Chaptter 17

1061 Words
Jane's POV Kinabukasan ay hinatid namin Sina Joy at nanay Marina sa probinsya kung saan nakatira ang pinsan ni Ace na doctor. Sumakay kami ng private plane para mas madaling marating ang lugar. Pagdating sa airport ay may sumundo sa aming Limousine papunta sa bayan ng doctora. Habang nasa byahe ay naka tutok ang paningin ko sa labas ng bintana ng sasakyan. Enjoy na enjoy ang mga mata ko sa mga namamasdang tanawin na aming nadadaanan. Maganda ang probinsya, sariwa ang hangin at maraming tourist destinations. Masasabi kong asensado ang lugar dahil maraming establishment ang nakatayo. May mga malls din sila at ang mga kabahayan ay mararangya din. May mga nadaanan rin kaming palayan at taniman ng iba't ibang klase ng mga gulay at prutas. Anihan na kaya maraming mga track sa gilid ng kalsada para maghakot ng mga produktong ibibyahe pa Maynila at mga karatig lugar. Agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao dito. Papasok na ang sasakyan sa loob ng hindi kalakihang subdivision. Para siyang village na magkakalayo ang mga bahay. May mga bahay na malalaki at may mga bahay na simple lang ang pagkakagawa. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na bungalow type. Hindi kalakihan ngunit hindi naman masikip para sa kanilang mag ina. Sinalubong kami ng isang lalaki na ang tantya ko ay kasapi sa pederasyon ni Tacia. Nagpa kilala siya bilang si Justine. Isa rin siyang nurse katulad ni Joy. Siya ang papalitan ni Joy bilang assistant ni doktora Shiara na pinsan ni Ace. Tulad ko ay naluluha ang mag inang Joy at Nanay Marina nang magpaalam na kami ni Ace. "Beshy, mamimiss kita. Mag ingat ka palagi ha?" saad ni Joy habang yakap ako. "Huwag mo akong alalahanin beshy, ikaw ang mag ingat palagi para sa baby natin." sabi ko habang hinahaplos ang tiyan niya na flat pa lang naman "Hello there baby stay put ka lang diyan ha? Huwag mong pahirapan si Mommy. Your beautiful and sexy ninang is very excited to see you." narinig kong napa hagikgik ang kaibigan ko. Dito ako bilib sa bestfriend ko mabilis pagaanin ang pakiramdam niya. "Basta anak ha, kapag may libreng oras ka dalawin mo kami." saad ni Nanay Marina habang hinahaplos ang buhok ko. "Opo, promise po iyan Nay." saad ko at niyakap siya. Ibinaling ni Nanay marina ang kanyang tingin kay Ace. "Maraming salamat sa tulong mo Ace, tatanawin namin itong malaking utang na loob. Mag ingat kayo sa byahe n'yo pag uwi at sana’y ingatan mo itong si Jane." Agad nag init ang aking pisngi dahil sa huling salitang binitawan ni Nanay Marina. "Nay naman." protesta ko. "Bakit may masama ba sa sinabi ko?" patay malisyang sabi niya. Ang bestfriend ko naman ay abot tenga ang ngiti akala mo hindi nawasak ang puso! "Don't worry po, ako po ang bahala kay Jane. Iingatan ko po siya." saad naman ni Ace. "Ayiiih iingatan ka... raw niya."kanta ni Joy sa akin. "Asus, kung maka kantyaw, parang hindi nakaranas ng heart break." pambubuyo ko sa kanya agad naman siyang napa simangot. Napa salin ang aking tingin kay Ace nang magsalita siya. "Sige po aalis na po kami n Nay Marina, Joy, alagaan mo ang baby mo." "Thank you Sir Ace. Thank you po sa lahat lahat." saad ni Joy. "Salamat Ace, mag ingat kayo." segunda naman ni Nanay Marina. "Walang anuman po. Sige mauuna na kami. Justine please take care of them and be nice to them." baling niya kay Justine. "Don't worry po sir I'll take care of them sir. Ikaw pa ba?" maarteng sabi ni Justine. Kumaway ako sa mag ina bago sila talikuran. Pinauna ako ni Ace na sumakay sa sasakyan pagkatapos ay sumakay na rin siya. Umupo siya sa aking tabi at agad akong inakbayan. Sumandal ako sa kanyang dibdib at hindi na napigilan ang maiyak dahil sa kalungkutang nadarama dahil sa pagkawalay ko kina nanay Marina at Joy. Hinawakan nya ako sa aking baba at inangat ang aking mukna. "Why are you crying hmmm?" "Nalulungkot lang ako kasi mawawalay na talaga ako sa kanila." "Shhh, stop crying ang pangit mo kapag umiiyak ka." Napa awang ang aking bibig sa kanyang tinuran. Nagpakawala siya ng mahinang halakhak ng makita ang reaksyon ko. Hindi ko maiwasang hampasin siya sa kanyang dibdib dahil sa pagka pikon. "Wow, hiyang hiya ako sa kagwapuhan mo Sir." irap ko sa kanya. Tawang tawa ang kumag sa akin habang nakakunot ang aking noo at naka nguso. "Talagang gwapo ako. Kaya ka nga nahumaling sa akin e." kagat kagat niya ang kanyang labi habang kumindat kindat ang isa niyang kilay kaya lalo akong nairita. Katakot takot na irap ang ginawa ko sa kanya. Kesa maasar sa kanya ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa bintana ng sasakyan. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga nadadaanan naming lugar. Ilang minuto pa lang ang nakalipas ng hapitin niya ako sa baywang at ilapit ako sa kanyang katawan. Wala sa sariling tiningala ko siya. He caresses my cheeks and he brushes his thumb on my lips. "Dont worry too much ok? I'm here willing to take care of you. I will protect you, and I promise to do everything just to make you happy. Kaya huwag ka nang malungkot hmm?" Napatango ako at wala sa sarili na inabot ang kanyang batok. Then his lips meet mine. Our kissing deepens. Nakakaliyo, nakakalasing ngunit bigla ko siyang natulak nang ma realize ko na hindi lang kami ang tao sa sasakyan! May driver pala kaming kasama what the f*ck! "You missed me that much baby?" Para akong binuhusan ng nagbabagang uling dahil sa init aking mukha. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kahihiyan. Nagpakawala ng malutong na tawa si Ace dahil sa aking ginawang pagtatago ng mukha sa kanyang dibdib. "Nahiya ka baby? ‘Wag kasing sunggab ng sunggab nahiya ka tuloy." tukso niya sa akin kaya pinag kukurot ko siya sa tagiliran. Napadaing siya ngunit tatawa tawa pa rin. "Enough baby, he's busy driving ok?" naka ngisi pa rin siya habang hinihimas ang tagiliran niyang pinagkukurot ko kanina. "I hate you!" sikmat ko sa kanya. "I love you." napamaang ako sa kanyang sinabi at maging siya ay nagulat ng napagtanto ang kanyang sinabi. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa marating namin ang air port kung saan nag hihintay ang private plane sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD