Chapter 18

1110 Words
Chapter 18 Jane's POV Hawak ni Ace ang kamay ko at inalalayan ako papasok sa private plane na pag aari ng kanyang pamilya. Naka agapay pa rin siya sa akin hanggang sa nakaupo ako. Habang nasa ere kami ay naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa balikat ko. Nakasuot ako ng damit ngunit dama ko ang init ng kanyang mga palad. Panaka naka rin siyang humahalik sa buhok ko. Tiningala ko siya at sakto sanang hahalikan niya ulit ang ulo ko nang sa bibig ko tumama ang mga labi niya. That was a light kiss. Napangiti ako habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha. Moreno si Ace, hindi siya maputi ngunit makinis ang kanyang balat lalo na ang kanyang mukha. Matangos ang ilong at ang kanyang nagngangalit na panga ay lalong nakakaakit para sa akin. Kung ihahambing ko siya sa mga action star ay medyo hawig niya si Cesar Montano na medyo suplado. "Stop staring, this handsome face is all yours baby." Saad niya na parang nag pipigil na naman ng ngisi. "Huwag mo akong simulan. Baka hindi mo magugustuhan kapag gumanti ako." Pagbabanta ko sa kanya. "Hmm, what will you do then if I annoy you?" "Hindi ka makakaisa." "Hindi talaga ako makakaisa" natigil siya sa pagsasalita dahil tinaasan ko siya ng kilay "dahil makaka dalawa ako." Napa awang ang aking bibig sa kanyang tinuran. Talaga namang napaka lakas mang asar ng kumag na 'to. Wala akong panalo. "Asa ka!" Natawa na naman siya. Kahit lagi niya akong inaasar hindi ko maiwasang mahawa sa kanyang tawa. Hindi ko alam na my side pala siya ng pagiging sutil. Sa biglang tingin ay makikita mong napaka seryoso niyang tao. Suplado dahil bihira siyang makipag usap sa kanyang mga empleyado. Nagsasalita lang siya kapag may mahalagang sasabihin or my concern. Napakaarogante. Kapag galit siya nakakasindak siya kung sumigaw. But behind those negative traits I found about him. I also found out his soft sides. Pala ngiti at pala tawa din pala ito. Tuwang tuwa siya kapag nanalo siya sa mga asaran namin. Maraming beses yata akong maninibago sa mga matutuklasan ko tungkol sa pagkatao niya. But it's ok for me, I'm willing to spend my time with him. I'm willing to be always surprised by seeing him doing things that I can't imagine that he would do. Bumalik ako sa realidad ng magsalita siya. "Baby." "Hmmm?" "Can I sleep with you tonight in your condo?" "Ace, you don't have to ask permission from me. That's yours, of course you can spend the night there anytime you want." "No, that's yours already. I'll give it to you." Nagulat ako sa kanyang sinabi napa angat ako ng tingin sa kanya at tinapik tapik ang kanyang pisngi baka nanaginip lang ang mokong na ito at kung anu ano ang lumalabas sa kanyang bibig. Nagulat pa siya dahil sa ginawa ko. "Hey! What are you doing? Bakit mo ako sinampal!?" "Wow sampal agad? 'Di ba pwedeng tinapik ka lang? Baka kasi kako nananaginip ka lang?" "Bakit naman ako nanaginip, hindi naman ako tulog?" "E ano kasi, bakit mo ibibigay ang condo mo? Sinusuhalan mo ba ako?" "Don't raise your eyebrows on me. I'm serious." "At sinong may sabing nag jo-joke ako?" "Hindi kita sinusuhulan if that's what you think. I just want to give everything the best for you." "Because?" "Because your important to me, you mean everything to me. Kung kailangan na ibigay ko sayo pati mundo ko gagawin ko huwag ka lang lumayo sa akin. Baby lahat gagawin ko 'wag mo lang akong iwan." Nag init ang mukha ko dahil sa narinig mula sa kanya. Parang gustong pumilipit ang puso ko at ang tyan ko ay parang hinahalukay dahil sa kilig. Gusto kong mangisay. Never in my entire life even when I'm with Adrian. He never thought me those words that Ace uttered. Sobrang nakakakilabot ang mga salitang binitiwan niya. Kung may ibang babae lang na nakikinig sa mga katagang binitawan niya ay mapapa tili sa sobrang kilig. Ngunit biglang nag iba ang nararamdaman ko. Iba ang level sa tindi ng pagiging seryoso ang mababanaag sa kanyang mukha. Ang panga niyang nagngangalit dahil sa determinasyon. At ang mga mata na nang aarok sa paraan ng kanyang pagtitig. Hulog na hulog na ba siya sa akin? Dahil kung ako ang tatanungin masasabi kong hulog na ako at kung gaano kalalim ay mukhang mahihirapan na akong makaahon. Tumikhim ako para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. "Tuloy pa ba tayo sa opisina Ser?" alangang tanong ko sa kanya habang nakangisi. "Yes, I just need to meet Kim, after that uuwi na tayo sa condo." sagot niya. Napatango ako sa kanyang sinabi. "Anong gusto mong kainin? Pagluluto kita." "Anything, kahit ano naman kinakain ko. Kahit nga ikaw pa." sagot niya ngunit ang huling katagang sinabi niya ay hindi ko masyadong maintindihan dahil halos pabulong na lang iyon. "Ano?" "Wala, sabi ko kahit ano kinakain ko." nakangiting turan niya. Kahit ako ay nahawa na rin sa mga ngiti niya. Kay sarap talaga ng feeling kapag kasama mo ang taong mahal mo. Higit pa sa pakiramdam na nasa alapaap ka kapag kasama siya. Minsan mapapa hiling nalang ako na sana hindi na matapos ang mga sandaling kapiling ko siya. Pagkalapag namin sa Maynila ay dumiretso kami sa DS CORP. He just instructed me to sit down . "Just sit down there and don't do anything. Take a rest. Wait for me until I'm done with Kim." bulong niya sa akin. Napa tango ako bilang tugon at tiuningo ang mesa ko. Nagtama ang paningin namin ni Tacia at tinitigan niya ako ng makahulugan. Para bang pinapahiwatig ng mga titig niya sa akin na mayroon akong dapat ikwento sa kanya. Kinunutan ko lang siya ng noo at nagtungo sa cubicle ko. Pagka lapag ko ng bag ko sa aking table ay nagtungo ako sa pantry para magtimpla ng kape. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Tacia. "Sis, saan kayo galing nag date kayo?" bulong niya sa akin. Agad akong napa linga linga sa paligid at tiningnan kung may tao ba sa paligid. "Anong date pinagsasabi mo? Mamaya may makarinig sayo bakla ka." "So, hindi kayo nag date?" Kunot noo akong umiling iling. "Hindi." "Eh saan kayo galing bakit ngayon lang kayo?" "'Yung pinsan kasi ni Ace- S-sir Ace na doctor ay nangangailangan ng assistant. Hinatid namin si Joy iyong na kwento ko sa'yong nurse na bestfriend ko remember?" "Ah, e bakit kailangang mautal 'te? First name basis na ba kayo ni Sir?" panunukso niya sa akin. Umiling ako sa kanya. Tinalikuran ko siya at pinagtuunan ng pansin ang pagtitimpla ng kape upang maitago ang pamumula ng aking mukha. Sh*t
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD