Chapter 16

1341 Words
Jane's POV Mag takipsilim na ng payagan ako ni Ace na umuwi, nag early dinner muna kami dahil nag order siya ng food. Hindi ko na siya na pagluto ng hapunan dahil na over slept ako dahil yata sa pagod. Nag init ang aking pisngi dahil sa isiping iyon. Hindi ako tinantanan ng boss ko panay hirit siya ng isa pang round hanggang sa makatulog ako dahil sa pagod. Habang papauwi lulan ng kanyang kotse ay hawak niya ang aking isang kamay. Madalas niya itong dalhin sa kanyang mga labi at dampihan ng halik. Lagi ko siyang nahuhuling nangingiti kahit nasa daan ang buong atensyon niya. Napaisip ako, paano kapag nalaman sa opisina ang ugnayan namin ng boss ko? Hindi ko sila masisisi kung pag iisipan nila ako ng hindi maganda lalo na ang mga kapwa ko empleyado. Maybe some of them will think that I seduced my boss, and some of them think that I took advantage of the situation. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nakaraan ko. I remember Adrian, my ex boyfriend. Katulad ni Ace ay galing si Adrian sa mayaman na pamilya. Anak siya ng dating alkalde ng aming bayan at ngayon ay gobernador ng lalawigan. Matagal nagpalipad hangin sa akin su Adrian akala ko noong una ay isa lang ako sa mga babaeng gusto niyang ikama dahil bali balita sa amin na babaero siya. Nanligaw siya sa akin ngunit iniwasan ko siya, ilang beses ko ng tinanggihan ang panliligaw niya at sinabing ibaling nalang sa iba ang nararamdaman niya. Ngunit imbes na iwasan ako ay lalo siyang nagpursiging suyuin ako at ligawan. Hanggang sa hindi ko na rin kayang itanggi ang pag ibig na nararamdaman sa kanya. Mahal na mahal ko si Adrian, at alam kong ganun din siya sa akin ang sarap sa pakiramdam na kahit patago lang kami noon na nagkikita at nag kakausap masayang masaya ako. Hindi dapat malaman ng iba ng may relasyon kami lalo na ang mga magulang ko, kapag nalaman nila na nakikipag relasyon ako habang nag aaral baka patigilin ako. Sa tuwing lunch break lumalabas ako ng school at nagpupunta sa lihim naming tagpuan. Magkaiba kami ng school na pinasukan, ako ay sa public school ng aming bayan at siya ay sa private school dito lang din sa amin. Dama ko ang tunay niyang pagmamahal sa akin kaya ng malapit na kaming magtapos ng high school ay binigay ko sa kanya ang puri na pinaka ingat ingatan ko. Ok pa naman kami ni Adrian malimit pa rin kaming magkita dahil dito rin siya sa maynila nag kolehiyo. Nagpatuloy ang aming relasyon hanggang sa nalaman ito ng Mama niya. Kinompronta ako ng Mama niya at pilit na inilalayo ako kay Adrian. Dumating pa 'yong time na gusto akong suhulan ngunit tumanggi ako at pilit ipinaglaban ang pag iibigan namin, huli na nang mapagtanto ko na ako na lang pala ang lumalaban dahil pinili ni Adrian ang magulang niya at career kaysa sa akin. Umalis siya at nagtungo sa ibang bansa para doon magpatuloy ng pag aaral. Labis akong nasaktan sa ginawa ni Adrian dahil umalis siya ng walang pasabi o kahit goodbye man lang. Dinaan niya ito sa isang maikling mensahe sa chat at sinabing "goodbye Jane, break na tayo." Masakit, sobrang sakit ngunit kailangan kong magpatuloy kailangan kong makapag aral at makatapos. Kahit nagkahiwalay kami ni Adrian umasa ako na babalik siya kapag pareho na kaming nakatapos sa pag aaral dahil pinang hahawakan ko parin ang pagmamahal namin sa isa't isa ngunit lumipas ang isang taon walang Adrian na bumalik, nalaman ko nalang sa kapatid ko na ikakasal na siya dahil nabuntis raw niya ang babae. That time I thought to myself that I should move on and stop assuming things that would happen because it is not. I keep on inculcating my mind that the beggar and the rich are not meant to be, but look at me now? I am falling again, at sa mayaman na naman, hindi lang basta mayaman dahil kung gaano kayaman ang pamilya ni Adrian ay hindi pa nangangalahati sa yaman ng mga delos Santos! Dalangin ko sa Diyos na sana walang masamang kapalit ang pagiging masaya ko sa piling ni Ace. Umaasa ako na sana hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko sa nakaraang kong pakikipagrelasyon. Nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ko at kalaunay ay bumuntonghininga dahilan ng paglingon ni Ace sa gawi ko. "What was that for?" Tanong niya. "Gusto ko sana na sa atin na lang muna kung ano man ang relasyon meron tayo." alangang sabi ko. "Why?" "Kasi ayoko lang na pag isipan tayo ng hindi maganda lalo na sa trabaho natin, your my boss and I am your secretary you know. Gusto ko kapag nasa opisina tayo casual lang tayo sa isa't isa." Saad ko. Nagkibit balikat siya at tumango. Bakit parang hindi siya tumutol? Bakit parang ok lang sa kanya na gawing lihim ang relasyon namin? Isina walang kibo ko na lang ang isipin 'yon hanggang sa makarating kami ng bahay. Pinapasok ko muna si Ace sa loob ng bahay. Wala pa yatang 30 minutes na nasa bahay kami ay dumating si Joy ng humahagulgol. Nalaman naming buntis siya at ayaw aminin ni Kiel na siya ang ama. Labis ang awa na naramdaman ko sa kaibigan ko. Gusto kong sumugod sa bahay ng lapastangan na 'yon ngunit pinigilan ako ni Ace. Tinanong niya kung ano ang plano ni Joy at sinabi naman nito kung ano ang plano niya. Gusto ni Joy na magpaka layu-layo para makalimutan niya ang labis na hinanakit ng dulot ni Kiel. Nag prisinta si Ace na tulungan ang mag ina. Naghahanap ng assistant ang pinsan niyang doctor sa kanilang probinsya sa Norte. Qualified naman si Joy dahil nurse siya. Tinawagan niya ang pinsan niyang doctor kung nakahanap na siya at ang sabi ay hindi pa kaya nirekomenda niya si Joy. Um-oo naman ang pinsan niya kaya pinag pahinga na namin si Joy. Kami na lang mamaya ni nanay Marina ang mag iimpake ng mga gamit nila. Sinabihan ko si nanay Marina na samahan muna niya si Joy sa kwarto at ako nalang ang bahala kay Ace. Nagpasalamat naman siya sa akin at nagpaalam pati kay Ace bago umalis Nakakalungkot mang isipin na aalis na silang mag ina. Sila ang itinuturing kong pamilya sa loob ng maraming taon tapos iiwan na nila ako. Yumuko ako para mag iwas ng tingin dahil malalaglag na ang mga luhang namuo sa mata ko. "Baby why are you crying?" Tanong niya at inangat ang aking mukha. Bakas sa kanya ang pag aalala, napamura siya ng mahina nang makita ang mga luha ko na nag uunahan sa pag landas sa aking pisngi. Pinunasan ko ang aking mga luha at pilit ngumiti "Nalulungkot lang kasi ako, aalis na sila wala na akong kasama dito sa bahay." saad ko at hindi na mapigilan ang mapa hikbi. Niyakap ako ni Ace at marahang hinagod ang likod ko. "Don't worry too much ok? Nandito naman ako kasama mo, sa akin ka na tumira." Saad niya kaya napakalas ako sa yakap niya at salubong ang aking kilay na tinitigan siya. Sinasabi niya ang bagay na iyon na parang wala lang sa kanya. Ako? Titira sa bahay niya? No way! "Ace hindi ganun ka simple ang sinabi mo. Gusto ko nga na lihim ang relasyon natin tapos gusto mong tumira ako sa bahay mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang mag kasama ang boss at kanyang secretary sa iisang bahay?" Nagkibit balikat siya na parang wala siyang pakialam "Kung ayaw mo sa bahay ko tumira then you can stay in my condo, kesa naman dito na nag iisa ka lang at least doon may magbabantay sayo." "Pero-" "Wala ng pero pero baby makinig ka sa akin ok? Doon ka nalang sa condo ko walang nakakaalam na akin 'yon. So, you better pack your things now and we will drop it tomorrow morning bago tayo bumiyahe papuntang probinsya." Tumungo nalang ako bilang tugon. Ano pa nga bang magagawa ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD