“Dito mo ba talaga gusto na ipagdiwang ang first month natin?” patanong na sambit ni Thunder kay Austin. Nasa park sila ngayon at magkasabay na naglalakad ng mabagal sa bandang gilid. Wala silang pasok sa opisina. Talagang sabay ang day-off nila dahil iyon na rin ang kagustuhan ni Thunder. Dama nila ang preskong simoy ng malamig na hangin na masarap sa pakiramdam. Tiningnan ni Austin si Thunder. Ngumiti siya saka tumango-tango. “Oo,” sagot niya. “Bakit? Ayaw mo ba dito?” tanong niya pa. Kumibit-balikat si Thunder. “Hindi naman sa ayaw pero dapat sa espesyal na lugar tayo pumunta, ‘di ba? Katulad na lang sa mamahaling restaurant. May alam akong restaurant kung saan masarap ang steak nila. Gusto mo dalhin kita run,” pag-aaya niya pa. Ningitian ni Austin si Thunder. “Thunder, hindi naman

