Ace's POV
Maghapon si Jane sa aking bahay. Napuno ang buong kabahayan ng aming tawanan. Para kaming mga batang naghahabulan sa tuwing nag aasaran. Hindi ko mapigilang asarin siya dahil nakakatuwa ang kanyang itsura kapag nagagalit at na aasar siya. I found it cute everytime she pout her lips it feels like she want me to kiss her kaya madalas ko siyang nakawan ng halik. Pagkatapos ng aming pag iisa ay nag kwentuhan kami tungkol sa sariling buhay namin. I found out na panganay pala siya at lahat ng kapatid niya ay nag aaral pa. Nag iisa siyang babae sa kanilang pamilya kaya pala may pagka tigasin ang galawan niya. She finished college by working at the cafe together with Joy, her best friend. They are also both scholars of a certain foundation.
Nagluto si Jane ng sinigang na baboy. Magaling siyang magluto, at isa ang katangian na iyon ng babaeng gusto kong makasama sa habang buhay. Napaisip ako, ano kaya ang mga katangian ng lalaki ang gusto niyang makasama o gusto niyang mapangasawa? It should be a businessman? A doctor? A nurse? Bigla akong napa tiim bagang ng maalala ang crush niyang si Red ba 'yon? Ano bang nakita niya sa lalaking 'yon? Di hamak naman na mas lamang ako sa lalaking iyon when it comes to body built, looks.... wait do I need to compare myself to anyone? Damn Ace na prapraning ka na naman. Nagising ako sa pag iisip ng magsalita si Jane, na nawala sa isip ko na kaharap ko pala siya ngayon.
"What's wrong? Hindi ba masarap ang niluto ko? Ayaw mo ba ang lasa?" sunod sunod na tanong niya sa akin.
Agad naman akong umiling "Hindi, masarap siya."
"Huh?" lalong na ngunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko, maybe she didn't get it.
"I mean masarap siya. sakto lang ang timpla and I think this is the best sinigang I've tasted in my whole life." nakangiting turan ko sa kanya.
"Sus, nambola ka pa. Bakit nga pala hindi ka pumasok?" tanong niya habang ninunguya ang pagkain na sinubo niya.
Nagkibit balikat ako saka sumagot sa kanya "Im not feeling well."saad ko tsaka sumubo ng pagkain.
"Im not feeling well daw eh ang sabi ni Mang Simon naglasing ka daw?" hindi ako naka imik I was caught off guard. How can I explain to her na nag lasing ako dahil na naman sa selos.
On that day pagdating ko ng bahay galing sa bahay nila Jane ay dumiretso ako sa mini bar ng aking bahay at mag isang uminom. I can't help myself to get jealous every time I see her giggling because of another man. At ang masaklap narinig ko pa mismo sa kaibigan niya na ultimate crush niya ang lalaking 'yon. I keep on asking myself ano ba ang kulang? Ano ba ang meron sa lalaking 'yon na wala ako. Para akong timang na mag isang nagsasalita habang tinutungga ang alak. F*ck I never did this in my past relationship. Tanging kay Jane lang ako nagkakaganito. Never in my wildest dream would I get drunk just because a woman doesn't pay attention to me! What the f*ck!
"Hoy! nakikinig ka ba? Natulala kana diyan?" nagising ako sa pag iisip ng yugyugin niya ang braso ko.
"Uh, Oh sorry ano nga ba 'yung sinasabi mo baby?"
"Tinatanong kita kung bakit ka nag lasing?" taas kilay niyang tanong sa akin.
Nakatitig siya sa akin habang hihintay ang isasagot ko. Napakamot ako sa aking ulo daig ko pa ang batang nakagawa ng kasalanan at pinapa amin ng kanyang nanay. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya.
"Baby ano kasi, I was jealous when I heard Joy say that Red is your ultimate crush. I felt insecure knowing that I like you but you like someone and that is not me." sagot ko sa kanya. Napanganga siya sa aking tinuran tila nagulat siya dahil sa diretsahan kong pagsasabi ng dahilan kung bakit ako naglasing kahapon.
Jane's POV
Nawindang ako sa mga rebelasyon ng lalaking ito. Naglasing siya dahil lang sa nalaman niyang crush ko si Red? At habang sinsabi niya iyon ay hindi ko maiwasan ang mapa ngiti dahil sa itsura niya para siyang maamong tuta na nakayuko. Seriously? Ace Alejandro delos Santos na napaka suplado mag co-confess sa akin habang nakayuko?
Self ang haba ng hair mo!
"Alam mo, hindi mo naman maiaalis sa isang tao ang magkaroon ng tagahanga o hinahangaan. Inaamin ko na crush ko si Red, hinahangaan ko na siya mula college kahit hindi ko pa alam noon ang pangalan niya. Crush ko na siya bago ka pa dumating, bago pa kita nakilala. Pero hindi naman nangangahulugan na kapag hinahangaan mo na ang isang tao e mahal mo na." saad ko. Nag angat siya ng tingin at napamaang, tila nagtatanong ang kanyang mga mata.
"What do you mean?" tanong niya sa akin. Napakamot ako sa aking pisngi hindi lang pala bipolar ito, may pagka slow din.
"I like you." nakayukong sabi ko hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa hiya.
Napamaang siya dahil sa aking sinabi, mukhang hindi pa nag rerehistro sa kanyang utak ang sinabi ko at isa-isa niyang inalala ang mga iyon. Napa kurap-kurap pa siya bago magsalita.
"Y-you like me?" utal na tanong niya na tila hindi makapaniwala.
Napangiti ako at tumango tango.
"So, tayo na?" hindi ko na mapigilan ang matawa sa sinabi niya. Para siyang teen ager na napa sagot ang nililigawan at unang beses magkaroon ng girlfriend.
"Manligaw ka muna?" pang aasar ko sa kanya.
Napangiti siya, ang kanyang mga ngiti ay abot sa kanyang mga mata. Kakaibang kinang ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Ngiting hindi nagkukunwari, yung tipo ng walang iniisip na problema. Nitong mga nagdaang araw kasi ay nahahalata ko na minsan ay tulala siya at parang may malalim na iniisip. Minsan nahuhuli ko siyang iritado at matalim ang mga mata niya habang nakatitig sa kanyang laptop. Ngunit kapag kasama niya ako at kaming dalawa lamang mas napapadalas ang kanyang pag ngiti at pagtawa kaya naman mas lalong lumitaw ang angking kagwapuhan. Seriously ganun na ba talaga katindi ang epektong hatid ko sa kanya? Well hindi ko siya masisisi, ganun din naman ako sa kanya. Kahit anong iwas ko ay mas lalong tumitindi ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya.