Natapos ang wedding ceremony nang maayos. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi nagawang manggulo ni Trivo. Wala pa rin ako sa sarili gayong hindi naman gumawa ng kahit anong eskandalo si Trivo. Buong oras kong inisip si Kaloy at kung ano ang pinag-uusapan nila ni Dahlia. Para akong pinagsasasaksak ng maraming punyal dahil minsan, nagkakatinginan sila. Samantalang ako ay heto, walang magawa sa malayong pwesto. Nasasaktan nang palihim. Nais lumapit sa kaniya ngunit mananatiling hanggang tingin. “Ayos ka lang?” Ako naman ngayon ang tinanong ni Carrie. Panay kasi ang tanong ko sa kaniya kanina matapos siyang ignorahin ni Trivo. Alalang-alala ako sa damdamin niya samantalang ako ay palihim na nasasaktan. Siguro nga ganito ang sukli ng lihim na pag-ibig. Magmamahal nang palihim. M

