Chapter 45

2516 Words

“Nakakabisita ka pa pala dito sa Agunaya kahit na nagtatrabaho ka sa amin?” Hinawi ko ang buhok ko nang maitanong iyon. Dumapo ang pang-Disyembreng hangin habang suot-suot ko ang kulay puting dress para sa magaganap na kasal mamaya.   My boyfriend is so hot in his suspenders. Naka-tuck-in ang kaniyang long sleeves at binagayan ng pagilid na hawi ng kaniyang buhok. Lalong nadepina ang kagwapuhan niya sa pagiging moreno. Lalo akong nahulog nang makita ang simple niyang ngiti.   “Oo, nagagawa kong bumiyahe rito habang nasa eskwela ka. Wala rin naman ang mga magulang mo noon kaya hindi pahirapan.”   Napatango-tango ako. Naikwento kasi sa akin ni Ada kanina na parang hindi naman daw ganoon ka-busy ang kuya niya kahit na nagtatrabaho naman sa amin. Nagtataka tuloy ako gayong nagagawa naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD