko upang yaposin. Inilapit niya ang bibig sa aking tenga at saka bumulong. "Totoo naman 'di ba? You were tired last night, that's why you overslept." nakangisi pa siya kung kaya ang dugo ko ay para bang nagsi akyatan sa ulo ko. Akma ko siyang susuntukin ngunit maagap ang mga kamay niya at hinuli ang kamay ko. Tawang-tawa pa rin siya. "Hindi ka titigil?" tinaasan ko siya ng kilay. "Oo na, titigil na. Kain ka na alam kong 'di kapa nag almusal." hinila niya ako sa mini living room ng kanyang office. Nakahain doon mga in-order niyang food. Kumalam ang sikmura ko pagkakita sa mga pagkain. We ate together. Hindi pa rin siya tumitigil sa pang-aasar. Patingin tingin sa akin pagkatapos ay pangiti ngiti. Binalewala ko na lang dahil sa mga oras na ito ay mas nangingibabaw ang gutom kesa ang makipag asaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD