“Nasaan si Kuya?” nagtatakang tanong ni Austin kay Charmaine nang makababa siya ng hagdanan. Tiningnan ng diretso ni Charmaine si Austin. Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko. Baka maaga pumasok,” sagot nito. Ilang araw na rin simula nang mag-umpisa si Brandon sab ago nitong trabaho. “Ganun ba?” napapatangong sambit ni Austin. Nagbuga siya ng hininga pagkatapos. “Sige alis na ako. Ikaw na munang bahala rito sa bahay,” sabi pa nito saka maglalakad na sana palabas ng bahay ng patigilin siya ni Charmaine. “Wait!” mabilis na bulalas ni Charmaine. Nilingon siya ni Austin na may pagtatakang mababanaag sa mukha. “Bakit? May kailangan ka ba?” kunot-noong tanong ni Austin. “Uhm… sigurado ka bang papasok ka pa sa trabaho?” makahulugang tanong ni Charmaine na ikinataka naman ni Austin. “Oo naman. B

