Jane's POV
Mahigit isang linggo ng wala si Ace dito sa Pilipinas. Mayroon siyang business trip sa ibang bansa. Ayaw sana niyang umalis, katwiran niya ay wala raw akong kasama. Ayaw niya akong iwan mag-isa sa condo. Pinilit ko siyang dumalo dahil importante ito para sa business niya. Kailangan niya na ma meet ang mga foreign investors at mahikayat na mag invest sa kanyang kumpanya. I assured him that I'm ok while he is away from me.
Ang dami niyang habilin bago siya umalis. Para siyang tatay na nag bibilin sa kanyang anak bago ito umalis papunta sa malayong lugar. Sa mga panahong kasama ko siya nakilala ko ang tunay niyang pagkatao.
He is sweet. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na ako ang una niyang priority. He even ask me what I want to eat, at kapag sinabi ko naman ay agad niyang binibili. He is super caring. Lagi niyang tinatanong kung ok lang ako. Kung may nararamdaman ba ako. Ace is also possessive. He always check the clothes I wear. If it is seductive or daring. Agad niya akong pinag papalit ng damit. Hindi na rin niya ako kasama sa mga meetings niya lalo na kung pawang mga lalaki ang ka kikitain niya. Katwiran niya baka hindi siya makapag focus sa meeting niya kapag may mga nakatitig na ibang lalaki sa akin. "Baka maka bugbog pa ako ng tao." he always said.
Siyempre, kapag sinasabi n'ya 'yon kulang nalang mangisay ako sa kilig. Tila may nagwawala sa bituka ko kapag nagseselos siya. Sadyang ang haba lang ng hair ko.
"Sis, baka gusto mong i share kung bakit ka nangingiti?" untag ni Tacia sa akin. OMG! Nahuli niya yata akong naka ngiti mag isa.
Tumikhim ako at pinag taasan siya ng kilay.
"Bakit masama bang maaalala ang mga magandang nakaraan?" pagdadahilan ko.
"Tss, nakaraan ba talaga ang iniisip mo o ang kasalukuyan?" nakangiting panunukso niya pa sa akin. D*mn. "Any way sis, birthday ng pinsan ko mamaya. Sa inuupahang bahay namin siya magse-celebrate. Join ka na please. Doon kana mag overnight. Promise walang boys doon." pangungumbinsi niya sa akin.
"Walag boy? So, hindi ka kasama?" nakangiting pang aasar ko.
"Syempre kasama ako sis, babae ako." nakairap niyang tugon sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Ok, pupunta ako. Pero uuwi muna ako para makakuha ng damit ko pamallit."
"Sige, sabay na lang tayo sa pag uwi."
Pagkatapos ng aming trabaho ay sinamahan ako ni Tacia sa condo para magpalit ng damit at kumuha ng extra para pamalit sa bahay nila.
Alam kong marami siyang tanong ngunit mas pinili na lamang niyang manahimik. Pagdating namin sa bahay na tinutuluyan ni Tacia ay pinakilala niya ako sa mga pinsan niya. Tama nga si Tacia pawang mga babae ang kasama niya sa bahay.
"Sis, siya nga pala si Kate, pinsan ko. Siya ang birthday celebrant. Kate si Jane nga pala ka trabaho ko. " pagpapakilala ni Tacia.
"Hi, nice to meet you Jane." nakangiting saad ni Kate at inilahad ang kamay niya.
"Happy birthday Kate." pagbati ko at inabot ang kamay niya para makipag daupang palad.
"Feel at home Jane huwag kang mahihiya. Maraming pagkain sa kusina. Couz, ikaw na ang bahala kay Jane pupuntahan ko lang ang mga kasama ko likod ng bahay. Jane kain lang kayo ha?" pagpapaalam ni Kate.
"Sige couz, gora kana." taboy naman ni Tacia kay Kate. Ako naman ay nakangiting kinawayan si Kate.
Hinila ako ni Tacia sa kusina. Kumuha siya ng dalawang pinggan at inabot sa akin ang isa. Maraming nakahain na pagkain sa lamesa. May iba't-ibang putahe ng karne. May spaghetti, pancit, pizza at barbecue din na sa hinuha ko ay binili nila sa labas.
Dalawa lang kami ni Tacia sa kusina dahil lahat sila ay tapos nang kumain at nag-iinuman na sa likod bahay.
"Sis, tapatin mo nga ako? May relasyon ba kayo ni boss?" direktang tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakahuma dahil sa pagka bigla. Napayuko ako dahil hindi ko na pwedeng ikaila.
"Sis, huwag kang mahiya. Kung sa tingin mo ay ipagkakalat ko ang mga nalalaman ko tungkol sa inyo. Hindi ako ganun."
"Tacia, ayoko lang kasi na husgahan ako ng ibang tao." nakayukong saad ko.
"So, kayo nga?" tanong ulit niya.
Napatango ako at nag angat ng tingin sa kanya. "Tash, promise me that you won't tell to anybody please." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Promise sis. Cross my heart." maarteng turan niya kaya napangiti ako.
"Thank you." saad ko.
"Sis?" hirit ulit ni Tacia.
"What?" Tanong ko.
"Malaki ba?" Nakangising tanong niya.
Naibuga ko ang laman ng aking bibig dahil sa tanong ni Tacia. Ubo ako ng ubo at namumula na ang aking mukha dahil sa pagka samid. Tawa ng tawa ang bakla habang nagsasalin ng tubig sa baso at inabot sa akin. Tinanggap ko ang baso at ininom ang lamang tubig.
"Ok ka na?" nakangisi pa ring tanong ni Tacia.
"Bakla naman eh! Ang dami mong pwedeng itanong 'yon pa talaga?" sikmat ko sa kanya.
"Bakit pulang pula ka? Siguro Malaki talaga noh?" pangungulit pa rin niya.
"Syempre namula ako kasi nasamid ako. Kumain ka na nga. Kung anu-anong lumalabas d'yan sa bibig mo. Nasa harapan tayo ng pagkain." palusot ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
Kung alam mo lang kung gaano kalaki bakla!
Sigaw ng malandi kong isipan.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami ni Tacia. During his college days ay sila na pala talagang magpipinsan ang magkakasama sa bahay na ito. Bale apat sila ngunit nasa Dubai na ang ate ni Tacia kaya tatlo na lang sila dito. Si Tacia, Kate at ang isa pa nilang pinsan na hindi ko pa nakikita. Ang sabi ay wala pa ito galing sa trabaho dahil pinag overtime daw.
Pagkatapos naming kumain ay naki join kami sa mga katrabaho ni Kate. Hindi ako malakas uminom kaya pinili ko ang light drinks. Nakikinig lang ako sa mga topics na pinag-uusapan nila.
Natigil ako sa pagtawa ng biglang mag vibrate ang phone ko aking bulsa. Agad akong tumayo nang makita ang pangalan ni Ace sa screen ng phone ko. Sinenyasan ko si Tacia na sasagutin ko lang ang tawag at tumango naman siya.
"Hello, kumusta ka?" bungad ko sa kanya.
"Baby, I miss you." saad niya sa kanyang boses na paos at mukhang kagigising lang.
Me too baby, God knows how much I miss you.
Saad ng malandi kong isipan.
"I miss you too. Kailan ka uuwi?" Tanong ko.
Napabuntong hininga siya bago magsalita. "The day after tomorrow." Matamlay na sagot niya sa akin.
"Huwag ka nang malungkot malapit ka naman ng umuwi eh."
"Tss ilang araw lang kitang hindi nakikita parang parusa na para sa akin–" naputol ang kanyang sasabihin marahil ay narinig niya ang tawanan ng mga katrabaho ni Kate. "Where are you?" tanong niya.
"Nandito ako sa bahay nila Tacia. Birthday ng pinsan n'ya kaya inimbita ako." sagot ko.
"You attend a party without telling me?" tanong ulit niya. Pakiramdam ko para akong teen ager na pinapagalitan ng kanyang tatay dahil lumayas ako ng hindi nagpapaalam. Imbes na kabahan ay parang kinilig pa ako. Napangiti ako.
"Hindi na ako nagpaalam kasi akala ko busy ka Sir. Tsaka huwag kang mag alala puro kami babae. Walang lalaki dito." pangungumbinsi ko.
"You're considering Tacia as a girl huh? Are you gonna spend the night there? Saan ka matutulog? Sino ang katabi mo?" sunod-sunod na tanong niya hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin. Natatawa na lang ako sa inasta niya.
"Dito po ako matutulog. May extra naman silang room dito na gagamitin ko. Uuwi po ako bukas." Sagot ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Ok ingat ka. Behave and don't drink too much ok? Don't talk to another man and think of me." lihim akong natawa sa huli niyang sinabi. Umo-o na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Nag-paalam na kami sa isa't-isa at bumalik na ako kay Tacia na kasalukuyang naghahalo ng inumin.